This is an automatically generated PDF version of the online resource philippines.mom-gmr.org/en/ retrieved on 2024/09/18 at 04:27
Global Media Registry (GMR) & VERA Files - all rights reserved, published under Creative Commons Attribution-NoDerivatives 4.0 International License.
VERA Files LOGO
Global Media Registry

Ekonomiya

Bago pa man ang pandemyang COVID na nagdulot ng mahihigpit na lockdown sa buong bansa, unti-unti nang bumababa ang ekonomiya ng Pilipinas mula 2017 hanggang 2019. Ang lumolobong populasyon, pagtaas ng presyo ng bilihin at mababang kita sa pangangalakal, pagsasaka, paggawa ng produkto, at pagbibigay ng serbisyo ang dahilan ng patuloy na pagbaba ng ekonomiya. 

Sa kabila ng pagbaba ng ekonomiya, isa pa rin ang Pilipinas sa pinakamabilis na lumalago sa Asya, sunod sa India, China at Vietnam. Mula 6.9% noong 2016, bumaba ang ekonomiya ng Pilipinas sa 6.7% noong 2017 at 6.2% noong 2018. Tuluyan pa itong bumagsak sa 6% noong 2019 hanggang sa lumubog na sa -9.5% noong unang taon ng pandemya (2020). 

Noong panahong ito, ang programang “Build Build Build” ng administrasyong Duterte ay nakatuon sa pagtatayo ng napakaraming mahahabang kalsada para pagdugtung-dugtungin ang iba’t ibang lugar sa Pilipinas para mapababa ang gastos sa pagde-deliver at makaakit ng mas maraming malalaking negosyante. 

Pero ayon sa pag-aaral ng IBON Foundation (organisasyon ng mga eksperto sa ekonomiya), sa halip na pagsilbihan ang mga lokal na kompanya sa Pilipinas at gumawa ng mga makabuluhang trabaho para sa mga Filipino o magbigay ng mga nakabubuhay na sahod sa nakararaming mahihirap, ibinuhos ng gobyerno ang lakas nito sa pagpapataas ng tiwala ng malalaking korporasyon ng ibang bansa. 

Nakaasa sa mga padala ng OFWs

Ang matataas na padala ng mga overseas Filipino worker, kahit bumaba sa 134.77 bilyong piso (2.803 bilyong dolyar) noong 2020, ang bumubuhay sa mga pamilyang umaasa sa mga padala. Mula 2022, tumaas na ulit ang mga padala ng mga OFW, pero hindi pa nito nahihigitan ang 210.4 bilyong piso (3.778 bilyong dolyar) bago magpandemya (2019).

Pagbangon ng ekonomiya

Dahil sa dami ng nagpabakuna laban sa COVID, nakapagbukas ang mas maraming negosyo, kaya nakabangon sa 5.6% na paglago ang ekonomiya ng Pilipinas noong 2021. Ang mga negosyong may pinakamalaking naiambag ay pagtatayo ng bahay at gusali, paggawa ng produkto, pagtitinda nang pakyawan at tingi, at pag-aayos ng motor.

Mas lumago pa ang ekonomiya noong 2022 pagkatapos itigil ang lahat ng mga pagbabawal noong kasagsagan ng pandemya. Lumago sa 7.6% ang ekonomiya ng Pilipinas. Ang mga sektor na nagpaglago ay construction, transportasyon, paupahan at pagkain. 

Relasyon ng media sa negosyo

Ang sistema ng ekonomiya ay may malaking ginagampanan sa paghuhubog ng media, lalo na sa pag-aari at impluwensiya. Ang media sa Pilipinas ay pag-aari ng iilan lang na mayayamang pamilya at samahan ng mga negosyante. 

Ang malalaking korporasyong may interes sa iba’t ibang sektor ay maaaring magmay-ari ng mga organisasyon sa media, kaya nakokontrol ang pagbabalita para protektahan ang mga interes ng mga naghahariang negosyante. Lalo pa’t ang mga naghahariang negosyante ay nakikipagsabwatan sa mga politiko, kaya nagagamit ang media para iendorso ang mga interes ng mga politiko o atakihin ang mga kalaban nila at nakasisira sa sinumpaang katapatan ng mga mamamahayag.

Pagbaba ng gastos sa ads

Ang mga tradisyonal na pinagkukunan ng kita ng media, gaya ng patalastas, ay bumababa dahil sa paglipat ng mga customer sa mga online platform.

May ibang media na sinusubukan ang mga online subscription at iba pang pinagkukunan ng kita para maipagpatuloy ang negosyo. Pinapasok ng media ang pagbabagong online dahil lalong nagiging mahalaga ang mga online platform dahil sa mas malawak na naaabot ng mga ito. 

Ang epekto ng pandemya sa ekonomiya ay lalong nakapagpalala sa pagkapilay ng media. May ilang media ang nalugi kaya nagtipid, nagtanggal ng mga empleyado, o tuluyan pa ngang nagsara.

Tradisyonal papuntang online

Nakita noong mga nakaraang taon ang mga pagbabago sa pagpopondo ng media sa Pilipinas. Maraming media ang lumilipat mula sa tradisyonal na paglilimbag at pagpapalabas papunta sa makabagong mga online platform. 

Ang ang online advertisements at subscriptions na binabayaran ng mga customer para makakuha ng mga premium content ay nagiging epektibong pinagkukunan ng kita. Halimbawa ang Manila Times Online na binabayaran ng mga customer para makapasok sa website.

Epekto sa kita ng panahong online

Noong nangunguna ang TV sa lahat ng media platforms, ang presyo ng pangkaraniwang 30-segundong patalastas sa primetime shows ay aabot sa kalahating milyong piso. Ngayon, dahil mas marami nang lumilipat sa social media bilang pinagkukunan ng impormasyon at libangan, ang presyo ng ads sa Facebook, halimbawa, ay nasa 10,445 piso (187 dollars) hanggang 41,780 piso (751 dollars) kada buwan, depende sa dami ng clicks na gustong makuha ng isang brand. Mas maraming clicks, mas mahal.

Ang political ads sa lahat ng media platforms ay nakatulong sa pagtulak ng mga kita sa ads noong mga taon ng eleksiyon (2019 at 2022), lalo na sa pagkapangulo. Pagtapos ng pambansang eleksiyon noong 2022, bumagsak sa pagitan ng 9% hanggang 31% ang mga kita sa ads.

Sources

[Translate to Tagalog:] Advertising Row website, How much does a TV commercial cost in the Philippines? (May 23, 2022) [Translate to Tagalog:] Accessed on Jan. 4, 2024
[Translate to Tagalog:] Senate of the Philippines official website, 2021 Full-year Economic Report [Translate to Tagalog:] Accessed on Jan. 4, 2024
[Translate to Tagalog:] Congressional Policy and Budget Research Department official website, FF2019-02: 2018 PHILIPPINE ECONOMIC PERFORMANCE [Translate to Tagalog:] Accessed on Jan. 4, 2024
[Translate to Tagalog:] Congressional Policy and Budget Research Department official website, FF2020-43: 2019 ECONOMIC PERFORMANCE OF THE PHILIPPINE REGIONS [Translate to Tagalog:] Accessed on Jan. 4, 2024
[Translate to Tagalog:] Congressional Policy and Budget Research Department official website, FF2021-10: 2020 PHILIPPINE ECONOMIC PERFORMANCE [Translate to Tagalog:] Accessed on Jan. 4, 2024
[Translate to Tagalog:] Sicat, G. (2012). Worker remittances and the Philippine economy. [Translate to Tagalog:] Accessed on Dec. 28, 2023
[Translate to Tagalog:] Senate of the Philippines official website, 2017 Full-year Economic Report [Translate to Tagalog:] Accessed on Dec. 28, 2023
[Translate to Tagalog:] Guzman, R. (2021, July 25). What Build Build Build has delivered. IBON Foundation. [Translate to Tagalog:] Accessed on Dec. 28, 2023
[Translate to Tagalog:] Bangko Sentral ng Pilipinas official website, Tab 12 Philippine Peso Per US Dollar Exchange Rate [Translate to Tagalog:] Accessed on Jan. 4, 2024
[Translate to Tagalog:] Truelogic official website, Facebook Ads Cost In The Philippines: A Pricing Guide (July 2, 2022) [Translate to Tagalog:] Accessed on Dec. 28, 2023

  • Project by
    VERA Files
  •  
    Global Media Registry
  • Funded by
    BMZ
  •  
    Logo of Embassy of the Federal Republic of Germany Manila