This is an automatically generated PDF version of the online resource philippines.mom-gmr.org/en/ retrieved on 2024/09/18 at 02:21
Global Media Registry (GMR) & VERA Files - all rights reserved, published under Creative Commons Attribution-NoDerivatives 4.0 International License.
VERA Files LOGO
Global Media Registry

Teknolohiya

Noong 2022, ang iginugugol ng karaniwang Filipino sa social media ay nasa 3 oras at 45 minuto araw-araw—mas matagal kaysa sa karaniwang 2 oras at 30 minuto sa buong mundo. 

Facebook at Messenger pa rin ang paborito ng mga Filipino, pero dumarami na rin ang gumagamit ng TikTok na nauunahan na ang Instagram at Twitter. 

Sa 114 milyong Filipino, 99% ang may smartphone pero 70% lang ang gumagamit ng internet sa smartphone. 

Halos 73% ng mga Filipino ang gumagamit ng internet, ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT), ang nagpaplano at nagpapatupad ng mga gawaing pangkomunikasyon at panteknolohiya sa buong Pilipinas. 

Pero kahit napakaraming Filipino ang gumagamit ng internet, napakatagal pa bago makahabol ang Pilipinas sa bilis at presyo ng internet sa buong mundo. Ayon sa Speedtest Global Index, noong October 2023, ang Pilipinas ay pang limangpu (50) sa fixed broadband download speed at 82nd sa mobile download speed. Kompara sa higit 80 bansa, 21st ang Pilipinas sa presyo ng internet na 2,230 pesos kada buwan sa karaniwang 100 Mbps.

Ang mga dahilan ng mabagal at mahal na internet sa Pilipinas ay mga patakaran ng gobyerno, kakulangan ng mga kompanya ng internet at hiwa-hiwalay na mga isla.

Mga nangunguna sa mobile subscription, internet at content 

Bilang pinakamalalaking mobile at internet service provider sa Pilipinas, PLDT at Globe lang ang may-konrol ng halos buong telecommunications sa Pilipinas. 

Ayon sa Moody’s Investors Service, noong 2022, 57% ng mga Filipino subscriber ang mayroon ang Globe at 43% naman sa PLDT. Napakalayo pa ng hahabulin ng DITO bilang pangatlong telco sa Pilipinas.  

Nasa Pilipinas ang headquarters ng PLDT na sinasabing pagmamay-ari ni Manuel V. Pangilinan, na magbabalik bilang CEO ng kumpanya. 

Ang Globe naman ay pag-aari ng pamilyang Ayala, bukod pa sa ibang negosyo tulad ng real estate, bangko at patubig sa Pilipinas. 

Habang ang DITO ay pag-aari ni Dennis Uy, isa sa may pinakamalaking iniambag sa kampanya ng pagkapangulo ni Rodrigo Duterte. Noong administrasyong Duterte, mula sa negosyo sa petrolyo, ipinalawak ni Dennis Uy ang mga negosyo niya sa langis, pagde-deliver, pabahay, edukasyon at mga laro. 

Google, Facebook at YouTube ang nangungunang search engine at social media na ginagamit sa Pilipinas. Nasa 82% ng paggamit ng internet sa Pilipinas ay nasa Google Chrome. Noong 2022, higit isang bilyon kada buwan ang gumagamit ng Google. Ang pinakasikat na social media sa Pilipinas ay Facebook na may 94.6 milyong active users; sunod ang Messenger (92.1%) at TikTok (77.2%). Noon ding 2022, nasa 615 milyon kada buwan ang nanonood sa YouTube at 78.1 milyon naman sa TikTok.

Ayon sa Nielsen, noong 2023, ang nangungunang pinagkukunan ng impormasyon at balita ng mga Filipino online ay gmanetwork.com, sunod ang abs-cbn.com/news at philstar.com.

Relasyon ng tech companies at gobyerno

Ang pagpaplano at pamamalakad ng DICT ay paghahabol sa mabilis na sektor ng teknolohiya. 

Noong 2017, inilunsad ng DICT ang National Broadband Plan (NBP) sa sampung taon bilang tugon sa utos ni dating pangulong Duterte na magbigay ng libreng public wifi at pabilisin ang internet sa Pilipinas. May limang parte ang NBP. Noong 2023, nagawa ang 70% ng unang parte. Nagpatayo ng pambansang fiber backbone. Ang libreng public wifi ay inaasahang matapos sa 2026.

Bilang tugon sa lalong lumalaking pangangailangan ng abot-kayang internet, noong 2020, ang DICT ay naglabas ng mga gabay para sa paggamit ng shared cell tower para sa mga mobile network operator. Ang Pilipinas ay mayroon lang 22,000 cell towers na ipinatatakbo ng PLDT, Globe at DITO. Ang paggamit ng shared cell tower ay inaasahang makapagpatakbo ng mga mobile network sa merkado. 

Mula January hanggang September 2022, ang Philippine National Police ay nakapagtala ng 4,000 krimeng may kinalaman sa cellphone. Kaya ipinatupad ng National Telecommunications Commission (NTC) ang SIM Registration Act noong 2023. Kailangan nang i-register ang mga SIM number. Noong July 2023, higit 100 milyong Filipino ang nag-register. 

Para palakasin ang kompetisyon sa merkado, noong 2022, ang Public Service Act ay binago para payagan ang mga dayuhan na mag-ari ng buong kompanya sa Pilipinas, kasama ang mga telco. 

Relasyon ng tech companies at media

Umaasa ang media sa teknolohiya para makagawa at makapagpakalat ng content. 

Ang mga tech company naman ay nakikinabang sa media sa pamamagitan ng advertising, sponsorship at public relations. Halimbawa nito ang PLDT na konektado sa MediaQuest at ang Philippine Daily Inquirer sa pamamagitan ng Beneficial Trust Fund nito.

Ang media ay suki rin ng mga telco. Ang mga journalist, producers at iba pang media workers ay kadalasang binibigyan ng kanilang mga kompanya ng laptops at smartphones na may load at internet para makapagtrabaho sila.

Paano pinamamahalaan ang tech companies

Ang telecommunications ay dating itinuturing na kagamitang pampubliko. Pero binago nga ang Public Service Act noong 2022. 

Ang mga telco ay kailangan pa ring kumuha ng prangkisa sa Kongreso at mga lisensiya sa NTC. Isa sa mga lisensiya ang Certificate of Public Convenience and Necessity (CPCN), na puwedeng umabot hanggang sampung taon bago makuha at may bayad na 300,000 pesos. Habang hinihintay ang CPCN, maaaring pagbigyan ng NTC ang mga kompanya na magpatuloy ang operasyon. Ang mga telco na kumukuha ng mga lisensiya ay kailangang patunayan ang kakayahang magbigay ng mga serbisyo. NTC rin ang nagtatakda ng frequency ng mga network.

Philippine Competition Commission (PCC) ang namamahala sa mga pagsososyo at pagbili ng mga kompanya, kasama ang mga telco at media. Ito rin ang nagbabantay sa mga kasunduang puwedeng magresulta sa kaunting pagpipilian at kompetisyon sa merkado, na nakasasama sa mga customer. 

Isang halimbawa noon ang kagustuhan ng PLDT na bilhin ang SkyCable. Ang PLDT ay pinamumunuan ni Manuel V. Pangilinan, habang ang SkyCable ay pag-aari ng pamilyang Lopez na may-ari din ng ABS-CBN.

Noon pa’y pinag-aaralan na ng PCC ang kagustuhan ng PLDT na bilhin ang SkyCable. Noong March 2023, inalam ng PCC ang masasabi ng publiko para lalong mapag-aralan kung makababawas nga sa kompetisyon kapag binili ng PLDT ang SkyCable. Mahalaga ito sa Pilipinas kung saan mahal pa rin ang internet dahil kulang sa kompetisyon. 

Sources

[Translate to Tagalog:] Speedtest Global Index’s Media Country Speeds for October 2023, Speedtest.net official website, [Translate to Tagalog:] Accessed on 31 October 2023
[Translate to Tagalog:] DIGITAL 2023: THE PHILIPPINES, DataReportal official website [Translate to Tagalog:] Accessed on 28 February 2024
[Translate to Tagalog:] DICT highlights the Digital Infrastructure Program on Philippine Internet Day, Department of Information and Communications Technology official website [Translate to Tagalog:] Accessed on 28 February 2024
[Translate to Tagalog:] Worldwide comparison of Internet prices in 2023 – how much does Internet cost in the Philippines? (2023), Picodi official website [Translate to Tagalog:] Accessed on 11 December 2023
[Translate to Tagalog:] PLDT seen remaining at forefront of telco sector (2023), The Philippine Star official website [Translate to Tagalog:] Accessed on 28 February 2024
[Translate to Tagalog:] PBBM admin eyes to complete national broadband connectivity in 2026 (2023), Presidential Communications Office official website [Translate to Tagalog:] https://pco.gov.ph/news_releases/pbbm-admin-eyes-to-complete-national-broadband-connectivity-in-2026/
[Translate to Tagalog:] Philippines - Country Commercial Guide on Information and Communications Technology (2023), United States International Trade Administration official website [Translate to Tagalog:] Accessed on 11 December 2023
[Translate to Tagalog:] PNP: ‘More teeth’ vs online crimes with SIM card law (2022), Inquirer.net official website [Translate to Tagalog:] Accessed on 11 December 2023
[Translate to Tagalog:] Republic Act No. 11659 (2022), Official Gazette of the Philippines official website [Translate to Tagalog:] Accessed on 28 February 2024
[Translate to Tagalog:] About the Philippine Competition Commission, Philippine Competition Commission official website [Translate to Tagalog:] Accessed on 28 February 2024

  • Project by
    VERA Files
  •  
    Global Media Registry
  • Funded by
    BMZ
  •  
    Logo of Embassy of the Federal Republic of Germany Manila