This is an automatically generated PDF version of the online resource philippines.mom-gmr.org/en/ retrieved on 2023/09/29 at 13:16
Global Media Registry (GMR) & VERA Files - all rights reserved, published under Creative Commons Attribution-NoDerivatives 4.0 International License.
VERA Files LOGO
Global Media Registry

Catholic Church

Catholic Church

Halos 81 porsiyento ng mga Filipino ay Romano Katoliko, batay sa datos ng 2010 mula sa National Statistics Office. Nang ang Portuges na eksplorador na si Ferdinand Magellan, habang pinamumunuan ang ekspedisyon ng mga Kastila, ay dumating sa isla ng Cebu sa Pilipinas, ang una niyang ginawa ay magtayo ng krus upang bigyan-diin na ang kanyang misyon ay ikalat ang Kristiyanismo, lalo na ang Katolisismo.Nagtagal ng 300 taon ang kolonisasyon ng mga Kastila sa Pilipinas.Ang Simbahang Katolika ay lubos ang pagiging aktibo sa media para sa pagpapalaganap ng pananampalataya. Sa kasalukuyan, ang Arsobispado ng Maynila ng Romano Katolika (RCAM) ang pangunahing may-ari ng pinakamaraming parte ng Radyo Veritas Global Broadcasting System Incorporated, na nagpapatakbo ng istasyon ng radyo na AM, ang Radyo Veritas 846. Ang Radyo Veritas ay miyembro ng Catholic Media Network, ang network ng radyo na pag-aari at pinatatakbo ng iba't ibang nangungunang Katolikong korporasyon ng media na nasa negosyo ng pagbobrodkas. Sa kasalukuyan, ito ay may 55 istasyon ng radyo—28 FM at 27 AM istasyon ng radyo—na nakakalat sa higit 14 na mga rehiyon at 42 mga probinsya.Mahalaga ang naging papel ng Radyo Veritas noong 1986 People Power revolution nang isahimpapawid nito ang panawagan ng noo'y Arsobispo ng Maynila na si Jaime Cardinal Sin na naghihimok sa mga mamamayan na magtipon-tipon sa Epifanio de los Santos Avenue o EDSA malapit sa Kampo Crame upang protektahan ang mga opisyal ng militar na naglunsad ng kudeta laban sa diktador Ferdinand E. Marcos. Para sa telebisyon na cable, ang Simbahang Katolika ay may TV Maria, ang himpilan ng telebisyon na pagmamay-ari ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines at pinamamahalaan at tinutustusan ng RCAM.Ang Catholic Bishops Conference of the Philippines, isang samahan ng mga obispo ng Pilipinas, ay may website para sa mga balita at impormasyon tungkol sa Simbahang Katolika.

Mga kompanya ng media
Facts

pamilya at mga kaibigan

Karagdagang impormasyon

Mga Pangunahing Balita

Coming Soon

datos na magagamit ng publiko

datos kaugnay ng pagmamay-ari ay madali makuha mula sa ibang pinanggagalingan ng impormasyon, halimbawa mga pampublikong talaan at iba pa

2 ♥

Pinagkukunan/ Pinanggagalingan

Coming Soon

  • Project by
    VERA Files
  •  
    Global Media Registry
  • Funded by
    BMZ