This is an automatically generated PDF version of the online resource philippines.mom-gmr.org/en/ retrieved on 2023/09/29 at 16:05
Global Media Registry (GMR) & VERA Files - all rights reserved, published under Creative Commons Attribution-NoDerivatives 4.0 International License.
VERA Files LOGO
Global Media Registry

Philippine Daily Inquirer

Ang Philippine Daily Inquirer (PDI) ay isa sa mga nangungunang pambansang pang-araw-araw na broadsheet sa Pilipinas.Ito ay itinatag ng mga mamamahayag na sina Eugenia Apostol, Betty Go-Belmonte, Max Soliven, Luis Beltran, at Arturo Borjal noong Disyembre 1985, isang buwan matapos ang may sakit na diktador Ferdinand E. Marcos, sa tindi ng panggigipit mula sa Estados Unidos, ay tumawag ng snap presidential election. Si Beltran ang nagsilbing punong patnugot.Sa paglalathala ng mga report na kritikal kay Marcos, ang PDI ay kasama sa ilang mga babasahin na tinukoy na “alternatibong media,” na nagkaroon ng malaking papel sa pagpapatalsik kay Marcos sa pamamagitan ng People Power Revolution noong Pebrero 1986.Si Belmonte, na naging co-chairman at ingat-yaman ng Inquirer, ay nagbitiw sa kanyang posisyon noong Mayo 1986. Sabi ng anak niyang si Miguel Belmonte, ang presidente ngayon ng Philippine Star, ito ay nangyari matapos italaga ng noo'y Pangulong Corazon Aquino ang kanyang ama bilang president ng Government Service Insurance System o GSIS. Nangamba si Belmonte na baka maka-apekto ito sa kredibilidad ng pahayagan.Sina Borjal, Soliven, at Beltran kinalaunan ay humiwalay din kay Apostol at itinatag ang Philippine Star kasama si Belmonte. Si Letty Jimenez-Magsanoc, ang noo'y namamatnugot ng Sunday Inquirer Magazine, ang umupong punong patnugot at nanatili sa posisyong ito hanggang namayapa noong Disyembre 24, 2015.Noong Setyembre 1987, dalawang beteranong manager ng pahayagan mula sa broadsheet na Manila Bulletin ang sumapi sa Inquirer: sina Mariano B. Quimson Jr. bilang presidente at Ben M. Pangilinan bilang bise presidente para sa marketing. Ito rin ang panahon na ang Inquirer ay nakatanggap ng kinakailangan nitong kapital mula sa grupo ni Quimson. Nawala kay Apostol ang pagkapangulo ng PDI matapos malaman ng kanyang mga karibal sa loob ng pahayagan, sa pangunguna ni Quimson, na wala kahit isang PDI "qualifying share" sa kanyang pangalan na ipinaguutos ng Corporation Code. Siya ay pinatalsik bilang tagapangulo sa isang pagpupulong ng board noong Abril 30, 1990. Pinalitan siya ng ibang board member ng Inquirer. Isa sa mga direktor ng pahayagan, si Bienvenido Pangilinan ang pumalit kay Apostol.Ang pagsibak kay Apostol ay nangyari pagkatapos niyang magsampa ng kaso sa Securities and Exchange Commission (SEC) laban sa grupo ni Quimson. Nalaman ni Apostol na nakakuha si Quimson ng 58 porsiyento at kalamangan sa Inquirer board nang magpasya ito na ipawalang-bisa ang ilang share na pag-aari ng grupo ni Apostol. Bago nangyari ang pagpapawalang-bisa ng pinagtatalunang mga share, ang mga grupo nina Apostol at Quimson ay parehong mayoong pinagkasunduang 46.6 porsiyento ka-parte. Enero 26, 1994, si Apostol ay nagretiro at si Marixi Prieto ang umupong PDI chair, ang posisyon na pinanghahawakan niya hanggang ngayon. Isang grupo na pinamumunuan ni Eduardo Espiritu, dating presidente ng PNB, ang bumili ng share ni Apostol sa kumpanya. Bago nangyari ito, isang grupo na pinamumunuan ni Prieto ay bumili rin ng share at nakapasok sa PDI. Abril 29, 1998, si Ben Pangilinan ay nagretiro bilang presidente ng PDI at pinalitan siya ng anak ni Marixi, si Alexandra.Noong 1999, ang PDI ay napalaban sa may kapangyarihan, at nalantad ang kahinaan ng media sa pulitikal na panggigipit at pag sandal sa kinikita mula sa mga patalastas.Ikinagalit ng dating pangulong Joseph Estrada ang kritikal na pag-uulat ng Inquirer tungkol sa kanyang administrasyon. Inapuyan niya ng isang advertising boycott ang pahayagan, na sinunod ng ilang mga korporasyon ng gobyerno at pribadong sektor kabilang ang <Philippine National Bank, Social Security System, Land Bank of the Philippines, at pribadong kumpanya tulad ng PLDT atSmart.>opinion.inquirer.net/86960/truncated-memory

ixzz4PPL7vyhSSi Estrada ay na-impeach dahil sa mga akusasyon ng korapsyon at sa huli ay napatalsik sa isa na namang People Power noong Enero 2001.Ang PDI ay bahagi ng Inquirer Group, na naglalathala din ng mga tabloid na Bandera, Inquirer Libre at Cebu Daily News. Makikita rin ito online sa inquirer.net.Ang Inquirer ay 60-porsiyentong pag-aari ng LRP, Inc., isang holding company ng pamilya Prieto. Ang negosyanteng si Manuel V. Pangilinan ay mayroon ding bahagi sa pahayagan sa pamamagitan ng Excel Pacific Holding Corporation, na mayroong 13 porsiyentong share. Ang Inquirer ay nag-iimprenta sa Manila, Laguna, Cebu at Davao, at mayroong apat na regional bureaus. Noong 2013, ang pahayagan ay may lingguhang sirkulasyon na 270,000 hanggang 286,000, ayon sa Philippine Statistics Authority.

Pangunahing katotohanan

Parte o bahagi ng lahat ng mga tagapanood

0.65

Klase ng pagmamay-ari

pribado

Sakop na lugar

pambansa

Uri/ klase ng nilalaman

bayad ang nilalaman

datos na magagamit ng publiko

datos kaugnay ng pagmamay-ari ay madali makuha mula sa ibang pinanggagalingan ng impormasyon, halimbawa mga pampublikong talaan at iba pa

2 ♥

mga kompanya o grupo ng media

Inquirer Holdings Corporation

Pagmamay-ari

Istraktura o balangkas ng pagmamay-ari

Ang Philippine Daily Inquirer, Inc. ay sangay ng LRP Incorporated, isang holding company kung saan ang board of directors ay kinabibilangan ng pamilya Rufino-Prieto.

Grupo / Indibidwal na may-ari

LRP, Inc.

LRP Incorporated ang holding company na nakarehistro sa Securities and Exchange Commission noong 1991.

59.7%

Grupo / Indibidwal na may-ari

mga kompanya o grupo ng media
Facts

Pangkalahatan na impormasyon

Taon ng pagkakatatag

1985

Tagapagtatag

Letty Jimenez-Magsanoc, Max Soliven, Betty Go-Belmonte, Art Borjal, Louie Beltran, Eugenia Apostol, Florangel Braid

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may relasyon sa tagapagtatag, lalo na mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng tagapagtatag sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Mga dating mamamahayag sina Betty Go-Belmonte, Max Soliven, Art Borjal at Louie Beltran ang nagtatag din ng Philippine Star pagkatapos humiwalay sa Inquirer.

Punong Tagapagpaganap ng Kompanya

Ma. Alexandra Prieto-Romualdez

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may kaugnayan sa punong tagapagpaganap ng kompanya, partikular ang mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng punong tagapagpaganap ng kompanya sa ibang mga organisasyon ng media at ibang mga sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Si Ma. Alexandra Prieto-Romualdez ay kasal kay Benjamin Philip Romualdez, ang chairman ng board ng isa pang broadsheet, ang Manila Standard Today.

Punong Patnugot

Jose Ma. D. Nolasco

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may relasyon sa punong patnugot, lalo na mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng punong patnugot sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Si Nolasco ay managing editor ng Inquirer bago siya itinaas sa tungkulin bilang executive editor noong 2016. Noong mga unang taon ng pahayagan, siya ay nagsilbing political writer, na sumusunod sa mga makasaysayang pangyayari noong Martial Law tulad ng snap elections.

Contact

1098 Philippine Daily Inquirer Building Chino Roces Avenue cor. Yague & Mascardo St.Telephone Number: +632-897-8808inquirer.net

Impormasyon tungkol sa pananalapi

Kita (sa milyong dolyar)

42.88 Mil $ / 2.01 Bil P

Tubo mula sa operasyon (sa milyong dolyar)

1.004 Mil $ / 47.02 Mil P

Advertising (bilang % ng buong pondo)

35.49 Mil $ / 1.67 Bil P

Parte o bahagi sa kabuuang kita ng audiovisual media market

Missing Data

Karagdagang impormasyon

Meta Data

Conversion rate on Dec. 31, 2015: P 46.85
Audience share from Nielsen's Consumer and Media View (Jan.-June 2016)

Sources Media Profile

General Information Sheet of Philippine Daily Inquirer, Inc. (available upon request at SEC) (2016), Securities and Exchange Commission (SEC)

  • Project by
    VERA Files
  •  
    Global Media Registry
  • Funded by
    BMZ