Manuel V. Pangilinan

Si Manuel V. Pangilinan o MVP ay isa sa mga pinakamatagumpay na negosyante sa Pilipinas na may mga interes sa telekomunikasyon, mass media, infrastructure development, ospital, at public utility tulad ng tubig, kuryente, mass transit at pamamahala ng tollway.Si Pangilinan ay bilyonaryong nagtagumpay sa sariling sikap, anak ng isang mensahero ng bangko na sa bandang huli ay nagretiro bilang presidente ng bangko. Si Pangilinan ay nag-aral sa pinatatakbo ng mga Heswita na Ateneo de Manila University kung saan siya ay nagmedyor sa Economics at sa Wharton School of Finance and Commerce kung saan siya ay nakakuha ng masters degree sa Business Administration, na parehong mula sa scholarship.Gumawa ng pangalan si Pangilinan sa Hong Kong kung saan nagtrabaho siya sa isang investment bank. Habang naroon, nakilala niya si Anthoni Salim, isang negosyanteng Indonesian na tumulong sa kanyang itayo ang First Pacific, isang “investment management at holding company na naka base sa Hong Kong na may mga operasyon sa Asia-Pacific,” na ayon sa website nito, ay may mga interes sa negosyo ng telekomunikasyon, consumer food product, imprastruktura at likas na yaman.Ngayon si Pangilinan ay managing director at chief executive officer ng $7.5-bilyong kumpanya. Siya ay chairman din ng Metro Pacific Investments Corporation, Meralco at Philex Mining, mga kumpanyang nasa stock exchange. He also holds management positions in these companies’ subsidiaries and affiliates. Humahawak din siya ng mga posisyon ng pamamahala sa mga sangay at kaanib ng mga kumpanyang ito. Siya ang kasalukuyang presidente at chief executive officer ng mga higante ng telekomunikasyon na PLDT at Smart.Naitayo ni Pangilinan ang kanyang imperio ng media sa Pilipinas sa pamamagitan ng PLDT, sa pag gamit ng P14.5-bilyong trust fund ng mga empleyado nito na ipinasok na puhunan sa kumpanyang tinawag na MediaQuest Holdings Incorporated.Ang MediaQuest ay may cross-media na pag-aari sa bansa mula telebisyon at radyo sa pamamagitan ng TV5 Network Incorporated at Nation Broadcasting Corporation, at iba pang kumpanya ng media tulad ng mga higante ng broadsheet na The Philippine Star, Philippine Daily Inquirer, at BusinessWorld.Sa kanyang librong Colossal Deception, How Foreigners Control our Telecom Sector, natunton ng mamamahayag na si Rigoberto D. Tiglao ang tunay na pagmamay-ari ng mga kumpanyang ito na si Indonesian mogul Anthoni Salim sa pamamagitan ng kumpanyang First Pacific na naka base sa HongKong.
Negosyo
Telecommunications
Philippine Long Distance Telephone Company
Smart Communications, Inc.
PLDT Communications and Energy Ventures Inc. (formerly Piltel)
Meralco Powergen Corporation
Finance
Metro Pacific Investments Corporation
Mining
Philex Mining Corporation
Vehicle
Beacon Electric Asset Holdings Inc
Real estate
Landco Pacific Corporation
Hospital
Medical Doctors, Inc.
Colinas Verdes Corporation
Davao Doctors Inc.
Riverside Medical Center, Inc.
Our Lady of Lourdes Hospital
Asian Hospital, Inc.
Water
Maynilad Water Services Corporation
Tollways
Manila North Tollways Corporation
Holding company
First Pacific Company Limited
pamilya at mga kaibigan
impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga ka-pamilya at kaibigan; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng ka-pamilya at kaibigan sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon
Si Anthoni Salim ay isang negosyanteng Indonesian na nagmamay-ari ng 45 porsiyento ng First Pacific Company Limited, ang kumpanya na may napakalaking puhunan sa PLDT. Siya rin ang Chairman nito.
Karagdagang impormasyon
Mga Pangunahing Balita
Coming Soon
Meta Data
Details on ownership structures are available due to investigative journalism.
Pinagkukunan/ Pinanggagalingan
General Information Sheet of Nation Broadcasting Corporation of the Philippines (available upon request at SEC) (2016), Securities and Exchange Commission (SEC)
Financial Statement of Nation Broadcasting Corporation of the Philippines (available upon request at SEC) (2016), Securities and Exchange Commission (SEC)
General Information Sheet of TV5 Network, Incorporated (available upon request at SEC) (2016), Securities and Exchange Commission (SEC)
Financial Statement of TV5 Network, Incorporated (available upon request at SEC) (2016), Securities and Exchange Commission (SEC)