This is an automatically generated PDF version of the online resource philippines.mom-gmr.org/en/ retrieved on 2023/11/28 at 23:21
Global Media Registry (GMR) & VERA Files - all rights reserved, published under Creative Commons Attribution-NoDerivatives 4.0 International License.
VERA Files LOGO
Global Media Registry

The Belmonte Family

The Belmonte Family

Para sa mga Belmonte, ang pahayagan ay negosyo ng kanilang pamilya.Isang pamana mula sa namayapang ina na si Betty Go-Belmonte, ang Star Group of Companies ay nasa ilalim na ngayon ng pamamahala ng kanyang anak na si Miguel Belmonte. Bukod sa broadsheet na Philippine STAR, hinahawakan niya ang iba pang mga babasahin: mga tabloid na Pilipino Star Ngayon at Pang-Masa, ang Freeman at Banat na naka-base sa Cebu at BusinessWorld, ang pinakahuling karagdagan sa grupo. Si Isaac, ang panganay, ang puno ng editorial board ng Philippine STAR.Ang kapatid nilang si Kevin, samantala, ang namamahala sa digital platform na philstar.com. Bukod dito, siya ay miyembro rin ng board at kasapi ng mga namumuhunan sa kumpanya ng real estate na Nuvoland Philippines.Ngunit hindi lang tatlo sa mga Belmonte ang may kinalaman sa pahayagan. Si dating House Speaker Feliciano Belmonte, Jr. at kasalukuyang Quezon City vice mayor Joy Belmonte ay may kaparte rin sa iba't ibang mga kumpanya ng STAR. “(Ang STAR ang) pinanggalingan ng yaman ng pamilya Belmonte,” sabi ni Miguel. Ito umano ang dahilan kung bakit walang nag akusa sa kanyang ama ng pagiging tiwali sa kabila ng pagiging isa sa mga pinakamayamang miyembro ng Kongreso, dagdag pa niya. Pag pinagsama, ang buong pamilya ay nagmamay-ari lang ng 20 porsiyento ng Philippine STAR. Mula 2014, ang pinakamalaking namumuhunan sa isa sa pinakamalaking pang-araw-araw na broadsheet ay ang Hastings Holdings, ang kumpanya na pag-aari ng negosyanteng si Manuel V. Pangilinan, na kilala rin bilang MVP. Para sa Pilipino Star Ngayon, Incorporated, na nagpapatakbo ng tabloid na Pilipino Star Ngayon, at Philstar Global, na humahawak ng philstar.com, ang Hastings Holdings ay nagmamay-ari ng 80 porsiyento ng parehong kumpanya.“(Naging) malaking araw ng sahuran para sa aming pamilya nang bilhin ng grupo ni MVP ang karamihang ng parte sa amin,” sabi ni Miguel.Si MVP ang unang nag alok na bilhin ang kumpanya noon pang 2006, pero hindi sumang-ayon ang mga Belmonte sa pagkakataya sa halaga. Ang grupo ni MVP ay sumubok ulit noong 2009 pero noong 2011 na lang nang nakapasok si MVP, na may unang 20 porsiyentong parte. Noong 2014, sa pamamagitan ng Hastings Holdings, nakakuha si MVP ng pinakamalaking parte na 51 porsiyento.“Lumapit lang sila sa amin. Kahit na kailan, hindi namin inalok ang aming sarili para ipagbili. Hindi kailanman, kahit minsan,” dagdag niya.Sabi ni Miguel, ang pagbebenta ng karamihan ng kanilang parte sa kumpanya ay desisyon ng pamilya na sa kahulihulihan ay pakikinabangan ng STAR. Ang pagmamay-ari ng Hastings Holdings ay mababakas sa PLDT Beneficial Trust Fund. "Kung mayroong makapagbubuhat sa atin sa susunod na henerasyon ng distribusyon ng balita, isang kumpanya ng teknolohiya ang perpektong katambal," sabi niya, tinutukoy ang PLDT.Sa kabila nito, naniniwala si Miguel na magkakaroon ng panibagong sigla ang mga pahayagan. "Walang bagong uri ng media ang papatay sa dating uri. Siguro liliit, ang mga dating (uri) ay liliit, tulad ng nangyari na. At siguro may mga tanggapan na hindi makakaligtas. Pero sa mundo ng matirang matibay, walang duda na ang STAR ay isa sa mga matitirang buhay,” sabi niya.

Mga kompanya ng media
Facts

pamilya at mga kaibigan

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga ka-pamilya at kaibigan; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng ka-pamilya at kaibigan sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Feliciano Belmonte, Jr.

Si Feliciano Belmonte, Jr. ay dating House Speaker, at miyembro ng Liberal Party.

Karagdagang impormasyon

antas ng transparency, kung saan ang datos tungkol sa pagmamay-ari ng kompanya ay madali makuha kung hihilingin sa kompanya.

kapag hiniling, ang datos kaugnay ng pagmamay-ari ay madali makuha mula sa kompanya o istasyon

3 ♥
  • Project by
    VERA Files
  •  
    Global Media Registry
  • Funded by
    BMZ