Rappler Holdings Corporation

Rappler Holdings Corporation ang may-ari ng 98.77 porsiyento ng rappler.com, ipinakikita ng mga rekord sa Securities and Exchange Commission.Ang mga opisyal ay kapareho ng sa Rappler Incorporated: Manuel Ayala bilang chairman, Maria Ressa bilang presidente, James Bitanga bilang ingat-yaman, at Jose Maria Hofilena bilang kalihim. In addition, Nico Nolledo and Glenda Gloria sit in the board. Dagdag dito, sina Nico Nolledo at Glenda Gloria na nakaupo sa board.Ang grupo ng media na Dolphin Fire Group Incorporated ang may pinakamalaking puhunan sa Rappler Holdings na may 31.21 porsiyento. Si Ressa ay may 23.77 porsiyento samantalang ang Hatchd Group Incorporated at si Benjamin So ay may tig-17.86 porsiyento bawat isa. Ang apat ay may pinagsamang pagmamay-ari na 91 porsiyento ng kumpanya. Ang Dolphin Fire Group ay 99.94 porsiyentong pag-aari ng investment house na Menlo Capital Corporation. Isa sa mga kasapi ng mga namumuhan sa Menlo Capital Corporation ay ang negosyanteng si Lucio Tan, Jr. na may 49.99 porsiyento ng parte, si Bernard Rabanzo na may 34.98 at Melanie Villanueva, na may 9.96 porsiyento. Spanish Javier Carlos Montes also owns 5.06 percent of Menlo. Ang Kastilang si Javier Carlos Montes ay mayroon din 5.06 porsiyento ng Menlo. Si Tan ang president at CEO ng Eton Properties, isang kumpanya ng real estate development. Siya ay mayroon din interes sa airline, bangko at wine distillery, bukod sa iba pa at ama niya ang Chinese-Filipino taipan na si Lucio Tan, Sr.Si Rabanzo, samantala, ay presidente ng kumpanya ng minahan na MRC Surigao Mines, at compliance officer ng kumpanya ng property development na MRC Allied. Ang Menlo Capital Corporation ay may 51 porsiyentong parte sa MRC Allied, na nasa sektor din ng pagmimina at power. Kabilang sa mga kasamang namumuhunan sa Hatchd Group sina Ayala at Nolledo. Bukod sa mga ito, ang Rappler ay nag-iisyu ng Philippine Depository Receipts (PDRs) para malikom ng pondo sa labas ng bansa. Noong 2015, ipinahayag nito na ang pilantropong investment firm <Omidyar Network>www.rappler.com/about-rappler/about-us/109992-omidyar-network-invests-rappler at ang international investment firm na North Base Media ay naglagay ng pera sa digital media outlet.Ang <Omidyar Network>www.omidyar.com ay itinayo ng tagapagtatag ng eBay na si Pierre Omidyar. Ayon sa sariling website, ito ay namumuhunan sa mga “negosyante na nakikibahagi sa (kanilang pangako na isulong) ang panlipunang kabutihan.” Ang kumpanya namumuhunan din sa edukasyon, umuusbong na teknolohiya, financial inclusion at property rights, pati na sa pakikipagkasunduan ng gobyerno at mamamayan. Samantala, ang <North Base Media>northbasemedia.com ay namuhunan din sa media at teknolohiya ng media sa UK, Israel, Estados Unidos, Bulgaria, Latin America, India, Hong Kong, Taiwan, Germany at Dubai.
Uri/klase ng negosyo
Pribado
Legal Form
Korporasyon
Mga sektor ng negosyo
paglalathala (online)
Dolphin Fire Group, Inc.
Ang Dolphin Fire Group ay isang kumpanya ng media na pag-aari ng investment house na Menlo Capital Corporation, na ang pinakamalaking mga kasapi ng namumuhunan ay kinabibilangan nina property development firm MRC Allied director Bernard Rabanzo at ang negosyanteng si Lucio Tan, Jr.
Maria Angelita Ressa
Si Maria Ressa ay dating bureau chief ng CNN at pinuno ng ABS-CBN News and Current Affairs.
Hatchd Group, Inc.
Iba pang mga Ahensiya na Online
rappler.com (Missing Data)
Negosyo sa media
Online publishing
Rappler, Inc. (98.77)
Pangkalahatan na impormasyon
Taon ng pagkakatatag
2014
Tagapagtatag
Maria Ressa
Impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may relasyon sa tagapagtatag, lalo na mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng tagapagtatag sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon
Si Maria Ressa ay dating bureau chief ng CNN at pinuno ng ABS-CBN News and Current Affairs.
Contact
Unit 2501, Antel Global Building, 3 Julia VargasOrtigas Center, Pasig City 1605576-3931
Tax/ ID Number
008-923-940-000
Impormasyon tungkol sa pananalapi
Kita (datos ng pananalapi/opsiyonal)
0.0003 Mil $ / 0.013 Mil P
Tubo mula sa operasyon ng negosyo (sa milyong dolyar)
-0.17 Mil $ / -7.79 Mil P
Patalastas (bilang % ng buong pondo)
Missing Data
Namamahala
Lupon ng tagapagpaganap at interes ng lupon ng tagapagpaganap
Si Manuel I. Ayala ang Chairman ng Rappler Holdings Corporation.
Si Maria Angelita Ressa ang Presidente ng Rappler Holdings Corporation.
Si james C. Bitanga ay ingat-yaman ng Rappler Holdings Corporation.
Si Jose Maria G. Hofilena ay Secretary ng Rappler Holdings Corporation.
Karagdagang impormasyon
Meta Data
Audience share based on Nielsen’s National Urban TV Audience Measurement (TV, Jan-August 2016), Nielsen's Consumer and Media View (Print, Jan-August 2016), Audience share from Nielsen's Radio Audience Measurement (Radio, Jan-August 2016), Effective Measurement (2016)
Pinanggagalingan ng impormasyon o datos
General Information Sheet of Rappler Holdings Corporation (available upon request at SEC) (2015), Securities and Exchange Commission (SEC)
Financial Statement of Rappler Holdings Corporation (available upon request at SEC) (2015), Securities and Exchange Commission (SEC)