This is an automatically generated PDF version of the online resource philippines.mom-gmr.org/en/ retrieved on 2024/09/18 at 03:23
Global Media Registry (GMR) & VERA Files - all rights reserved, published under Creative Commons Attribution-NoDerivatives 4.0 International License.
VERA Files LOGO
Global Media Registry

Lipunan

Ayon sa Filipinong manunulat na si Carmen Guerrero Nakpil, ang mga Filipino ay resulta ng 300 taon sa kumbento at 50 taon sa Hollywood. 

Dahil sa 300 taon ng pananakop ng mga Espanyol, 80% ng 116.5 milyong populasyon ng Pilipinas ay mga Katoliko.

 Ayon sa mga mananakop, ang kasaysayan ng Pilipinas ay nagsimula nang “matuklasan” ni Ferdinand Magellan ang Pilipinas noong 1521. At noong 1543, ipinangalan naman ni Ruy Lopez de Villalobos ang “Las Islas Felipinas” alinsunod kay noo’y Haring Felipe ng Espanya.

Pero ayon sa pag-aaral ng mga nahukay na sinaunang kagamitan, mahigit 50,000 taon nang may lipunan, kultura, at gobyerno sa kapuluang kalaunan ay naging Pilipinas. Bago ang pananakop ng mga Espanyol, ang nangungunang relihiyon sa kapuluan ay Islam, na ngayon ay pinaniniwalaan pa rin ng 6.4% ng mga Filipino.

 Ang Pilipinas ay kapuluan na binubuo ng 7,640 pulo, na dahilan ng kayamanan ng kultura, pero dahilan din ng kahirapang magkaisa. May higit 120 wika ang Pilipinas. Filipino o estandardisadong Tagalog ang pambansang wika, pero mas ginagamit ang Ingles sa buong bansa.

Noong halos 50 taon na pananakop ng mga Amerikano unang nagkaroon ng pampublikong edukasyon sa Pilipinas mula sa mga Amerikanong gurong dumating noong 1901, sakay ng barkong USAT Thomas kaya tinawag silang Thomasites. 

Pinahahalagahan ng mga Filipino ang edukasyon bilang tulay para umunlad ang buhay. Kaya nakababahala ang pagbaba ng kalidad ng pampublikong edukasyon, na ipinakikita ng mabababang score ng mga Filipino sa mga international exam nitong mga nakaraang taon.

Pero magagaling ang Filipino sa paggamit ng internet. 

Gumagamit ng internet ang 83% ng mga Filipino, na karamihan ay nasa social media at Facebook ang pinakagusto. Ang mga Filipino ay gumugugol ng nasa siyam na oras araw-araw sa internet. Sa buong mundo, pangatlo ang mga Filipino sa pinakababad sa internet. 

  • Project by
    VERA Files
  •  
    Global Media Registry
  • Funded by
    BMZ
  •  
    Logo of Embassy of the Federal Republic of Germany Manila