Philippine Journalist's Inc.
Ang Philippine Journalists Incorporated ay inirehistro noong 1972, ang taon na ipinataw ng diktador Ferdinand Marcos ang martial law. Noong 1986, inilit ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) ang lahat ng mga outstanding share ng PJI sa paniwalang ito ay pag-aari—sa kahuli-hulihan—ni Benjamin “Kokoy” Romualdez at bahagi ng nakaw na yaman noong panahon ng martial law. Si Romualdez ay ang nakababatang kapatid ng dating Unang Ginang Imelda R. Marcos. Noong 1991, iniutos ng Korte Suprema na pakawalan ang 80 porsiyento ng parte sa PJI matapos mabigo ang PCGG na kasuhan ang mga apektadong mamumuhunan sa kasong nakaw na yaman na isinampa laban kay Romualdez sa Sandiganbayan. (Chua, 1998)Dahil 20 porsiyento na lang ng pagmamay-ari sa PJI ang natira sa gobyerno, naglabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) noong 1993 na nagbabawal sa kumpanya na tumawag ng pagpupulong ng mga namumuhunan at maghalal ng sariling miyembro ng board. Sakaling may bakante, sa gobyerno—sa pamamagitan ng Asset Privatization Trust—ang magtatalaga ng mga nominado. Noong 2004, iniutos ng Korte Suprema ang pagbabalik ng kumpanya kay Rosario Olivares at pito pang ibang indibidwal na may kaugnayan kay Romualdez.Ang mga rekord mula sa Securities and Exchange Commission (SEC) ay nagpapakitang ang PJI ay hindi nagpapasa ng General Information Sheet mula pa noong 1996. It last submitted its financial statement to the SEC in 2001. Ang huling isinumite ng PJI na financial statement sa SEC ay noong 2001.
Uri/klase ng negosyo
Pribado
Legal Form
Korporasyon
Mga sektor ng negosyo
paglalathala
Missing Data
Missing Data
Missing Data
Impormasyon tungkol sa pananalapi
Kita (datos ng pananalapi/opsiyonal)
Missing Data
Tubo mula sa operasyon ng negosyo (sa milyong dolyar)
Missing Data
Patalastas (bilang % ng buong pondo)
Missing Data
Namamahala
Lupon ng tagapagpaganap at interes ng lupon ng tagapagpaganap
Missing Data
hindi kabilang sa lupon ng tagapagpaganap at interes ng hindi kabilang sa lupon ng tagapagpaganap
Missing Data
Supervisory Board + Interests Supervisory Board
Missing Data
Karagdagang impormasyon
Meta Data
Audience share based on Nielsen’s National Urban TV Audience Measurement (TV, Jan-August 2016), Nielsen's Consumer and Media View (Print, Jan-August 2016), Audience share from Nielsen's Radio Audience Measurement (Radio, Jan-August 2016), Effective Measurement (2016)
Pinanggagalingan ng impormasyon o datos
Chua, Y. (17 August 1998). Legal Tussles Delay Privatization of State-Owned Media. First published in Manila Standard, Diaryo Uno, Malaya, Philippine Star, and Independent Post.