This is an automatically generated PDF version of the online resource philippines.mom-gmr.org/en/ retrieved on 2024/09/18 at 02:53
Global Media Registry (GMR) & VERA Files - all rights reserved, published under Creative Commons Attribution-NoDerivatives 4.0 International License.
VERA Files LOGO
Global Media Registry

ABS-CBN: Mula higanteng network papuntang multimedia content provider

Noong July 10, 2020, hindi pumayag ang Committee on Legislative Franchises na ipagpatuloy pa ang prangkisa ng ABS-CBN Corporation ng 25 taon. Ang hindi pagpayag ng 70 kongresista ang nagpasara sa noo’y pinakamalaking TV network sa Pilipinas. 

Sa pagpapasara ng mga libreng operasyon sa TV at radyo ng ABS-CBN, pinasara din ang mga estasyon nito sa iba’t ibang rehiyon, na mahalaga sa pagkokonekta ng mga liblib na lugar paugnay sa Metro Manila.

Inudyok ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasara sa ABS-CBN, na nagresulta ng pagkawala ng trabaho ng 11,000 tao at marahas na binago ang media sa Pilipinas. Pero hindi napatahimik ang ABS-CBN. 

Dito, doon, kahit saan

Sa kabila ng pagpapasara sa ABS-CBN, mas lumawak pa nga ang naaabot nila ngayon.

Puwede nang mapanood ng mga Kapamilya ang mga palabas ng ABS-CBN sa Netflix, Amazon Prime at Viu.

Ang mga programang pambalita, gaya na TV Patrol at The World Tonight, ay napanonood sa A2Z, Kapamilya Channel at ANC.

Ang ABS-CBN ay may YouTube channels at Facebook accounts para sa entertainment at balita. At bawat isa ay may milyon-milyong subscribers/followers.

May multimedia content din sila sa abs-cbn.com, Starmagic at iWantTV.

Mula sa nangungunang broadcast company sa Pilipinas, naging content company ang ABS-CBN. At hindi sila nagsisisi. “Going after a franchise renewal is not a priority of the organization.” [Hindi  na priority ng ABS-CBN ang prangkisa,] sabi ng noo’y chief strategy officer, at ngayo’y consultant ng ABS-CBN, na si Raymund Miranda.

Mula May 2020, nang ipatigil ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga pagpapalabas ng ABS-CBN, mahigit siyam na panukala ang minungkahi sa mababang kapulungan para bigyan ng bagong lisensiya ang ABS-CBN para maging broadcast company ulit.

“We do not expect it to move, neither are we following up on that.” [Hindi namin inaasahang umusad ’yon, at hindi rin namin hinahabol,] sabi ni Miranda.

Patuloy na pagkuwestiyon sa ABS-CBN

Sa ika-19 na kongreso pa lang, marami nang panukalang kinukuwestiyon ang kasalukuyang areglo ng negosyo ng ABS-CBN kasama ang ibang broadcast networks. 

Ilan sa mga areglong kinukuwestiyon ang pagpapalabas ng mga programa ng ABS-CBN sa TV5, A2Z at GMA 7 at patuloy na pagpapalabas ng TV Patrol sa digital at binabayarang channels. Ang mga areglong ito ay paglabag daw sa pagpapatigil ng NTC sa mga pagpapalabas ng ABS-CBN. 

Kinuha ng VERA Files ang panig ng NTC, pero hindi na sila na sumagot sa mga tanong tungkol sa interview.

Nilinaw ni Miranda na hindi inimbento ng ABS-CBN ang ideya ng pakikipag-collab sa ibang networks bilang paraan para makaiwas sa mga patakaran.

Dahil hindi na broadcast network ang ABS-CBN, ginaya na lang nila ang business model ng pagbebenta ng content na, ayon kay Miranda, ginagawa na noon pa sa Europe, America at ibang bansa sa Asia. “If you go around the world, there are so many companies that don’t own franchises or are not broadcast networks or not networks but are very successful as content companies, HBO being the classic example.” [Sa ibang bansa, napakaraming kompanyang walang prangkisa o hindi network pero napaka-successful bilang content company, gaya ng HBO.]

Paghahabol sa kita

Ang paglawak ng naaabot ng content at pagkakaroon ng milyon-milyong subscriber ay hindi laging nangangahulugang pagtaas ng kita. Ang ABS-CBN ay nalugi ng 13.5 bilyong piso noong 2020, 5.7 bilyon noong 2021, 2.6 bilyon noong 2022 at 3.396 bilyon noong January hanggang September 2023.

Ang kita online ay iba sa kita sa TV at radyo, paliwanag ni Miranda. Ang pag-aari ng network ay nangangahulugan ding walang kahati sa kita, kumpara sa pagpapalabas sa ibang network. Ang pagkakaroon ng prangkisa ay nangangahulugan ding buong kontrol sa pagpapalabas. 

Napakarami ring kakompetensiya online kaysa sa pambansang merkado. At mahal pa rin ang internet sa Pilipinas. 

Para pagaanin ang pagkalugi, hininto ng ABS-CBN ang ilan nilang operasyon, gaya ng mga libro, magazines, O Shopping Channel, Chalk.ph at DZMM Teleradyo, na ngayo’y DWPM Teleradyo 630 sa pakikisosyo ng ABS-CBN sa Prime Media Holdings, Inc. 

Noong December 2022, ang ABS-CBN ay may higit 5,700 empleyado–halos nangalahati mula sa nasa 11,000 emplayado bago ipasara ang ABS-CBN.

Entertainment sa ngayon

Ang mga pagsubok sa negosyo ang nag-udyok sa ABS-CBN para mag-focus sa mga mas mabentang entertainment content. Pinananatili pa rin nila ang malakas nilang pagbabalita, pero ngayo’y online na lang at hindi na kasinlawak ang naaabot noong may mga estasyon pa sila sa iba’t ibang rehiyon.

Ang pagpapasara sa ABS-CBN ay pinakanararamdaman tuwing may mga bagyo at iba pang sakuna, kung kailan nababalita noon ng mga estasyon nila sa iba’t ibang rehiyon ang mga sitwasyon sa mga liblib na lugar.  

Kailangan din maghintay ang pagpapalalabas ng mga dokumentaryo dahil iba ang bentahe nito sa mga entertainment series. May ibang areglo ang pakikipag-collab sa ibang mga network na may sariling mga tagapagbalita. 

Sources

[Translate to Tagalog:] Interview with Raymund Miranda, independent consultant and former ABS-CBN chief strategy officer, 13 November 2023
[Translate to Tagalog:] Annual Reports of ABS-CBN
[Translate to Tagalog:] Media Landscape Report for Quarter 2, 2023, available upon purchase from Nielsen Company (US), LLC
[Translate to Tagalog:] WATCH: Bela Padilla on ABS-CBN signing off: “Justice not served for 11,000 Kapamilyas” (2020), ABS-CBN Entertainment official website [Translate to Tagalog:] Accessed on 28 February 2024
[Translate to Tagalog:] ABS-CBN Shutdown, Media Ownership Monitor Philippines [Translate to Tagalog:] Accessed on 20 February 2024
[Translate to Tagalog:] Aborted deal between ABS-CBN, TV5: More than a business deal (2022), Center for Media Freedom and Responsibility official websit [Translate to Tagalog:] Accessed on 28 February 2024
[Translate to Tagalog:] ABS-CBN and TV5 announce landmark deal (2022), ABS-CBN Corporation official corporate website [Translate to Tagalog:] Accessed on 28 February 2024
[Translate to Tagalog:] Netflix Brand Assets Terms & Conditions (Netflix logo), Netflix.com [Translate to Tagalog:] Accessed on 28 February 2024
[Translate to Tagalog:] Twitter logo, X’s official X account [Translate to Tagalog:] Accessed on 28 February 2024
[Translate to Tagalog:] Facebook logo (2023), Facebook official page [Translate to Tagalog:] Accessed on 28 February 2024
[Translate to Tagalog:] Using the YouTube Logo, Youtube.com [Translate to Tagalog:] Accessed on 28 February 2024
[Translate to Tagalog:] Viu logo, Viu on Google Play [Translate to Tagalog:] Accessed on 28 February 2024
[Translate to Tagalog:] KTX.ph logo, KTX.ph official website [Translate to Tagalog:] Accessed on 28 February 2024
[Translate to Tagalog:] iWantTFC logo, iWantTFC official YouTube channel [Translate to Tagalog:] Accessed on 28 February 2024
[Translate to Tagalog:] KTX.ph logo, KTX.ph official website [Translate to Tagalog:] Accessed on 28 February 2024
[Translate to Tagalog:] Kapamilya Channel logo, ABS-CBN Entertainment official website [Translate to Tagalog:] Accessed on 28 February 2024

  • Project by
    VERA Files
  •  
    Global Media Registry
  • Funded by
    BMZ
  •  
    Logo of Embassy of the Federal Republic of Germany Manila