IBC 13

Ang IBC 13 ay isa sa tatlong mga himpilan na pag-aari ng gobyerno. Ang IBC ay tumatayo para sa Intercontinental Broadcasting Corporation. Ito ay nagsasahimpapawid ng libre sa TV channel 13 sa very high frequency (VHF). Ito ay korporasyon na pag-aari at kontrolado ng gobyerno na kasalukuyang sumasailalim sa proseso ng pagsasapribado. Ang himpilan ay kasalukuyang nagsasahimpapawid ng kawili-wiling timpla ng mga palabas tulad ng home shopping, sabong, at pang relihiyon na programa. Ang istasyon ay may 0.15 porsiyentong audience share batay sa National Urban TV Audience Measurement ng Nielsen mula Enero hanggang Agosto 2016.Iba't ibang relihiyon ang nagsasahimpapawid ng kanilang mga programa sa IBC. Ito ang mga Pentecostal Missionary Church of Christ (4th Watch), ang Kerygma TV ng Katolikong simbahan at El Shaddai, ang Katolikong charismatic group na pinangungunahan ng maimpluwensiyang si Mariano “Mike” Velarde. Ang IBC 13 ay nag umpisa noong 1960 bilang Inter-Island Broadcasting Corporation na pag-aari ng noo’y may-ari ng San Miguel Corporation na si Andres Soriano Sr.. Ang kilalang crony ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, si Roberto Benedicto ang nakakuha ng istasyon noong kinalaunan.Matapos ang 1986 People Power Revolution, inilit ng gobyerno sa pamamagitan ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) ang istasyon bilang bahagi ng pagbawi sa nakaw na yaman ng mga Marcos. Bagaman pag-aari pa rin ng gobyerno ang IBC, ang himpilan ay tumatakbo na parang pribadong korporasyon; hindi ito kumukuha ng pinansiyal na suporta mula sa gobyerno at umaasa sa kita ng istasyon para sa sariling operasyon. Noong 2010, ang network ay pumasok sa isang P780-milyong joint venture kasama ang Prime Realty, na may kaugnayan sa R-II Builders Group ni Reghis Romero Jr. para sa pag debelop ng Broadcast City, kung saan naroon ang RPN at IBC, bilang proyekto ng real estate sa Quezon City. Ilang mga senador ang nagkuwestiyon sa kontrata dahil nakasasama ito sa gobyerno. Ang pagsasapribado ng himpilan ay gagawin sa pamamagitan ng public bidding. Ang tinatayang pinakamababang halaga ng mga bid ay P1.977 bilyon.Sa isang pahayag kamakailan, sinabi ng administrasyong Duterte na plano nitong ibenta ang istasyon sa halagang P10 bilyon.
Parte o bahagi ng lahat ng mga tagapanood
0.15
Klase ng pagmamay-ari
pampubliko
Sakop na lugar
Pambansa
Uri/ klase ng nilalaman
Libre magsahimpapawid (VHF)
mga kompanya o grupo ng media
Presidential Communications Operations Office (PCOO)
Istraktura o balangkas ng pagmamay-ari
Ang IBC-13 ay pag-aari ng Intercontinental Broadcasting Corporation sa ilalim ng pamamahala ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).
Kompanya
Grupo / Indibidwal na may-ari
Jose B. Avellana, Jr.
Si Jose B. Avellana, Jr. ay abogado at Honorary Consul ng Consulate of the Republic of Mali sa Pilipinas mula pa noong Setyembre 2003. Siya ay direktor at ingat-yaman ng Intercontinental Broadcasting Corporation.
Manolito Cruz
Si Manolito Cruz ay presidente at chief executive officer ng Intercontinental Broadcasting Corporation na itinalaga ni dating Pangulong Benigno Aquino III.
Pangkalahatan na impormasyon
Taon ng pagkakatatag
1960
Tagapagtatag
Andres Soriano, Sr.
impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may relasyon sa tagapagtatag, lalo na mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng tagapagtatag sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon
Si Andres Soriano, Sr. ay naging aide ni Gen. Douglas MacArthur noong ikalawang digmaang pandaigdig at ang dating may-ari ng San Miguel Corporation, isa sa pinakamalaking kumpanya ng pagkain, inumin at packaging sa Pilipinas.
Punong Tagapagpaganap ng Kompanya
Manolito O. Cruz
impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may kaugnayan sa punong tagapagpaganap ng kompanya, partikular ang mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng punong tagapagpaganap ng kompanya sa ibang mga organisasyon ng media at ibang mga sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon
President and CEO
Punong Patnugot
Missing Data
Ibang mga importanteng tao
Jose B. Avellana, Jr.
Jose Rafael S. Hernandez
Jaime P. Alanis
Diosdado B. Marasigan
Marieta E. Nieto
Arturo M. Alejandrino
Ernesto E. Maipid, Jr.
Lauro G. Vizconde
impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga ibang importanteng tao; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng mga importanteng tao sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon
Chairman
Treasurer
Vice President for Special Concerns
Corporate Secretary
The rest are members of the board
Contact
Broadcast City, Capitol Hills, Diliman, Quezon City Telephone Number: +632-433-5538 loc. 201 No website
Impormasyon tungkol sa pananalapi
Kita (sa milyong dolyar)
6 Bil P (capital stock)
Karagdagang impormasyon
Mga Pangunahing Balita
Meta Data
Conversion rate on Dec. 31, 2015: P 46.85
Data based on Audience share from Nielsen’s National Urban TV Audience Measurement (Jan-June 2016).
Sources Media Profile
Republic Act 10390