This is an automatically generated PDF version of the online resource philippines.mom-gmr.org/en/ retrieved on 2023/11/29 at 01:10
Global Media Registry (GMR) & VERA Files - all rights reserved, published under Creative Commons Attribution-NoDerivatives 4.0 International License.
VERA Files LOGO
Global Media Registry

ABS-CBN 2

Ang ABS-CBN 2, o Kapamilya Network, ang pangunahing istasyon ng telebisyon ng higanteng ABS-CBN Corporation, ang pinakamalaking conglomerate ng media sa Pilipinas. Ang ABS-CBN 2 ay isang komersyal na istasyon ng telebisyon na nagsasahimpapawid sa very high frequency (VHF) at ang nangungunang istasyon ng telebisyon sa bansa batay sa naaabot, audience share, at kinikita sa mga patalastas.Naaabot ng ABS-CBN 2 ang tinatayang 97 porsiyento ng lahat ng sambahayan na may telebisyon sa Pilipinas, ayon sa pinakahuling datos na inilabas ng istasyon. Ang mga programa nito ay mapapanood din sa labas ng bansa "sa higit 3.1 milyong manonood sa North America, Middle East, Europe, Japan, Australia, Canada at iba pang mga bansa sa Asya." Sa National Urban TV Audience Measurement ng Nielsen, na sumusukat ng tagapanood sa telebisyon sa mga pangunahing siyudad sa bansa, ang audience share ng istasyon ay nasa 37.58 porsiyento mula Enero hanggang Agosto 2016, ang pinakamataas sa lahat ng istasyon ng telebisyon sa bansa.Ang mga ipinalalabas sa himpilan ay iba't ibang programa mula sa mga serye ng drama, sitcom, musical variety show, infotainment, entertainment, at balita at kasalukuyang mga pangyayari.Ang ABS-CBN Corporation ng pamilya Lopez at ang namumunong kumpanya na Lopez, Incorporated ang may-ari ng himpilan. Ang patriarka ng pamilya, si Eugenio Lopez Sr., ang nag umpisa ng ABS-CBN Corporation bilang isang kumpanya na nagbo-brodkas sa radyo noong 1950s. Ang kanyang apo na nagtapos sa Harvard, si Eugenio "Gabby" Lopez III, ang kasalukuyang chairman of the board ng ABS-CBN Corporation.Huminto ang operasyon ng ABS-CBN 2 noong Setyembre 1972 nang ideklara ni Pangulong Ferdinand Marcos ang martial law at kinuha ang kontrol ng media sa bansa.Ipinagpatuloy ng ABS-CBN ang komersyal na operasyon pagkatapos ng People Power Revolution noong 1986 nang, sa pamamagitan ng isang executive order, ibinalik ni Pangulong Corazon Aquino sa mga Lopez ang network at iba pang mga inagaw na kumpanya ng pamilya Lopez noong 1972.Noong Marso 1, 1987, ang Channel 2 ay muling inilunsad bilang “The Star Network” at mula noon gumawa ng mga programang nakaaakit sa mga manonood na Filipino ang nilalaman.

Pangunahing katotohanan

Parte o bahagi ng lahat ng mga tagapanood

37.58

Klase ng pagmamay-ari

pribado

Sakop na lugar

Pambansa

Uri/ klase ng nilalaman

Libre magsahimpapawid (VHF)

antas ng transparency, kung saan kusang ipinaaalam ng kompanya ang tungkol sa pagmamay-ari nito. Ang mga datos ay patuloy na isinasapanahon at madaling mapatutunayan.

maagap at komprehensibong pagpapa-alam kaugnay ng pagmamay-ari ng kompanya, ang datos ay patuloy na isinasapanahon at madaling mapatutunayan

4 ♥

mga kompanya o grupo ng media

ABS-CBN Corporation

Pagmamay-ari

Istraktura o balangkas ng pagmamay-ari

Ang ABS-CBN 2 ay pag-aari ng ABS-CBN Corporation, na ang pinakamalaking namumuhunan ay ang Lopez Incorporated, na pag-aari ng pamilya Lopez.

Grupo / Indibidwal na may-ari

Lopez, Incorporated

Lopez Incorporated ay isang kumpanyang namumuhuman na mga interest sa mga sektor tulad ng broadcasting at cable, telekomunikasyon, power generation at distribusyon, at banking. It is the parent company of ABS-CBN Corporation. Ito ang punong kumpanya ng ABS-CBN Corporation.

55.2%
mga kompanya o grupo ng media
Facts

Pangkalahatan na impormasyon

Taon ng pagkakatatag

1967

Tagapagtatag

Eugenio “Geny” Lopez, Sr.

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may relasyon sa tagapagtatag, lalo na mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng tagapagtatag sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Si Eugenio “Geny” Lopez, Sr. ay anak ng dating Iloilo governor Benito Lopez at nakatatandang kapatid ni Vice President Fernando Lopez.

Punong Tagapagpaganap ng Kompanya

Carlo L. Katigbak

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may kaugnayan sa punong tagapagpaganap ng kompanya, partikular ang mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng punong tagapagpaganap ng kompanya sa ibang mga organisasyon ng media at ibang mga sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Si Carlo L. Katigbak, ang presidente at chief executive officer ng ABS-CBN Corporation, ay nagtapos ng management sa Harvard at dating pinuno ng mga negosyo ng network na kaugnay ng bagong teknolohiya tulad ng cable at mobile.

Punong Patnugot

Missing Data

Ibang mga importanteng tao

Eugenio L. Lopez III

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga ibang importanteng tao; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng mga importanteng tao sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Si Eugenio L. Lopez III ang Chairman ng Board of Directors ng ABS-CBN Corporation, Vice Chairman ng Lopez Holdings Corporation, Chairman ng Sky Cable Corporation, Presidente ng Sky Vision Corporation, Tresurero ng Lopez Incorporated, Chairman ng Bayan Telecommunications Incorporated, direktor ng First Gen Corporation, direktor ng First Gen Corporation, First Philippine Holdings Corporation, Rockwell Land at ng Eugenio Lopez Foundation.

Contact

ABS-CBN Corporation Sgt. E.A. Esguerra AvenueQuezon City Philippines 1103Telephone Number: +632-415-2272 <<a href="www.abs-cbn.com" class="intern" target="_blank">www.abs-cbn.com> <a href="www.abs-cbn.com" class="intern" target="_blank">www.abs-cbn.com

Impormasyon tungkol sa pananalapi

Kita (sa milyong dolyar)

Missing Data

Tubo mula sa operasyon (sa milyong dolyar)

Missing Data

Advertising (bilang % ng buong pondo)

Missing Data

Parte o bahagi sa kabuuang kita ng audiovisual media market

Missing Data

Karagdagang impormasyon

Meta Data

ABS-CBN Corporation is a publicly listed corporation and is required by law to disclose all company details.
Data based on Audience share from Nielsen’s National Urban TV Audience Measurement (Jan-June 2016).
The Securities Regulation Code, Republic Act 8799, which was enacted into law in 2000, lays down stringent disclosure requirements for companies that wish to make a public offering or that are already publicly listed, including who its beneficial owners are.

The Securities and Exchange Commission’s Memorandum Circular No. 11, series of 2014, requires all publicly listed companies to post on their websites the following information, among other things:
1) Company profile, mission and vision, Board of Directors, organizational structure, shareholding structure, Articles of Incorporation and By-Laws;
2) The disclosures required by the SEC, including periodic reports, statement of beneficial ownership and the General Information Sheet;
3) Manual on Corporate Governance, Annual Corporate Governance Reports;
4) Company policies on whistleblowing, conflict of interest, insider trading, related party transactions, health and welfare of staff;
5)Investor relations programs and shares, including the total outstanding shares, exchanges where the shares are listed, and the top 20 shareholders of the company. # Despite this law, the latest General Information Sheet on the ABS-CBN Corporate website is 2014. # Conversion rate on Dec. 31, 2015: P 46.85 #

Sources Media Profile

Financial Statement of ABS-CBN Corporation (available upon request at SEC) (2016), Securities and Exchange Commission (SEC)

  • Project by
    VERA Files
  •  
    Global Media Registry
  • Funded by
    BMZ