Manila Bulletin Publishing Corporation

Nag umpisa ang Manila Bulletin Publishing Corporation bilang Manila Daily Bulletin noong 1900, kasama mga Amerikanong sina Carson C. Taylor at H. G. Farris bilang mga tauhan. Ito ay itinala bilang korporasyon noong 1912 bilang Bulletin Publishing Company, at muling itinala bilang korporasyon noong 1959 bilang Bulletin Publishing Corporation, dalawang taon matapos mabili ito ni Brig. Gen. Hans Menzi. Bukod sa pagmamay-ari ng apat na plantasyon sa Mindanao, si Menzi ay nakapagsilbing miyembro ng board sa ilang mga malalaking korporasyon at samahang pambayan sa Pilipinas. www.upi.com/Archives/1984/06/27/Brig-Gen-Hans-Menzi-publisher-of-the-nations-largest/9130457156800/. Siya ay nasilbin din military aide ni dating Pangulong Ferdinand Marcos mula 1965 hanggang 1972. Noong 1961, ang mayaman at makapangyarihang negosyanteng Chinese-Filipino na si Emilio T. Yap bumili kay Menzi ng parte sa kumpanya. Nang namayapa si Menzi noong 1984, si Yap ang naging chairman ng kumpanya. Noong 1986, naglabas ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) ng kautusan na nag-iilit ng mga parte nina Marcos, Yap, Eduardo M. Cojuangco, Jr. at kanilang mga nominado at ahente sa Manila Bulletin sa hinalang ito ay bahagi ng mga nakaw na yama ni Marcos. Pagkaraan ng isang taon, inilit din ng PCGG ang mga parte, kabuhayan, pag-aari, rekord, at dokumento ng Hans Menzi Holdings and Management Incorporated.Noong 1989, ang Bulletin ay nagpalit ng pangalan ng korporasyon at naging Manila Bulletin Publishing Corporation. Makaraan ang isang taon, ang Manila Bulletin ay naging pampublikong korporasyon.Noong 2005, nabili ng Manila Bulletin mula sa Liwayway Publishing, Inc. ang pang-araw-araw nitong Tagalog na pahayagang Balita, at ang mga lingguhang magasin na gumagamit ng katutubong wika -- ang Liwayway, Bisaya, Hiligaynon at Bannawag, pati ang kanilang ngalang pangkalakal. Sa kasalukuyan, ang kumpanya ay may 15 babasahin na nilalathala araw-araw, lingguhan, buwanan o tuwing ikatlong buwan. Every Monday, the paper also publishes the New York Times Section. Tuwing Monday, ang pahayagan ay mayroon din New York Times Section.Ang U.S. Automotive Company Incorporated ang pinakamalaking namumuhunan sa Manila Bulletin, na may 54.2 porsiyentong pagmamay-ari. Sinundan ito ng US Autoco, Incorporated, na may 23.34 porsiyentong pagmamay-ari. Ang parehong kumpanya ay pag-aari ng pamilya Yap.
Punong kompanya
U.S. Automotive Company Incorporated
Uri/klase ng negosyo
Pribado
Legal Form
Korporasyon
Mga sektor ng negosyo
paglalathala ng dyaryo, media
U.S. Automotive Co., Inc.
Ang U.S. Automotive Co. Incorporated ay may Cocusphil Development Corporation, Euro-med Laboratories, Manila Bulletin Publishing Corporation, Philtrust Realty Corporation and U.N. Properties Development Corporation bilang mga sangay, samantalang ang Centro Escolar University ay kaanib.
USAutoco, Inc.
Pag-aari ng pamilya Yap, ang USAutoco Incorporated ay may 90 porsiyento ng mga parte sa Manila Prince Hotel Corporation.
Menzi Trust Fund, Inc.
Coming Soon
Iba pang mga ahensiya ng print
Manila Bulletin (0.80)
Balita (0.38)
Philippine Panorama Magazine
Style Weekend Magazine
Digital Generation Magazine
Tempo
Agriculture Magazine
Cruising Magazine
Animal Scene Magazine
Manila Bulletin Sports Digest
Liwayway
Bisaya
Bannawag
Hiligaynon
Iba pang mga Ahensiya na Online
mb.com.ph
Negosyo
Pangkalahatan na impormasyon
Taon ng pagkakatatag
1900
Tagapagtatag
Carson C. Taylor, H.G. Farris
Mga Empleyado
467
Contact
Manila Bulletin Building, Muralla cor. Recoletos Sts., Intramuros, ManilaTelephone Number: +632-527-8121Fax Number: +632-527-7510
Tax/ ID Number
000-746-558
Impormasyon tungkol sa pananalapi
Kita (datos ng pananalapi/opsiyonal)
59.89 Mil $ / 2.81 Bil P
Tubo mula sa operasyon ng negosyo (sa milyong dolyar)
2.46 Mil $ / 115.21 Mil P
Patalastas (bilang % ng buong pondo)
31.65 Mil $ / 1.48 Bil P
Namamahala
Lupon ng tagapagpaganap at interes ng lupon ng tagapagpaganap
Si Basilio C. Yap ay Chairman of the Board ng Manila Bulletin Publishing Corporation. Siya ay kasalukuyang Chairman of the Board at Presidente ng U.S. Automotive Company, Incorporated, USAUTOCO Incorporated, Philtrust Realty Corporation, Manila Prince Hotel, Cocusphil Development Corporation, U.N. Properties Development Corporation at Seebreeze Enterprises Incorporated. Si Yap ay kasalukuyan din Chairman of the Board ng Centro Escolar University, Vice Chairman ng Philippine Trust Company (Philtrust Bank), Director ng Manila Hotel Corporation at Euro - Med Laboratories Philippines Incorporated
Si Atty. Hermogenes P. Pobre ay Vice Chairman at Presidente ng Manila Bulletin Publishing Corporation. Siya ay nagsilbing Assistant Secretary ng Department of Justice, Chairman of the Board of Accountancy at Chairman ng Professional Regulation Commission.
Si Emilio C. Yap III ay Vice Chairman of the Board at Executive Vice President ng Manila Bulletin Publishing Corporation. Sa kasalukuyan, siya ay Vice Chairman ng Manila Hotel Corporation at Philippine Trust Company (Philtrust Bank), Direktor ng Centro Escolar University, Euro- Med Laboratories Phil. Incorporated at Cocusphil Development Corporation. Siya rin ay Chairman of the Board ng Manila Prime Land Holdings Incorporated, Direktor at Vice President ng U.S. Automotive Co. Incorporated, Direktor, Assistant Treasurer at Assistant Corporate Secretary ng USAUTOCO Incorporated, at Direktor at Vice President ng Philtrust Realty Corporation.
Si Enrique Y. Yap, Jr., ay Direktor at Vice President ng Business Development Department ng Manila Bulletin. Siya rin ay kasalukuyang Executive Vice President at Direktor ng Manila Hotel.
Si Atty. Francis Y. Gaw ay Direktor ng Board at Corporate Secretary ng Manila Bulletin Publising Corporation. Siya ay kasalukuyang Chairman at Presidente ng Goldclass Incorporated at Royal Bay Terrace Condominium Association Incorporated; Direktor ng Manila Hotel Corporation, Euro-Med Laboratories, Philippines Incorporated; U.N. Properties Development Company, Incorporated. Siya ay principal/ sole practitioner ng Gaw Law Office.
Si Paciencia M. Pineda ay Direktor, Executive Vice President- Finance Department at ingat-yaman ng Manila Bulletin Publishing Corporation. Sa ngayon, siya ay Chairman Emeritus ng United Print Media Group (UPMG) at miyembro ng Board of Trustees ng Advertising Foundation of the Philippines.
Si Crispulo J. Icban, Jr. ay isa sa mga Direktor at kasalukuyang punong patnugot ng Manila Bulletin Publishing Corporation. Siya ay nagsilbing Press Secretary ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2010.
hindi kabilang sa lupon ng tagapagpaganap at interes ng hindi kabilang sa lupon ng tagapagpaganap
Si dating Supreme Court Chief Justice Hilario G. Davide Jr. ay Vice Chairman at Independent Director ng Manila Bulletin Publishing Corporation. Siya ay Independent Director din ng Philippine Trust Company (Philtrust Bank). Siya ay kasalukuyang Chairman din ng Board of Trustees ng Knights of Columbus, Fraternal Association of the Philippines at miyembro ng Council of Elders ng Knights of Rizal.
Si Alberto G. Romulo ay nahalal na Vice Chairman at Independent Director ng Manila Bulletin Publishing Corporation noong 2011. Bago nito, siya ay nagsilbing Secretary ng Budget ni dating Pangulong Corazon Aquino, nahalal na senador, at naging Finance secretary, Executive Secretary, at Foreign Affairs secretary ng administrasyong Arroyo.
Si Esperanza I. Cabral ay Independent Director ng Manila Bulletin Publishing Corporation. Siya ay dating Secretary of Health, at ng Social Welfare and Development.
Si Atty. Fe B. Barin ay Executive Vice President ng Manila Bulletin Publishing Corporation. Siya ay nagsilbing Chairperson ng Securities and Exchange Commission at miyembro ng Anti- Money Laundering Council. Bago naitalaga sa SEC, siya ay nagsilbing miyembro ng Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at unang Chairperson ng Energy Regulatory Commission. Siya ay miyembro ng Women Lawyers’ Circle (WILOCI) at Women Lawyers’ Association of the Philippines (WLAP), at Board of Trustees at ng Institute of Corporate Directors.
Si retiradong Heneral Hermogenes C. Esperon ay Executive Vice President- Security Department ng Manila Bulletin Publishing Corporation. Siya ay dating Chief of Staff ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at itinalaga ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo bilang Presidential Adviser on Peace Process, at kinalaunan Cabinet Secretary, Presidential Management Staff.
Si Melito S. Salazar Jr. ay Vice President for Advertising at Compliance Officer ng Manila Bulletin Publishing Corporation. Siya ay dekano ng College of Accountancy and Management ng Centro Escolar University. Siya ay nagsilbing Associate Professor sa College of Business Administration, Direktor ng Institute of Small- Scale Industries at Resource Generation Staff ng Universidad ng Pilipinas, Undersecretary ng Trade and Industry for Investments ng Department of Trade and Industry; Managing Head at Vice Chairman ng Board of Investments at miyembro ng Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Sa pribadong sektor, si Salazar ay Presidente ng Chamber of Commerce of the Philippines Foundation Incorporated; Chairman ng Financial Executives Institute of the Philippines ( FINEX ) Foundation at Adjutant- General ng Vanguard Incorporated. Siya ay dating Presidente ng FINEX, ng UPMBA Society Incorporated at ng Small Enterprises Research and Development Foundation Incorporated (SERDEF ). Siya ay dating District Governor ng Rotary International District 3780, Quezon City.
Si Aurora Capellan-Tan ay Assistant Corporate Secretary, Vice President at Assistant Treasurer ng Manila Bulletin Publishing Corporation.
Si Atty. Dylan I. Felicidario ay Assistant Corporate Secretary, Assistant Compliance Officer at Legal Counsel ng Manila Bulletin Publishing Corporation.
Si Purificacion M. Cipriano ay Assistant Corporate Secretary ng Manila Bulletin Publishing Corporation.
Si Carmen S. Suva ay Vice President- Public Relations ng Manila Bulletin Publishing Corporation. Siya ay nagsilbi sa gobyerno (Malacañang) mula 1962 hanggang 2004 sa ilalim ng anim na Pangulo at sa ilalim ng 20 Press Secretary. Siya ay nagretiro bilang Undersecretary for Media Relations, sa Opisina ng Press Secretary sa Malacañang, noong 2004. Siya ay apo ni Epifanio delos Santos, ang Filipino bayani, iskolar at manunulat ng kasaysayan na siyang isinunod na pangalan para sa 54-kilometrong abenida na kilala sa pangalang EDSA.
Arsenio Emmanuel O. Cabrera is the Vice President of the Advertising Department of Manila Bulletin Publishing Corporation.
Si Arsenio Emmanuel O. Cabrera ay Vice President ng Advertising Department ng Manila Bulletin Publishing Corporation.
Si Dante M. Simangan ay Vice President ng Circulation Department ng Manila Bulletin Publishing Corporation. Bago naitalaga sa posisyong ito, siya ay Assistant Vice President para sa mga sangay sa probinsya ng Manila Bulletin.
Si Elizabeth T. Morales ay Assistant Vice President - Finance / Chief Accountant at Assistant Compliance Officer ng Manila Bulletin Publishing Corporation.
Si Johnny Lugay ay Assistant Vice President- Information at Communications Technology Department ng Manila Bulletin Publishing Corporation.
Si Alvin P. Mendigoria ay Assistant Vice President - Engineering Department ng Manila Bulletin Publishing Corporation.
Si Geronimo S. Montalban ay Assistant Vice President – Classified Advertising ng Manila Bulletin.
Karagdagang impormasyon
Mga Pangunahing Balita
Meta Data
Conversion rate on Dec. 31, 2015: P 46.86 .
Audience share based on Nielsen’s National Urban TV Audience Measurement (TV, Jan-August 2016), Nielsen's Consumer and Media View (Print, Jan-August 2016), Audience share from Nielsen's Radio Audience Measurement (Radio, Jan-August 2016), Effective Measurement (2016)
Pinanggagalingan ng impormasyon o datos
2016. Securities and Exchange Commission (SEC). General Information Sheet of Manila Bulletin Publishing Corporation. (available upon request at SEC)\