This is an automatically generated PDF version of the online resource philippines.mom-gmr.org/en/ retrieved on 2023/09/29 at 16:49
Global Media Registry (GMR) & VERA Files - all rights reserved, published under Creative Commons Attribution-NoDerivatives 4.0 International License.
VERA Files LOGO
Global Media Registry

TV5

Ang TV5 (dating kilala na ABC 5) ay isang komersyal na istasyon ng telebisyon na libreng sumasahimpapawid ay pag-aari at pinatatakbo ng TV5 Network Incorporated (dating Associated Broadcasting Corporation at kinalaunan ABC Development Corporation), isang sangay ng MediaQuest Holdings, Inc. na ang punong kumpanya ang may-ari ng pondo para sa pensyon ng mga empleyado ng PLDT Incorporated (dating Philippine Long Distance Telephone Company). Ang negosyanteng si Manuel V. Pangilinan, mas kilala sa sektor ng negosyo bilang MVP, ang umuupong chair sa PLDT, kung saan siya ang presidente at chief executive officer, at MediaQuest Holdings Incorporated. Ipinako ng National Urban TV Audience Measurement ng Nielsen (link to methodology) ang audience share ng istasyon sa 7.60 porsiyento mula Enero hanggang Agosto 2016, kaya't ito ang naging pangatlong pinakamalaking istasyon ng telebisyon sa bansa batay sa audience share. Ang TV5, tulad ng mga nangungunang ABS-CBN 2 at GMA7, ay nagpapalabas ng iba't ibang programa mula sa mga serye ng drama, sitcom, musical variety show, infotainment, entertainment, at balita at kasalukuyang pangyayari. Ipinalalabas din nito ang paboritong panoorin ng mga Filipino pagdating sa palarong palakasan: ang aktuwal na laro sa Philippine Basketball Association, ang propesyunal na liga ng basketball.Ang mga programa ng TV5 ay maaarin din mapanood sa pandaigdig na himpilang Kapatid TV5 at AksyonTV International.

Pangunahing katotohanan

Parte o bahagi ng lahat ng mga tagapanood

7.6

Klase ng pagmamay-ari

pribado

Sakop na lugar

Pambansa

Uri/ klase ng nilalaman

Libre magsahimpapawid (VHF)

datos na magagamit ng publiko

datos kaugnay ng pagmamay-ari ay madali makuha mula sa ibang pinanggagalingan ng impormasyon, halimbawa mga pampublikong talaan at iba pa

2 ♥

mga kompanya o grupo ng media

TV 5 Network Incorporated

Pagmamay-ari

Istraktura o balangkas ng pagmamay-ari

Ang TV5 ay pag-aari ng TV5 Network Incorporated (dating Associated Broadcasting Company), isang sangay ng MediaQuest Holdings Incorporated na ang punong kumpanya ay ang may-ari ng pondo ng pensyon ng mga empleyado ng PLDT Incorporated. Ito ay pag-aari ng negosyanteng si Manuel V. Pangilinan.

Grupo / Indibidwal na may-ari

MediaQuest Holdings, Incorporated

Ang MediaQuest Holdings, Incorporated ay holding company ng media conglomerate ng PLDT Beneficial Trust Fund na kinabibilangan ng TV5 Network Incorporated, Nation Broadcasting Corporation, at mga broadsheet na The Philippine Star, Philippine Daily Inquirer, at BusinessWorld sa pamamagitan ng Hastings Holdings. Ang punong kumpanya nito ay ang kumpanya na nagmamay-ari sa pondo ng pensyon ng mga empleyado ng PLDT, Incorporated (dating Philippine Long Distance Telephone Company). Ang negosyanteng si Manuel V. Pangilinan ang puno ng iba't ibang mga conglomerate sa Pilipinas na
sa huli ay talagang sa First Pacific group of companies ng Indonesian na negosyanteng si Anthoni Salim.

29.1%
mga kompanya o grupo ng media
Facts

Pangkalahatan na impormasyon

Taon ng pagkakatatag

1960

Tagapagtatag

Joaquin “Chino” Roces

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may relasyon sa tagapagtatag, lalo na mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng tagapagtatag sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Si Joaquin “Chino” Roces ay tagapaglathala ng Manila Times, siya ay nakulong noong Martial Law dahil sa kanyang paninindigan laban sa pagpigil sa malayang pamamahayag.

Punong Tagapagpaganap ng Kompanya

Manuel V. Pangilinan

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may kaugnayan sa punong tagapagpaganap ng kompanya, partikular ang mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng punong tagapagpaganap ng kompanya sa ibang mga organisasyon ng media at ibang mga sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Si Manuel V. Pangilinan, mas kilala sa mundo ng negosyo bilang MVP, ang umuupong chair ng parehong PLDT, kung saan siya ay presidente at chief executive officer, at MediaQuest Holdings.

Punong Patnugot

Missing Data

Ibang mga importanteng tao

Emmanuel C. Lorenzana

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga ibang importanteng tao; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng mga importanteng tao sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Si Emmanuel C. Lorenzana ay dating Presidente ng TV5 Network Incorporated. Nag-retiro siya noong Septiyembre 30 at pinalitan ni Vincent “Chot” Reyes bilang presidente at CEO ng TV5 Network.

Contact

TV5 Media Center Reliance Corner Sheridan Street Mandaluyong City 1552 Telephone Number: +632-689-3100 www.tv5.com.ph

Impormasyon tungkol sa pananalapi

Kita (sa milyong dolyar)

Missing Data

Tubo mula sa operasyon (sa milyong dolyar)

Missing Data

Advertising (bilang % ng buong pondo)

Missing Data

Parte o bahagi sa kabuuang kita ng audiovisual media market

Missing Data

Karagdagang impormasyon

Meta Data

TV5 Network, Incorporated is part of a complicated and intricate web of corporation ownerships and subsidiaries that it took a journalist's dedicated investigative reporting to unmask who its ultimate owners are. Data based on Audience share from Nielsen’s National Urban TV Audience Measurement (Jan-June 2016).

  • Project by
    VERA Files
  •  
    Global Media Registry
  • Funded by
    BMZ