The Garcia Family

Ilang mga pamilya ng mga Garcia ang may kinalaman sa SunStar Publishing Incorporated, na namamahala sa Sun.Star Cebu at sunstar.com.ph. 'Pag pinagsama-sama, kanila ang tinatayang 65 porsiyento ng SunStar Publishing sa pamamagitan ng mga parte na indibidwal at ng kumpanya. Ang isa ay ang pamilya ng abogadong si Jesus B. Garcia, sa pamamagitan ng holding company na Armson Corporation, na may 30 porsiyentong parte sa SunStar Publishing. Ang Armson Corporation ay buung-buong pag-aari ng mga anak ni Garcia na sina Marie Kalinaw, Michelle Himaya, Gahum Vincent, at Bayani Jess.Si Jesus Garcia Jr., dating kalihim ng Department of Transportation and Communication, ang chairman ng SunStar Publishing. Siya rin ay kasamang tagapagtatag ng law firm na J.P. Garcia & Associates. Bukod sa mga ito, siya ay presidente ng mga kumpanya ng real estate na Jesever at Madre Realty Corporation, at nagsisilbing independent director ng Vivant Corporation, na may mga interes sa power generation. Ang asawa niyang si Armi ay honorary consul ng Russia. Siya ay chief executive officer rin ng restawran na Tablea Chocolate Cafe, kung saan ang anak niyang si Bayani ay corporate secretary. Samantala, si Gahum ay presidente ng kumpanya na nagluluwas ng mga alahas. Ang isa pang pamilya Garcia, na pinamumunuan ng abogadong si Julius Z. Neri, ay may 10 porsiyentong parte. Sina Julius at ang asawa niyang si Nelia ay may tig-isang porsiyento samantalang ang apat nilang anak, sina Julius Jr., Jerome, Justin at Joven, ay may tig 2 porsiyento bawat isa. Ang mas nakababatang si Julius Neri ang presidente ngayon ng SunStar Publishing samantalang ang mga kapatid niyang sina Jerome at Joven ay parehong abogado. Si Justin, samantala, ay manager ng isang bahay-panuluyan ng mga turista sa Cebu.Ang ibang mga Garcia na may mga kaparte sa pahayagan ay ang mga kapatid nina Jesus at Nelia: Alvin, Gina at Zenda ay may tig 5 porsiyento bawat isa, Dale ay may 2 porsiyento at ang kanilang bayaw, Francisco Dizon ay may 8 porsiyento. Si Alvin Garcia, dating mayor ng Cebu City, ay naakusahan ng paglabag sa Fair Elections Act dahil sa umano'y labis na pampulitikal na patalastas sa SunStar Cebu noong 2004. Ikinatuwiran niyang wala siyang kasalanan noong Pebrero 2016, at sinabing ang mga patalastas ay hindi lamang para sa kanya kundi para sa buong ikinakampanya ng partido Kugi Uswag Sugbo-Koalisyong Nagkakaisang Pilipino, pati na ang noo'y kandidato para pangulo at pangalawang pangulo na sina Fernando Poe, Jr. at Loren Legarda. Samantala, si Gina ay presidente ng SunStar Management at nagawaran ng parangal bilang isa sa walong pinakamaimpluwensyang Cebuana ng Filipina Women Network, isang asosasyon na mga propesyunal na non-profit at naka base sa Estados Unidos. Si Zenda Garcia Lat ay isang doktor sa New Jersey, Estados Unidos habang si Dale ay nagsisilbing ingat-yaman ng SunStar Publishing. Si Francisco Dizon, samantala, ay may interes sa mga industriya ng banking, finance, software development at human resource. Ang angkan ng Garcia na sangkot sa pulitika ay pinsan ni Jesus Jr. at mga kapatid nito. Ang patriarko, si Pablo Garcia, ay dating gobernador ng Cebu at kinatawan samantalang ang anak niyang si Gwendolyn ay kasalukuyang deputy speaker sa Kongreso. Ang mga kapatid niyang sina Winston at Pablo John ay tumakbo noong eleksyon ng 2016 bilang gobernador at kinatawan, alinsunod sa pagkakasunod, pero pareho silang natalo.
Negosyo
Real estate
Madre Realty Corporation
pamilya at mga kaibigan
impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga ka-pamilya at kaibigan; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng ka-pamilya at kaibigan sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon
Si Atty. Jesus B. Garcia, Jr. ay isa sa nagtatag ng law firm na J.P. Garcia & Associates. Siya ay direktor ng holding company na Vivant Corporation, isang kumpanya na nakatutok sa power generation. Bukod sa iba't ibang ehekutibong posisyon niya sa pang rehiyonal na pahayagang Sunstar, siya ay presidente rin ng Jesever Realty at treasurero ng Madre Realty Corporation, parehong kumpanya ng real estate.
Si Gahum Vincent Garcia ay presidentd costume jewelry exporter Pan Arts Corporation at Madre Realty Corporation.
Si Bayani Jess Lopez Garcia ay corporate secretary ng Tablea Chocolate Cafe.
Si Armi Lopez Garcia ay Chief Executive Officer ng Tablea Chocolate Cafe. Siya ay direktor ng Sunstar Baguio.