The Canoy Family

Ang EdCanoy Prime Holdings, Inc. ay pag-aari ng pamilya Canoy. Taong 2010, binili nito ang mga stock ng Interactive Broadcast Media, Inc. (IBMI), ang kumpanya ng brodkas na may-ari at nagpapatakbo ng istasyon ng radyo DWWW 774.Taong 2012, ang IBMI ay naging kasosyo ng EdCanoy Prime Holdings, Inc., na may 49 porsiyento ng pagmamay-ari. Dahil dito, ang EdCanoy Prime Holdings Inc. ay nabigyan ng malaki ngunit limitadong impluwensya sa IBMI, ang kapasidad na lumahok sa, pero hindi kumontrol ng, mga desisyon kaugnay ng mga polisya sa pananalapi at pamamahala ng korporasyon.Taong 2012, ang IBMI, sa General Information Sheet nito, ay nagdeklara na ang EdCanoy Prime Holdings, Inc. ang pangunahing kasapi ng mga namumuhunan sa kumpanya, na may 99 porsiyento ng pagmamay-ari.Ang EdCanoy Prime Holdings, Inc. ang namumunong kumpanya rin ng Radio Mindanao Network, Inc. (RMN), isa pang kumpanya na nasa negosyo ng pagbrodkas ng radyo, na may 52 porsiyento ng pagma-may-ari na nabili noong 2010. Noong 1961, sa ilalim ng Republic Act 3122, ang RMN ay nabigyan ng prangkisa na magtatag, magpatakbo at mamahala ng mga istasyon ng radyo para sa malawakang brodkas.Taong 2015, inaprubahan ng Kongreso ang aplikasyon ng RMN para sa panibagong 25-taong prangkisa. Sa ngayon, ang RMN ang pinakamalaking network ng radyo sa Pilipinas, na may halos 60 istasyon na AM at FM.Bukod sa mga kumpanya ng brodkas, ang EdCanoy Prime Holdings, Inc. ay mayroon din interes sa mga negosyong may kaugnayan sa marketing at advertising. Ito ang may-ari ng Echo Media Marketing Innovations Corp. (EMMIC), ang eksklusibong humahawak ng marketing ng IBMI. Ito ay may 15 porsiyento rin sa RMN Networks Marketing and Media Ventures, Inc., (RMN MMVI). Ang RMN ang namumunong kumpanya ng RMN MMVI, na may 70 porsiyento ng pagmamay-ari. Ang RMN MMVI ay tumutukoy sa EdCanoy Prime Holdings Inc. bilang pinakapangunahing may-ari, na may 51 porsiyentong interes mula noong Disyembre 2015.Marso 2016, si Eric S. Canoy, presidente ng RMN at EdCanoy Prime Holdings, Inc., ay nagpahayag umano ng interes na bilhin ang inilit ng gobyerno na istasyon ng telebisyon, ang Intercontinental Broadcasting Corp. (IBC-13). Sabi ni Canoy, may mga plano na bumuo ng samahan ng mga negosyante para gumawa ng alok na bilhin sa gobyerno ang IBC-13. www.bworldonline.com/content.php>
Negosyo
Radio Broadcasting
Radio Mindanao Networks, Incorporated
Marketing
RMN Networks Marketing and Media Ventures, Incorporated
Echo Media Marketing Innovations Corporation
pamilya at mga kaibigan
impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga ka-pamilya at kaibigan; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng ka-pamilya at kaibigan sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon
Si Eric S. Canoy ay may share sa Radio Veritas Global Broadcasting System, Incorporated.