The Macasaet Family

Ang Monica Publishing Corporation (MPC) ay kumpanyang pag-aari ng pamilya Macasaet. Ang MPC ang naglalathala ng dalawang pang-araw-araw na pahayagang tabloid, Abante at Abante Tonite.Ang beteranong mamamahayag na si Amado P. Macasaet ang chairman of the board samantalang ang kanyang anak na Allen ang presidente ng MPC. Anim na miyembro ng pamilya Macasaet ang nagsisilbing mga direktor at stockholder ng MPC — ang asawa ni Allen na si Maria Genevieve at kanilang mga anak, sina Maria Monica Anne, Amado Salvador, Antonio Alberto, at Alfonso Genaro. Si Maria Genevieve ang humahawak muna ng share ng anak na si Allen Miguel.Bukod sa MPC, si Amado ay tagapaglathala at chairman ng People’s Independent Media, Inc. (PIMI). PIMI ang naglalathala ng Malaya Business Insight, isang broadsheet na lumalabas tuwing Lunes hanggang Biyernes. Si Amado ang pangunahing stockholder nito, na may 89.64 porsiyentong pagmamay-ari. Si Allen ang nagsisilbing presidente ng PIMI. He is also among its stockholders. Siya ay kabilang din sa mga stockholder.
Karagdagang impormasyon
Mga Pangunahing Balita
Pinagkukunan/ Pinanggagalingan
2016. Securities and Exchange Commission (SEC). General Information Sheet of Monica Publishing Corporation. (available upon request at SEC).