PTV 4

Ang PTV 4 o People's Television Network Incorporated (PTNI) ay ang pangunahing network ng telebisyon ng gobyerno. Ito ay kumpanyang pag-aari at kontrolado ng gobyerno na itinatag ng batas, ang Republic Act 7306 na inamyendahan ng Republic Act 10390.Ang himpilan ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Presidential Communications Operations Office (PCOO). Ito ay nagsasahimpapawid ng balita at kasalukuyang pangyayari ng libre sa TV channel 4 sa very high frequency.Ito ay isa sa tatlong himpilan ng telebisyon na pag-aari ng gobyerno kasama ang Intercontinental Broadcasting Corporation at Radio Philippines Network. Ito ang kaisa-isang hindi ibinenta sa mga pribadong mamumuhunan at nais ng gobyerno na panatiliin at idebelop. Ang himpilan ay dumaan sa modernisasyon nang pirmahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang Republic Act 10390 na nagbigay ng karagdagang P5 bilyon para sa operasyon ng himpilan. Bumili ito ng mga bagong gamit.Ang PTNI ay may limang miyembro sa board of directors. Sila ay itinalaga ng Pangulo at kailangang kumakatawan sa iba't ibang mga sektor: dalawa mula sa sektor ng gobyerno, isa mula sa pribadong sektor, isa mula sa pribadong sektor at industriya ng brodkas, at isa mula sa sektor ng edukasyon. Bagaman ang audience share ng PTV 4 ay hindi malaki kumpara sa pangunahing tatlong istasyon ng telebisyon, ang himpilan ay nagkaroon ng panibagong katuturan nang ipahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte isang buwan bago siya tumuntong sa Malacañang na hindi na siya magbibigay ng mga panayam o magpapatawag ng mga press conference at ipapaalam na lamang ang mga opisyal na pahayag sa pamamagitan ng himpilang pinatatakbo ng gobyerno. Ang ibig sabihin nito ay kailangan humingi ng permiso ang ibang mga network mula sa PTV 4 para makuha ang parehong brodkas at maipalabas sa kani-kanilang mga himpilan.
Parte o bahagi ng lahat ng mga tagapanood
0.39
Klase ng pagmamay-ari
pampubliko
Sakop na lugar
Pambansa
Uri/ klase ng nilalaman
Libre magsahimpapawid (VHF)
mga kompanya o grupo ng media
Presidential Communications Operations Office (PCOO)
Istraktura o balangkas ng pagmamay-ari
Ang PTV o People's Television Network Incorporated (PTNI) ay ang pangunahing network ng telebisyon ng gobyerno ng Pilipinas at nasa ilalim ng pamamahala ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).
Kompanya
Pangkalahatan na impormasyon
Taon ng pagkakatatag
1974
Tagapagtatag
Philippine government via National Media Production Center
impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may relasyon sa tagapagtatag, lalo na mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng tagapagtatag sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon
Ang network ng telebisyon ng gobyerno sa bansa ay nagsimula bilang Government Television (GTV-4) sa pamamagitan ng National Media Production Center, na pinamunuan ni Lito Gorospe.
Punong Tagapagpaganap ng Kompanya
Maria Cristina C. Mariano
impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may kaugnayan sa punong tagapagpaganap ng kompanya, partikular ang mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng punong tagapagpaganap ng kompanya sa ibang mga organisasyon ng media at ibang mga sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon
Si Maria Cristina C. Mariano ay chair ng People's Television Network Incorporated. Siya ay itinalaga ni dating Pangulo Benigno S. Aquino III noong Setyembre 11, 2015 bilang kinatawan ng sektor ng gobyerno.
Punong Patnugot
Missing Data
Ibang mga importanteng tao
Veronica B. Jimenez
Albert D. Bocobo
Cindy Rachelle E. Igmat
Josemaria E. Claro
impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga ibang importanteng tao; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng mga importanteng tao sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon
Si Veronica B. Jimenez ay Vice Chairperson at miyembro ng Board of Directors ng People's Television Network Incorporated. Siya ang kumakatawan sa pribadong sektor at sa industriya ng brodkas.
Si Albert D. Bocobo ang General Manager ng People's Television Network Incorporated at miyembro rin ng Board of Directors nito. Siya ay kumakatawan sa pribadong sektor.
Si Cindy Rachelle E. Igmat ay miyembro ng Board of Directors ng People's Television Network Incorporated at kumakatawan sa sektor ng gobyerno.
Si Josemaria E. Claro ay miyembro ng Board of Directors ng People's Television Network Incorporated at kumakatawan sa sektor ng edukasyon.
Contact
Broadcast Complex Visayas Ave, Brgy. Vasra, Quezon City Telephone Number: +632-920-4389www.ptv.ph
Impormasyon tungkol sa pananalapi
Kita (sa milyong dolyar)
6 Bil P (capital stock)
Tubo mula sa operasyon (sa milyong dolyar)
Missing Data
Advertising (bilang % ng buong pondo)
Missing Data
Parte o bahagi sa kabuuang kita ng audiovisual media market
Missing Data
Karagdagang impormasyon
Mga Pangunahing Balita
Meta Data
Conversion rate on Dec. 31, 2015: P 46.85
Data based on Audience share from Nielsen’s National Urban TV Audience Measurement (Jan-June 2016).
Sources Media Profile
Republic Act 10390