Ang may-ari ng media ang may-kontrol ng impormasyon
Ang may-ari ng isang bagay ang may-kontrol nito. Sa materyal na mundo, ang may-ari ng ginto ang namumuno. Kaya mahalagang alam ng publiko kung sino ang may-ari at may-kontrol ng pinagkukunan ng impormasyon.
Noong 2016, pinag-aralan ng VERA Files at Reporters Without Borders-Germany ang pag-aari ng media sa Pilipinas. Napag-alamang ang media sa Pilipinas ay bihag ng mga elitistang negosyante at pinaglalabanan lang ng ABS-CBN at GMA.
Noon ay TV ang nangungunang pinagkukunan ng impormasyon. Pero napakarami nang nangyari na sobrang nakaapekto sa media sa Pilipinas.
Ngayong taon, sa suporta ng German Embassy, nakipagtulungan ang VERA Files sa Global Media Registry para i-update ang Philippine Media Ownership Monitor database.
Pinakikita ng datos na, kahit marami nang nagbago, marami pa ring hindi nagbago.