This is an automatically generated PDF version of the online resource philippines.mom-gmr.org/en/ retrieved on 2023/11/28 at 22:21
Global Media Registry (GMR) & VERA Files - all rights reserved, published under Creative Commons Attribution-NoDerivatives 4.0 International License.
VERA Files LOGO
Global Media Registry

The Gozon Family

The Gozon Family

Si Felipe L. Gozon ay chairman ng board of directors at chief executive officer ng GMA Network Incorporated. Siya ang sinasabing nasa likod ng tagumpay ng GMA Network Incorporated kasama sina Gilberto M. Duavit Sr. at Menardo Jimenez.Si Gozon ay nag-aral ng law sa University of the Philippines at Yale University Law School. Siya ay abogado ng tagapagtatag ng GMA Network, ang Amerikanong si Robert La Rue Stewart.Taong 1973, noong nalulugi ang Republic Broadcasting System (RBS) ni Stewart, sinasabing inalok niya ng 30 porsiyentong parte si Gozon ngunit ang pera ni Gozon ay kaya lang bayaran ang 10 porsiyento kaya’t inalok nito ang 20 porsiyento sa kanyang bayaw na si Menardo Jimenez.Noong 1975, napasakamay nina Gozon at Jimenez ang pamamahala ng RBS kasama ang kanilang kaibigan na si Gilberto Duavit at pinalitan ang pangalan ng istasyon ng GMA Network. Sa ilalim ng kanilang pamamahala, ang istasyon ay dahan-dahang umangat bilang kakumpitensya para maging pangunahing kumpanya sa merkado ng media sa Pilipinas. Noong 2000, ihinalal ng GMA board si Gozon bilang chairman, presidente at chief executive officer, na nagbago sa balangkas ng pangasiwaan ng network, at napatalsik ang bayaw na si Jimenez sa top management.Siya ay nanatiling chairman at chief executive officer mula noon.Ang anak niyang si Anna Teresa M. Gozon-Abrogar, isa ring abogado, ay itinalagang miyembro ng board of directors noong 2000 at nananatili sa puwesto mula noon. Ang mag-ama ay senior at junior partner, alinsunod sa pagkakasunod, sa Law Firm ng Belo Gozon Elma Parel Asuncion & Lucila.Si Felipe L. Gozon ay may mga interes din sa real estate at banking.

mga kompanya o grupo ng media
Mga kompanya ng media
Facts

Negosyo

Law firm

Belo Gozon Elma Parel Asuncion & Lucila

Real estate

Mont-Aire Realty and Development Corp.

Finance

Malayan Savings and Mortgage Bank

Others

Gozon Development Corp.

pamilya at mga kaibigan

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga ka-pamilya at kaibigan; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng ka-pamilya at kaibigan sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Felipe L. Gozon

Si Felipe L. Gozon ang Chairman ng Board of Directors at Chief Executive Officer ng GMA Network, Incorporated, Senior Partner sa Law Firm ng Belo Gozon Elma Parel Asuncion & Lucila, Chairman at CEO ng GMA Marketing and Productions Incorporated at GMA New Media Incorporated, Chairman at Presidente ng FLG Management and Development Corp., Chairman ng Alta Productions Group Incorporated, Citynet Network Marketing and Productions Incorporated, Mont-Aire Realty and Development Corp., Philippine Entertainment Portal Incorporated, at RGMA Network Incorporated, Vice Chairman ng Malayan Savings and Mortgage Bank, direktor ng Gozon Development Corp., Justitia Realty and Management Corp., Antipolo Agri-Business and Land Development Corp., Capitalex Holdings Incorporated, BGE Holdings Incorporated, Philippine Chamber of Commerce and Industry, Chamber of Commerce of the Philippine Islands at Presidente ng Lex Realty Incorporated, bukod pa sa ibang mga kumpanya. Chairman ng Board of Trustees ng GMA Kapuso Foundation Incorporated, Kapwa Ko Mahal Ko Foundation Incorporated, at The Potter and Clay Christian School Foundation Incorporated, Chairman at Presidente ng Gozon Foundation; at Trustee ng Bantayog ng mga Bayani Foundation, Advisory Board Member ng Asian Television Awards.

Karagdagang impormasyon

antas ng transparency, kung saan kusang ipinaaalam ng kompanya ang tungkol sa pagmamay-ari nito. Ang mga datos ay patuloy na isinasapanahon at madaling mapatutunayan.

maagap at komprehensibong pagpapa-alam kaugnay ng pagmamay-ari ng kompanya, ang datos ay patuloy na isinasapanahon at madaling mapatutunayan

4 ♥

Pinagkukunan/ Pinanggagalingan

Financial Statement of GMA Holdings Incorporated (available upon request at SEC) (2016), Securities and Exchange Commission (SEC)

  • Project by
    VERA Files
  •  
    Global Media Registry
  • Funded by
    BMZ