This is an automatically generated PDF version of the online resource philippines.mom-gmr.org/en/ retrieved on 2024/09/18 at 03:37
Global Media Registry (GMR) & VERA Files - all rights reserved, published under Creative Commons Attribution-NoDerivatives 4.0 International License.
VERA Files LOGO
Global Media Registry

Impluwensiya ng Relihiyon sa Media sa Pilipinas

Nananatili ang malakas na impluwensya ng relihiyon sa media sa Pilipinas. Sa tindi ng kompetisyon ng mga media outlet sa Pilipinas, marami sa mga estasyong pag-aari ng iba’t ibang sekta ay may pinakamaraming tagasubaybay. 

Noong 2016, ang Simbahang Katolika, Iglesia ni Cristo at Jesus Is Lord ay nagkaroon ng mas marami pang tagasubaybay sa TV, radyo at online. 

Ang pagpapanatili nila ng maraming tagasubaybay ay may kinalaman sa lakas ng impluwensiya nila sa mga tagapanalig nila. 

Ang Iglesia ni Cristo ay may 2.8 milyong miyembro sa Pilipinas at ilang daang libo pa sa iba’t ibang bansa. Nakapagpapalabas sila hindi lang sa TV at radyo sa bansa, kundi pati sa cable, satellite at internet.

Ang Jesus is Lord ay may dalawang estasyon sa TV: A2Z commercial network at LightTV na panrelihiyosong mga programa. Kaiba sa INC na nagpapatupad ng mahihigpit na utos sa mga miyembro nila, mas maluwag ang JIL sa mga miyembro nila.

Dahil 78.8% ng mga Filipino ay Katoliko, nananatili ang DZRV 846 na nasa panlimang pinakapinakikinggang estasyon sa radyo sa Pilipinas. Sinusuportahan ng Simabahang Katolika ang DZRV 846, na may napakahalagang papel noong 1986 EDSA People Power Revolution.

May iba pang denominasyon ng Kristiyanismo, na mas kakaunti ang miyembro, na pag-aari din ng mga kompanya ng media na may ilang tagasubaybay, ayon sa Nielsen’s Consumer & Media View para sa pangalawang quarter ng 2023.  

Ang nagtatag ng Jesus Is Lord na si Brother Eddie Villanueva ang may-ari ng ZOE Broadcasting Network sa pamamagitan ng iba’t ibang foundation ng JIL. Bukod sa kanya ay wala nang ibang media sa Pilipinas na pag-aari ng relihiyon ang nakapangalan sa isang tao o pamilya. 

Ang Radyo Veritas na pag-aari ng Radio Veritas Global Broadcasting System, Inc. ay pag-aari ng Roman Catholic Archbishop of Manila. Dahil sa kanyang posisyon, ang arsobispo ng Maynila na si Jose Cardinal Advincula ang nangungunang shareholder ng Radyo Veritas. Ang posisyon ng arsobispo ay pinipili ng santo papa at hindi permanante. 

Tinatag ni Felix Manalo ang Iglesia ni Cristo. INC ang may-ari ng Eagle Broadcasting Corporation na may-ari ng Net25 at Radyo Agila. Ang apo ni Felix Manalo na si Eduardo V. Manalo ang tagapamahalang pangkalahatan ng INC pero hindi siya ang nakapangalang may-ari ng korporasyon.

Ang Far East Broadcasting Company (Philippines) Incorporated ay Kristiyanong network ng mga estasyon ng radyo at may-ari ng 702 DZAS. Ang estasyon ay itinayo ng mga misyonaryong Amerikano at ipinatatakbo ng Board of Trustees na binubuo ng mga lider ng simbahan.    

Kahit ang pinakakontrobersiyal na media outlet na sumikat nitong mga nakaraang taon, ang SMNI News Channel ni Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KJOC) sa Davao ay may malabong pag-aari. 

Sa mga legal na dokumento, Swara Sug Media Corporation (SSMC), ang may-ari ng Sonshine Media Network International, ang executive pastor ng Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name, Inc. 

Ang self-proclaimed “appointed son of God” na si Quiboloy ay matagal nang ipinakikilala sa publiko bilang executive pastor ng KJOC, gaya ng nakalagay sa official website nila. Taliwas ito sa mga pagtanggi ng SSMC na si Quiboloy ay hindi naging shareholder o officer of the board ng kompanya.

Sa pagtangkilik ng mga mananampalataya sa media ng relihiyon nila, ang relihiyon ay mananatiling puwersa sa media, kahit sino pa ang may-ari ng mga kompanyang ito.

  • Project by
    VERA Files
  •  
    Global Media Registry
  • Funded by
    BMZ
  •  
    Logo of Embassy of the Federal Republic of Germany Manila