This is an automatically generated PDF version of the online resource philippines.mom-gmr.org/en/ retrieved on 2023/09/29 at 16:04
Global Media Registry (GMR) & VERA Files - all rights reserved, published under Creative Commons Attribution-NoDerivatives 4.0 International License.
VERA Files LOGO
Global Media Registry

The Duavit Family

The Duavit Family

Si Gilberto M. Duavit Sr. ay isa sa tatlong tao na pinaniniwalaang susi sa tagumpay ng GMA Network Incorporated kasama sina Felipe L. Gozon at Menardo Jimenez.Si Duavit Sr. ay naging chairman ng Republic Broadcasting System (RBS) noong 1974, ang istasyon ng telebisyon na pag-aari ng Amerikanong si Robert La Rue Stewart at pinalitan ng GMA Network Incorporated. Taong 1975, si Duavit Sr. kasama ang mga kaibigang sina Gozon at Jimenez ang namahala sa RBS na noo'y nalulugi. Siya ang pinakaunang chairman ng GMA Network Incorporated. Sa ilalim ng kanilang pamamahala, ang istasyon ay laging kumita ng pera at nagsimulang umangat bilang kakumpitensiya bilang pangunahing kumpanya sa merkado ng media sa Pilipinas.Isang abogado, si Duavit Sr. ay nakakuha ng law degree sa University of the East. Isa siya sa mga presidential assistant ni Pangulong Ferdinand Marcos at tumulong gumawa ng burador ng Saligang Batas ng 1973 bilang delegado sa 1971 Constitutional Convention. Ipinagbabawal ng naturang saligang batas ang pagmamay-ari at pamamahala ng dayuhan sa mga network ng media. Siya ay nahalal din na opisyal ng gobyerno, nagsilbi bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Rizal sa ika- 9, ika-10, at ika-11 mga Kongreso.Noong 2000, sina Duavit Sr. at Gozon ay nagsagawa ng isang kudeta sa board ng network at inilagay si Gozon bilang chairman, presidente chief executive officer samantalang ang anak ni Duavit Sr. at kapangalan na si Gilberto Duavit Jr. ay ihinalal na executive vice president at chief operating officer.Noong July 2007, para mapigil ang pagbubukas sa publiko ng GMA, si Imee R. Marcos, ang panganay ni Pangulong Marcos, ay inangkin ang pagmamay-ari ng 28.35 porsiyento ng mga Duavit sa GMA Network Incorporated. Sinabi niyang ipinagkatiwala lamang ni Marcos ang kanyang pagmamay-ari sa GMA kay Duavit Sr. noong 1983.Noong 2010, si Duavit Jr. ay ihinalal ng board bilang presidente ng network, ang posisyon na hawak noon ni Gozon.Noong 2015, isa pang Duavit, si Michael John R. Duavit, ay inihalal sa Board of Directors ng GMA Network Incorporated. Bago noon, siya ay nagsilbing halal na kinatawan ng Unang Distrito ng Rizal mula 2001, nang ang kanyang amang si Duavit Sr. ay hindi na maaaring tumakbo para sa isang reeleksyon, hanggang 2010.Noong 2016, iniwan ni Michael John R. Duavit ang puwesto bilang direktor ng GMA at muling tumakbo para sa Kongreso. Hulyo 2016, si Duavit Sr. ay itinalagang direktor ng network.

mga kompanya o grupo ng media
Mga kompanya ng media
Facts

Negosyo

Real estate

Mont-Aire Realty and Development Corp.

pamilya at mga kaibigan

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga ka-pamilya at kaibigan; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng ka-pamilya at kaibigan sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Gilberto M. Duavit, Sr.

Si Gilberto M. Duavit, Sr. ang ama ni Gilberto R. Duavit, Jr. at Michael John R. Duavit. Siya ay abogado at direktor ng GMA Network, Incorporated.

Karagdagang impormasyon

antas ng transparency, kung saan kusang ipinaaalam ng kompanya ang tungkol sa pagmamay-ari nito. Ang mga datos ay patuloy na isinasapanahon at madaling mapatutunayan.

maagap at komprehensibong pagpapa-alam kaugnay ng pagmamay-ari ng kompanya, ang datos ay patuloy na isinasapanahon at madaling mapatutunayan

4 ♥

Pinagkukunan/ Pinanggagalingan

Financial Statement of GMA Holdings Incorporated (available upon request at SEC) (2016), Securities and Exchange Commission (SEC)

  • Project by
    VERA Files
  •  
    Global Media Registry
  • Funded by
    BMZ