The Jimenez Family

Si Menardo Jimenez ay isa sa tatlong itinuturing na ama ng GMA Network Incorporated kasama sina Felipe L. Gozon at Gilberto M. Duavit Sr. Sila ang sinasabing nagbaligtad ng kapalaran ng naluluging Republic Broadcasting System (RBS) ng Amerikanong si Robert La Rue Stewart at ginawang milyong dolyar na imperio ang network ngayon.Si Menardo Jimenez ay bayaw ni Felipe L. Gozon; asawa niya si Carolina L. Gozon-Jimenez, kapatid ni Gozon. Siya ay presidente at chief executive officer ng GMA Network Incorporated mula 1974 -- noong ito ay RBS pa at si Duavit Sr. ang chairman -- hanggang 2000. Noong 1973, nang ang RBS ni Stewart ay nalulugi, sinasabing inalok niya ang 30 porsiyento ng RBS kay Gozon pero ang pera ni Gozon ay sapat lang para bayaran ang 10 porsiyento kaya't inalok niya ang 20 porsiyento sa bayaw niyang si Jimenez. Noong 1975, sina Gozon, Jimenez at Duavit Sr. ang nagpatakbo na ng RBS at pinalitan ang pangalan ng istasyon na GMA Network. Sa ilalim ng kanilang pamamahala, ang istasyon ay nagsimulang umangat bilang pangunahing kakumpitensya ng ABS-CBN Corporation ng mga Lopez para sa unang puwesto sa merkado ng media.Noong 2000, ihinalal ng GMA board si Gozon bilang chairman, presidente at chief executive officer, isang biglang hakbang na nagbago sa balangkas ng pangasiwaan ng network, at napatalsik ang bayaw na si Jimenez sa top management. Si Gozon ay nanatiling chairman at chief executive officer mula noon ngunit noong 2010, si Gilberto Duavit Jr., anak ni Duavit Sr., ay ihinalal ng board bilang presidente ng network na posisyon ni Gozon.Nang taon din iyon, ang kanyang anak, si Laura J. Westfall, ay nahalal bilang direktor ng GMA Network Incorporated, isang posisyon na hawak pa rin niya sa kasalukuyan. Si Westfall ay humahawak na ng mga sumusunod na posisyon sa GMA Network, Incorporated: Senior Vice President ng Corporate and Strategic Planning at Senior Vice President for Finance, at Chairperson at Presidente ng GMA New Media.Pagkaraan ng dalawang taon, noong 2002, ang anak niyang si Joel Marcelo G. Jimenez, ay naging miyembro ng GMA board.Kabilang sa mga ibang negosyo ng mga Jimenez ay real estate, restaurants, banking at insurance, mining, at mga sasakyan.
Negosyo
Real estate
Justitia Realty and Development Corporation
Mont-Aire Realty and Development Corporation
Electronic Realty Associates Inc.
Pacrim Realty & Development Corporation
Nuvoland Philippines
Food
Food Pro Asia Inc.
CBTL Holdings Inc.
Franchise One Corporation
Finance
First Metro Investment Corp.
CCC Insurance Corporation
Malayan Savings & Mortgage Bank
UniCapital Inc.
UniCapital Securities, Inc.
Majalco Finance & Investments Inc.
Malayan Savings and Mortgage Bank
Unicapital Securities, Inc.
Mining
Cunickel Mining Corporation
Others
Mabuhay Philippines Satellite Corporation
Albay-Agro Industrial Development Corporation
M.A. Jimenez Enterprises Inc.
Cable Entertainment Corporation
Veloci Motors
Pan-Phil Aquaculture Corp.
Southwest Resources, Inc.
Majent Agro Industrial Corporation
Alta Tierra Resources Inc.
Menarco Holdings
pamilya at mga kaibigan
impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga ka-pamilya at kaibigan; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng ka-pamilya at kaibigan sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon
Si Menardo Jimenez bayaw ni Felipe L. Gozon; asawa niya si Carolina L. Gozon-Jimenez. Siya ang ama ni Joel Marcelo G. Jimenez at Presidente at Chief Executive Officer ng GMA Network, Incorporated mula 1974 hanggang 2000. Siya ay Chief Executive Officer at Presidente ng Albay-Agro Industrial Development Corporation, Presidente ng Mabuhay Philippines Satellite Corporation, Justitia Realty and Development Corporation, Food Pro Asia Incorporated at M.A. Jimenez Enterprises Incorporated, Chairman ng Cable Entertainment Corporation, Veloci Motors, Majalco Finance & Investments Incorporated, Pan-Phil Aquaculture Corp., at Southwest Resources Incorporated. Siya ay Commissioner ng Pasig River Rehabilitation Commission at Governor ng Philippine National Red Cross. Siya ay naging consultant ng First Metro Investment Corp., Chairman ng United Coconut Planters Bank mula pa noong Marso 2011, direktor ng CCC Insurance Corporation, Mabuhay Phils. Satellite Corporation, Malayan Savings & Mortgage Bank, UniCapital Incorporated, UniCapital Securities Incorporated, Television International Corporation, Majent Management and Development Corporation, Majent Agro Industrial Corporation, M. A. Jimenez Enterprises Incorporated, Alta Tierra Resources Incorporated, Mont-Aire Realty and Development Corporation, CBTL Holdings Incorporated, Electronic Realty Associates Incorporated, Cunickel Mining Corporation, Franchise One Corporation, Pacrim Realty & Development Corporation, Pan-Phil Aqua Culture Corporation at The Coffee Bean and Tea Leaf Incorporated Siya ay Non Executive Director ng San Miguel Pure Foods Company Incorporated mula pa noong Abril 25, 2002, San Miguel Corporation mula pa noong Pebrero 27, 2002, ng United Coconut Planters Bank mula pa noong Marso 2011, at Magnolia Incorporated mula pa noong Agosto 29, 2002, direktor ng Nuvoland Incorporated, Unicapital Finance and Investment Incorporated, at Albay Agro Industrial Corp., direktor ng Philippine National Oil Company at Coca-Cola Bottlers Philippines Incorporated, mula pa noong Hulyo 31, 2002, direktor ng Cosmos Bottling Corp. mula Mayo 6, 2004 hanggang Pebrero 22, 2007 at First Metro Investment Corp. mula pa noong Marso 21, 1994.
Si Joel Marcelo G. Jimenez ay direktor ng GMA Network, Incorporated mula pa noong 2002, Presidente at CEO ng Menarco Holdings at Chief Executive Officer ng Alta Productions Incorporated, direktor ng RGMA Network Incorporated, GMA New Media Incorporated, Scenarios Incorporated, at GMA Worldwide Incorporated, miyembro ng Board of Directors ng Malayan Savings and Mortgage Bank, at Unicapital Securities Incorporated, direktor ng Nuvoland Philippines, isang kumpanya ng real-estate development, trustee ng GMA Kapuso Foundation Incorporated.
Si Carolina L. Gozon-Jimenez ang ina nina Joel Marcelo G. Jimenez at Laura J. Westfall, at kapatid ni Felipe L. Gozon.
Si Gilberto M. Duavit, Sr. ang ama ni Gilberto R. Duavit, Jr. at Michael John R. Duavit. Siya ay abogado at direktor ng GMA Network, Incorporated.
Si Gilberto R. Duavit, Jr. ay anak ni Gilberto M. Duavit, Sr. at Presidente at Chief Operating Officer ng GMA Network, Incorporated, direktor ng GMA Network, Incorporated mula pa noong 1999, Chairman ng Executive Committee ng network, Chairman of the Board ng GMA Network Films Incorporated at GMA Worldwide Incorporated at Vice Chairman ng Board of GMA Marketing and Productions Incorporated, Presidente at CEO ng GMA Holdings Incorporated, Scenarios Incorporated, RGMA Marketing and Productions Incorporated, Film Experts Incorporated, at Dual Management and Investments Incorporated, Presidente at direktor ng Group Management and Development Incorporated, Presidente at direktor ng MediaMerge Corp., Citynet Network Marketing and Productions Incorporated, Director ng RGMA Network Incorporated, GMA New Media Incorporated, Alta Productions Group Incorporated, Optima Digital Incorporated, at Mont-Aire Realty and Development Corp., Presidente at trustee ng GMA Kapuso Foundation Incorporated, trustee ng Guronasyon Foundation Incorporated (dating LEAF) at trustee ng HERO Foundation.
Karagdagang impormasyon
Mga Pangunahing Balita
Pinagkukunan/ Pinanggagalingan
Financial Statement of GMA Holdings Incorporated (available upon request at SEC) (2016), Securities and Exchange Commission (SEC)
General Information Sheet of GMA Holdings Incorporated (available upon request at SEC) (2016), Securities and Exchange Commission (SEC)
Financial Statement of GMA Network Incorporated (available upon request at SEC) (2016), Securities and Exchange Commission (SEC)
General Information Sheet of GMA Network Incorporated (available upon request at SEC) (2016), Securities and Exchange Commission (SEC)