TV 5 Network Incorporated

TV5 Network Incorporated ang ikatlong pangunahing kumpanya sa merkado ng telebisyon sa bansa. Bahagi ito ng conglomerate na cross-media sa ilalim ng MediaQuest Holdings Incorporated ni Manuel V. Pangilinan. Ito ang may-ari ng TV5 at kasosyo sa kapatid na istasyong AksyonTV pati ang istasyon ng radyo na Radyo Singko 92.3 FM. Itinatag noong 1960 ng peryodistang si Joaquin “Chino” Roces bilang Associated Broadcasting Corporation, ang kumpanya ay dumaan sa maraming pagbabago ng pagmamay-ari at pamamahala mula noon.Ipinasara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang istasyon, pati na ang pahayagan ni Roces na The Manila Times, nang ideklara niya Martial Law noong September 21, 1972. Roces was jailed with other dissenters. Si Roces ay ikinulong kasama ng iba pang mga tumututol (kay Marcos).Nagbukas na lang muli ang istasyon ilang taon matapos manumbalik ang demokrasya noong 1992 nang may pumasok na mga bagong mamumuhunan para pondohan ang pagbabalik ng himpilan, at ang anak ni Roces na si Edgardo ang namahala.Noong 2003, ang istasyon ay ipinagbili sa negosyanteng si Antonio Cojuangco Jr. na noon ay chairman pa ng pangunahing kumpanya ng telekomunikasyon sa bansa, ang Philippine Long Distance Telephone Company. Noong 2008, ang network ay muling inilunsad nang may bagong kapareha, ang Primedia Incorporated (MPB), pumasok sa eksena. Ang MPB ay isang kumpanya dito na pinamuhunan ng Media Prima Berhad ng Malaysia. Ang plano ay para sa MPB na gumawa ng mga programa para sa himpilan. Noong October 2009, ibinenta ng Media Prima ang istasyon sa MediaQuest Holdings Incorporated, isang kumpanya na pinangungunahan ng negosyanteng si Manuel V. Pangilinan. Ang MediaQuest ni Pangilinan ay ilang taon nang nasa merkado para sa isang istasyon ng telebisyon. Nag umpisa na itong makipag-usap sa GMA Network Incorporated ngunit walang nangyari sa negosasyon. Ang himpilan ay muling binigyan ng panibagong tatak, bilang TV5, at ang punong kumpanya nito ay nagpalit din ng pangalan at naging TV5 Network Incorporated.Inilista ng TV5 Network Incorporated ang mga sumusunod na punong kumpanya sa pinakahuling datos na isinumite sa Securities and Exchange Commission: MediaQuest Holdings, Inc. (29.13 porsiyento), Telemedia Business Ventures, Inc. (25 porsiyento), Med Vision Resources, Inc. (16.67 porsiyento), at Upbeam Investments, Inc. (28.87 porsiyento). Si Ray Espinosa ang chair ng Telemedia, Med Vision, at Upbeam at nakalista ang MediaQuest bilang punong kumpanya ng mga ito.Sa kanyang librong Colossal Deception, How Foreigners Control our Telecom Sector, natunton ng mamamahayag na si Rigoberto D. Tiglao ang tunay na pagmamay-ari ng TV5, ang kapatid nitong istasyon na AksyonTV, ang istasyon ng radyo na FM Radyo Singko 92.3 FM, at iba pang kumpanya ng media tulad ng mga higanteng broadsheet na Philippine Star, Philippine Daily Inquirer, at BusinessWorld sa Indonesian mogul na si Anthoni Salim sa pamamagitan ng kanyang kumpanya na First Pacific na naka-base sa HongKong.Sinundan ni Tiglao ang kasaysayan ng TV5, mula nang mag umpisa ito noong 1960 sa ilalim ng Associated Broadcasting Network ni Joaquin “Chino” Roces, na kinalaunan ay naging Associated Broadcasting Company nang mabili ito noong 2010 ng grupo ni Salim na pinangungunahan ni MVP sa pamamagitan ng PLDT.Sina Pangilinan at Espinosa, na ayon kay Tiglao ay mga tauhan sa Pilipinas ng negosyanteng Indonesian, ay nasa board of directors ng First Pacific.
Punong kompanya
MediaQuest Holdings, Incorporated
Uri/klase ng negosyo
Pribado
Legal Form
Korporasyon
Mga sektor ng negosyo
Brodkas at mass media, telekomunikasyon, paglalathala, pag-iimprenta
MediaQuest Holdings, Incorporated
Ang MediaQuest Holdings, Incorporated ay holding company ng media conglomerate ng PLDT Beneficial Trust Fund na kinabibilangan ng TV5 Network Incorporated, Nation Broadcasting Corporation, at mga broadsheet na The Philippine Star, Philippine Daily Inquirer, at BusinessWorld sa pamamagitan ng Hastings Holdings. Ang punong kumpanya nito ay ang kumpanya na nagmamay-ari sa pondo ng pensyon ng mga empleyado ng PLDT, Incorporated (dating Philippine Long Distance Telephone Company). Ang negosyanteng si Manuel V. Pangilinan ang puno ng iba't ibang mga conglomerate sa Pilipinas na
sa huli ay talagang sa First Pacific group of companies ng Indonesian na negosyanteng si Anthoni Salim.
Upbeam Investments, Incorporated
Ang Upbeam Investments Incorporated ay isang financial holding company na anak ng MediaQuest Holdings, Incorporated at TV5 Network Incorporated bilang sangay.
Telemedia Business Ventures, Incorporated
Telemedia Business Ventures, Incorporated ay isang financial holding company na ang punong kumpanya ay MediaQuest Holdings, Incorporated at TV5 Network Incorporated bilang sangay.
Iba pang mga istasyon ng telebisyon
Coming Soon
AksyonTV
Bloomberg TV Philippines
Colours
Iba pang mga Istasyon ng Radyo
Coming Soon
Iba pang mga Ahensiya na Online
<http://www.tv5.com.ph/> http://www.tv5.com.ph/
Negosyo sa media
Coming Soon
Radio network
MediaScape
Cable provider
Cignal Cable
Negosyo
Coming Soon
Pangkalahatan na impormasyon
Taon ng pagkakatatag
1958
Tagapagtatag
Joaquin “Chino” Roces
Impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may relasyon sa tagapagtatag, lalo na mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng tagapagtatag sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon
Si Joaquin “Chino” Roces ay tagapaglathala ng Manila Times, siya ay nakulong noong Martial Law dahil sa kanyang paninindigan laban sa pagpigil sa malayang pamamahayag.
Mga Empleyado
Missing Data
Contact
TV5 Media Center Reliance Corner Sheridan StreetMandaluyong City 1552 Telephone Number: +632-689-3100
Tax/ ID Number
000-430-214-000
Impormasyon tungkol sa pananalapi
Kita (datos ng pananalapi/opsiyonal)
38.31 Mil $ / 1.8 Bil P
Tubo mula sa operasyon ng negosyo (sa milyong dolyar)
-82.43 Mil $ / -3.86 Bil P
Patalastas (bilang % ng buong pondo)
Missing Data
Namamahala
Lupon ng tagapagpaganap at interes ng lupon ng tagapagpaganap
Si Manuel V. Pangilinan ay Chairman ng TV5 Network, Incorporated, direktor ng PLDT simula pa noong Nobyembre 24, 1998, Presidente at Chief Executive Officer ng PLDT at Smart, Chairman ng Governance and Nomination, Executive Compensation at Technology Strategy Committees ng Board of Directors ng PLDT, Chairman ng MPIC, Meralco at Philex Mining, at ng iba pang mga sangay o kasapi ng PLDT o MPIC, kabilang na ang Smart, Beacon Electric Assets Holdings Incorporated, Manila North Tollways Corporation, Maynilad Water Services Corporation (Maynilad), Landco Pacific Corporation, Medical Doctors Incorporated (Makati Medical Center), Colinas Verdes Corporation (Cardinal Santos Medical Center), Davao Doctors Incorporated, Riverside Medical Center Incorporated, Our Lady of Lourdes Hospital and Asian Hospital Incorporated. Siya rin ang Chairman ng PLDT-Smart Foundation Incorporated, tagapagtatag ng First Pacific Company Limited (First Pacific), isang kumpanyang nakalista sa Hongkong Stock Exchange, kung saan siya ay Chief Executive Officer at Managing Director; President Commissioner ng P.T. Indofood Sukses Makmur Tbk, Chairman ng Board of Trustees ng San Beda College at ng Hong Kong Bayanihan Trust, Co-Chairman ng Philippine Disaster Resilience Foundation Incorporated at U.S.-Philippine Business Society.
Si Emmanuel C. Lorenzana ay dating Presidente ng TV5 Network Incorporated. Nag-retiro siya noong Septiyembre 30 at pinalitan ni Vincent “Chot” Reyes bilang presidente at CEO ng TV5 Network.
Si Ray C. Espinosa ay Direktor sa TV5 Network, Incorporated, Direktor ng PLDT mula noong Nobyembre 24, 1998, miyembro ng Technology Strategy Committee ng Board of Directors ng PLDT, pinuno ng Regulatory Affairs and Policies ng PLDT mula Marso 2008, at General Counsel ng Meralco mula 2009, itinalaga bilang pinuno ng Government and Regulatory Affairs ng First Pacific Group at pinuno ng Communications Bureau para sa Pilipinas mula 2013, direktor ng Meralco, MPIC at Roxas Holdings Incorporated, at independiyenteng direktor at Chairman ng Audit Committee ng Lepanto Consolidated Mining Company, Chairman ng PhilStar Group of Companies, Business World Publication Corporation, direktor at Corporate Secretary ng Philippine Telecommunications Investment Corporation, direktor ng Metro Pacific Resources Incorporated at BTF Holdings Incorporated, at trustee ng Beneficial Trust Fund ng PLDT at PLDT-Smart Foundation Incorporated, Presidente at CEO ng MediaQuest, TV5 at Cignal TV hanggang Mayo 2013.
Si Anabelle L. Chua ay miyembro ng Board of Directors ng TV5 Network Incorporated
Si Edward S. Go ay miyembro ng Board of Directors ng TV5 Network Incorporated.
Si Enrique G. Filamor ay miyembro ng Board of Directors ng TV5 Network Incorporated
Si Lydia B. Echauz ay miyembro ng Board of Directors ng TV5 Network Incorporated.
Si Anna Isabel V. Bengzon ay ingat-yaman at Chief Financial Officer ng TV5 Network Incorporated.
Si Estrelita Gacutan ay Corporate Secretary ng TV5 Network, Incorporated.
Si Michael Celiz ay Assistant Corporate Secretary ng TV5 Network Incorporated.
hindi kabilang sa lupon ng tagapagpaganap at interes ng hindi kabilang sa lupon ng tagapagpaganap
Missing Data
Supervisory Board + Interests Supervisory Board
Missing Data
Ibang mga maimpluwensyang tao at interes ng mga maimpluwensyang tao
Si Anthoni Salim ay isang negosyanteng Indonesian na nagmamay-ari ng 45 porsiyento ng First Pacific Company Limited, ang kumpanya na may napakalaking puhunan sa PLDT. Siya rin ang Chairman nito.
Karagdagang impormasyon
Mga Pangunahing Balita
Meta Data
TV5 Network, Incorporated is part of a complicated and intricate web of corporation ownerships and subsidiaries that it took a journalist's dedicated investigative reporting to unmask who its ultimate owners are.
Audience share based on Nielsen’s National Urban TV Audience Measurement (TV, Jan-August 2016), Nielsen's Consumer and Media View (Print, Jan-August 2016), Audience share from Nielsen's Radio Audience Measurement (Radio, Jan-August 2016), Effective Measurement (2016)
Founding year based on date of incorporation as reflected in the Securities and Exchange Commission documents.
Pinanggagalingan ng impormasyon o datos
General Information Sheet of TV5 Network, Incorporated (available upon request at SEC) (2016), Securities and Exchange Commission (SEC)
Financial Statement of TV5 Network, Incorporated (available upon request at SEC) (2016), Securities and Exchange Commission (SEC)