DZMM 630

Ang DZMM 630 ay isang istasyon ng radyo na AM na pag-aari ng ABS-CBN Corporation. Una itong sumahimpapawid noong 1953 bilang DZAQ, isang istasyon ng radyo sa ilalim ng Alto Broadcasting System na pag-aari ni Antonio Quirino. Kinalaunan ito ay nabili ng Chronicle Broadcasting Network na pag-aari ng mga Lopez.Nasa ika-30 taon ngayon, ang DZMM ay nakapangalap at nakapag-ulat ng balita kaugnay ng mga pinakamakabuluhang pangyayari sa kasaysayan ng bansa, kabilang ang pagguho ng Ruby Tower kasabay ng lindol sa Casiguran noong 1968, ang First Quarter Storm (1970), ang EDSA Revolution (1986), ang paglubog ng MV Dona Paz (1987), ang pagsabog ng Mt. Pinatubo (1991), ang trahedya sa Ozone Disco (1996), at ang paglusob (ng Moro National Liberation Front) sa Zamboanga City noong 2013. Noong 2014, ito ay nagkamit ng pandaigdig na pagkilala bunga ng pagkalap at pag-uulat ng balita tungkol sa Supertyphoon Yolanda (internasyonal na pangalan: Haiyan) at komprehensibong report sa pagkilos ng gobyerno sa pagtugon sa kalamidad. Ang DZMM ay pumasok na rin sa ibang uri ng media bukod sa radyo. Noong 2007, ito ay nagsahimpapawid ng unang brodkas ng DZMM TeleRadyo sa kapatid nitong kumpanya, ang SkyCable. Ang pag gamit ng biswal na media ay nagbigay sa mga reporter nito ng pagkakataon na kunan at gumawa ng video ng mga pangyayari habang ito ay nagaganap. Ang DZMM ay maaari rin makita at mapakinggan online.
Parte o bahagi ng lahat ng mga tagapanood
30.2
Klase ng pagmamay-ari
pribado
Sakop na lugar
Mega Manila
Uri/ klase ng nilalaman
libre ang nilalaman
mga kompanya o grupo ng media
ABS-CBN Corporation
Istraktura o balangkas ng pagmamay-ari
Ang DZMM Radyo Patrol 630 ay pag-aari ng ABS-CBN Corporation, na ang punong kumpanya ay Lopez Incorporated, na pag-aari ng pamilya Lopez.
Grupo / Indibidwal na may-ari
Lopez, Incorporated
Lopez Incorporated ay isang kumpanyang namumuhuman na mga interest sa mga sektor tulad ng broadcasting at cable, telekomunikasyon, power generation at distribusyon, at banking. It is the parent company of ABS-CBN Corporation. Ito ang punong kumpanya ng ABS-CBN Corporation.
PCD Nominee Corporation
Ang PCD Nominee Corporation ay isang financial holding corporation na humahawak ng legal na titulo sa immobilized shares na nakalagak sa Philippine Central Depository Incorporated system at tumatakbo bilang sangay ng Philippine Central Depository.
Ching Tiong Keng
Pinakamalaking namumuhunan na may 26.745 porsiyento sa La Suerte Cigar and Cigarette Factory Incorporated.
Pangkalahatan na impormasyon
Taon ng pagkakatatag
1953, as DZAQ
Tagapagtatag
Antonio Quirino
impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may relasyon sa tagapagtatag, lalo na mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng tagapagtatag sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon
Si Antonio Quirino ay kapatid ni dating Pangulong Elpidio Quirino. May-ari rin siya ng Alto Broadcasting System bago ito nabili ng mga Lopez.
Punong Tagapagpaganap ng Kompanya
Carlo L. Katigbak
impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may kaugnayan sa punong tagapagpaganap ng kompanya, partikular ang mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng punong tagapagpaganap ng kompanya sa ibang mga organisasyon ng media at ibang mga sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon
Si Carlo L. Katigbak, ang presidente at chief executive officer ng ABS-CBN Corporation, ay nagtapos ng management sa Harvard at dating pinuno ng mga negosyo ng network na kaugnay ng bagong teknolohiya tulad ng cable at mobile.
Punong Patnugot
Marah Capuyat, head of DZMM
impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may relasyon sa punong patnugot, lalo na mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng punong patnugot sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon
Missing Data
Ibang mga importanteng tao
Eugenio L. Lopez III
Augusto Almeda-Lopez
Ma. Rosario Santos-Concio
Presentacion L. Psinakis
Manuel M. Lopez
Federico R. Lopez
Federico M. Garcia
Salvador G. Tirona
Antonio Jose U. Periquet
Emmanuel S. de Dios
impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga ibang importanteng tao; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng mga importanteng tao sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon
Si Eugenio L. Lopez III ang Chairman ng Board of Directors ng ABS-CBN Corporation, Vice Chairman ng Lopez Holdings Corporation, Chairman ng Sky Cable Corporation, Presidente ng Sky Vision Corporation, Tresurero ng Lopez Incorporated, Chairman ng Bayan Telecommunications Incorporated, direktor ng First Gen Corporation, direktor ng First Gen Corporation, First Philippine Holdings Corporation, Rockwell Land at ng Eugenio Lopez Foundation.
Si Augusto Almeda-Lopez ay Vice Chairman ng ABS-CBN Corporation mula pa noong 1989, direktor ng First Philippine Holdings Corporation (FPHC), First Philippine Industrial Corporation (FPIC), Bayan Telecommunications Incorporated, Sky Cable Corporation, at ADTEL Inc, Board Chairman ng kumpanya ng kanyang pamilya, ang ACRIS Corporation.
Si Ma. Rosario Santos-Concio ay miyembro ng board ng ABS-CBN Corporation, Presidente ng ABS-CBN University at Chief Executive Officer, dating pinuno ng Channel 2 Mega Manila Management.
Si Manuel M. Lopez ang nagtatag ng Lopez Group. Siya ay miyembro ng board at Chairman at Chief Executive Officer ng Lopez Holdings Corporation, Chairman ng Rockwell Land, Vice Chairman ng FPHC, direktor ng Meralco kung saan siya ay Chief Executive Officer mula noong Hulyo 2001 hanggang Hunyo 2010. Siya ang Philippine Ambassador sa Japan.
Si Federico R. Lopez ay direktor ng ABS-CBN Corporation mula pa noong 1999, Chairman at Chief Executive Officer ng First Philippine Holdings Corporation (FPH), Chairman at CEO ng First Gen Corporation at Energy Development Corporation, Vice Chairman ng Rockwell Land Corporation, Chairman ng Oscar M. Lopez Center for Climate Change Adaptation and Disaster Risk Management Foundation (The OML Center) at Sikat Solar Challenge Foundation. Board of Trustees ng World Wildlife Fund Philippines, Philippine Disaster Recovery Foundation at Philippine Tropical Forest Conservation Foundation, miyembro ng World Presidents Organization, Asia Business Council, ASEAN Business Club, New York Philharmonic International Advisory Board, Management Association of the Philippines, Philippine Chamber of Commerce and Industry, European Chamber of Commerce of the Philippines at Makati Business Club.
Si Salvador G. Tirona ay miyembro ng board at direktor ng ABS-CBN Corporation mula pa noong 2010, Presidente at Chief Operating Officer at kasalukuyang, Chief Finance Officer ng Lopez Holdings Corporation, Chairman at Chief Executive Officer ng First Philippine Holdings Corporation, Chairman at Chief Executive Officer/ Chairman ng First Gen Corporation, Chairman ng Energy Development Corporation, Vice Chairman ng Rockwell Land, Chairman ng First Philippine Industrial Park, Chairman at Chief Executive Officer ng First Gen Renewables Incorporated, Trustee ng Eugenio Lopez Foundation, at Treasurer ng Lopez Holdings Corporation.
Si Antonio Jose U. Periquet ay direktor ng ABS-CBN Holdings Corporation, at independent director ng mga sumusunod na korporasyon: Ayala Corporation, Bank of the Philippine Islands, DMCI Holdings Incorporated, Philippine Seven Corporation, and Max’s Group of Companies, isang restaurant chain.
Si Emmanuel S. de Dios ay miyembro ng Board of Independent Directors ng ABS-CBN Corporation mula pa noong 2013, propesor ng Economics sa University of the Philippines School of Economics mula 1989, presidente ng Human Development Network (Philippines) mula July 2012, Dekano ng University of the Philippines School of Economics mula 2007 hanggang 2010, miyembro ng Board of Advisers to the Board of Directors of the Corporation mula 2011 hanggang 2013, at miyembro ng Board of Trustees ng Pulse Asia (Phils.) Incorporated mula 2008.
Contact
ABS-CBN Corporation, Sgt. E.A. Esguerra Avenue, Quezon City Philippines 1103Telephone Number: +632-415-2272 <www.abs-cbn.com" class="intern" target="_blank">www.abs-cbn.com> www.abs-cbn.com" class="intern" target="_blank">www.abs-cbn.com
Impormasyon tungkol sa pananalapi
Kita (sa milyong dolyar)
Missing Data
Tubo mula sa operasyon (sa milyong dolyar)
Missing Data
Advertising (bilang % ng buong pondo)
Missing Data
Parte o bahagi sa kabuuang kita ng audiovisual media market
Missing Data
Karagdagang impormasyon
Mga Pangunahing Balita
Meta Data
ABS-CBN is a publicly listed corporation and is required by law to disclose everything.
Audience share from Nielsen's Radio Audience Measurement (Jan.-June 2016)