This is an automatically generated PDF version of the online resource philippines.mom-gmr.org/en/ retrieved on 2023/11/29 at 01:10
Global Media Registry (GMR) & VERA Files - all rights reserved, published under Creative Commons Attribution-NoDerivatives 4.0 International License.
VERA Files LOGO
Global Media Registry

The Lopez Family

The Lopez Family

Ang mga Lopez ay maimpluwensyang pamilya na taal na taga Iloilo, isang probinsiya sa katimugang bahagi ng Pilipinas. Sila ay nagkapera mula sa mga negosyo tulad ng mga tubuhan at shipping.Ang tagapagtatag ng ABS-CBN ay mula sa ika-apat na henerasyon ng mga Lopez: Eugenio Lopez Sr., ang anak ng dating gobernador ng Iloilo na si Benito Lopez at kapatid ng dating bise presidente Fernando Lopez.Si Eugenio Lopez Sr., isang abogadong nag-aral sa University of the Philippines at Harvard, at isa sa mga tagapagmana ng imperio ng pamilya Lopez at may-ari ng Chronicle Broadcasting Network, ang bumili ng Alto Broadcasting System kay Antonio Quirino, kapatid ni dating Pangulong Elpidio Quirino, noong Pebrero 24, 1957.Nang ideklara ni Pangulong Ferdinand Marcos ang martial law noong Setyembre 21, 1972, ang ABS-CBN ang isa sa mga istasyon na inagaw ng puwersa ng gobyerno. Ang kanyang panganay at kapangalan, si Eugenio "Geny" Lopez Jr. ay nakulong dahil sa pakikipagsabwatan umano sa planong ipapatay ang pangulo. Nakatakas si Geny at nanirahan sa Estados Unidos bilang distiyero.Ang istasyon ay ibinalik sa mga Lopez ng noo'y Pangulong Corazon Aquino pagkatapos ng People Power Revolution ng 1986.Ang panganay ni Geny, si Eugenio "Gabby" Lopez III ang ang pinuno ngayon ng istasyon. Kasama ang ibang mga miyembro ng pamilya, siya ay kapwa may-ari ng ABS-CBN Corporation at iba pa nilang mga negosyo sa ilalim ng Lopez, Incorporated.Ang mga miyembro ng pamilya ay ang mga magkakapatid na Oscar at Manuel Lopez at Presentacion L. Psinakis, mga anak ni Eugenio Lopez Sr; anak ni Oscar, si Federico; at kapatid ni Gabby, si Regina Paz “Gina” Lopez.Si Psinakis ang tanging anak na babae ni Eugenio Sr. Si Manuel, ang ika-apat na anak, ang chairman of the board, at ngayon director ng kumpanya ng kuryente, ang Manila Electric Company. Itinalaga siyang Philippine Ambassador sa Japan ni Pangulong Benigno Aquino III. Nagbitiw siya sa tungkulin nang matapos ang termino ni Aquino.Si Gina Lopez ang kasalukuyang secretary ng Department of Environment and Natural Resources, isang posisyon sa Gabinete kung saan siya itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte. Siya ay hindi miyembro ng board of directors ng ABS-CBN Corporation.Ang karamihan ng pera ng mga Lopez ay nagmula sa mass media ngunit mayroon silang ibang mga negosyo tulad ng paggawa at distribusyon ng kuryente at enerhiya, property development, financial services at manufacturing.Dati rin silang nasa negosyo ng serbisyo ng tubig, telekomunikasyon, at tollways.

mga kompanya o grupo ng media
Mga kompanya ng media
Facts

Negosyo

Power & energy

Manila Electric Company

Manufacturing

First Philec, Inc.

Real estate

First Philippine Holdings Corporation

Restaurant and food

TV Food Chefs, Inc.

Non-vessel common carrier

ABS-CBN Global Cargo Corporation

Holding company

ABS-CBN Theme Parks and Resorts Holdings, Inc.

Money remittance

ABS-CBN Europe Remittance Inc.

Trading

ABS-CBN Middle East LLC

Telecommunication

ABS-CBN Telecom North America, Inc.

Educational/training

ABS-CBN Center for Communication Arts, Inc.

Marketing, sales & advertising

Center PTE. Ltd.

Support services

ABS-CBN Shared Service

Services

Daum Kakao Corporation (50%)

Theme park

Play Innovations, Inc.

Call center

iConnect Convergence, Inc.

Home shopping

A CJ O (50%)

pamilya at mga kaibigan

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga ka-pamilya at kaibigan; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng ka-pamilya at kaibigan sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Eugenio L. Lopez III

Si Eugenio L. Lopez III ang Chairman ng Board of Directors ng ABS-CBN Corporation, Vice Chairman ng Lopez Holdings Corporation, Chairman ng Sky Cable Corporation, Presidente ng Sky Vision Corporation, Tresurero ng Lopez Incorporated, Chairman ng Bayan Telecommunications Incorporated, direktor ng First Gen Corporation, direktor ng First Gen Corporation, First Philippine Holdings Corporation, Rockwell Land at ng Eugenio Lopez Foundation

Karagdagang impormasyon

antas ng transparency, kung saan kusang ipinaaalam ng kompanya ang tungkol sa pagmamay-ari nito. Ang mga datos ay patuloy na isinasapanahon at madaling mapatutunayan.

maagap at komprehensibong pagpapa-alam kaugnay ng pagmamay-ari ng kompanya, ang datos ay patuloy na isinasapanahon at madaling mapatutunayan

4 ♥

Pinagkukunan/ Pinanggagalingan

Financial Statement of ABS-CBN Corporation (available upon request at SEC) (2016), Securities and Exchange Commission (SEC)

  • Project by
    VERA Files
  •  
    Global Media Registry
  • Funded by
    BMZ