The Rufino-Prieto Family

Ang Inquirer ay isang negosyo ng pamilya na pinamumunuan ng ilaw ng tahanan na si Marixi Rufino-Prieto. Ang mga anak niya ay abala sa iba’t ibang opisina: si Alexandra “Sandy” Prieto-Romualdez ang presidente ng broadsheet na Philippine Daily Inquirer samantalang si Ma. Theressa Prieto-Valdez ay kolumnista ng lifestyle sa pahayagan. Si Paolo Prieto naman ang nagpapatakbo ng digital platform na inquirer.net.Si Marixi at ang kanyang pamilya ay nakasama sa 2007 at <2008>http://www.forbes.com/lists/2008/86/philippinerichest08_Marixi-Rufino-Prieto-family_158H.html listahan ng Forbes ng pinakamayaman na mga Filipino bilang ika-39 at 40. Ngunit ang yaman ng pamilya ay hindi lamang nagmula sa kanilang imperio sa media dahil sila ay may iba pang mga negosyo, lalo na sa mga sumusunod na kumpanya ng real estate: Marilex Realty Development Corporation, Corinthian Commercial Corporation, Lexmedia Realty Corporation at Sunvar Realty Development Corporation.Ang <Marilex>www.marilex.com.ph ay may mga proyekto sa mga subdibisyon ng mga mayayaman tulad ng Forbes Park, San Lorenzo Village at The Fort Global City. Ang <Corinthian>corinthiancommercial.com.ph, samantala, ay para sa mga pamilya na middle-income na may abot-kayang bahay tulad ng Corinthian Homes sa Sta. Rosa, Laguna. Isa sa mga proyekto ng <Lexmedia>lexmedia.com.ph ay ang Casa Bougainvillea-- isang condominium sa Makati para sa mga employado ng Philippine Daily Inquirer. Panghuli, ang <Sunvar>sunvar.com.ph ay nagdibelop ng 82-ektaryang eksklusibong subdibisyon na Corinthian Gardens sa kahabaan ng EDSA. Si Mercedes “Peachy” Prieto, ang hipag ni Marixi, ay mayroon din share sa Inquirer Holdings. Bukod dito, siya ay mayroon din restawran at cafe <Casa Roces>lifestyle.inquirer.net/7607/coming-up-roces-food-heritage-history/ sa Malacanang.
Negosyo
Holding company
Linq Information Entertainment Quadrant
Inquirer Holdings, Inc.
Pentap Equities & Holdings Corporation
Pinnacle Printers Corporation
Wholesale/retail
Print Town, Inc.
Freight forwarding
DAG Express Courier, Inc.
Real estate lessor
Corinthian Commercial Corporation
Coventry Corporation
Ionian Realty and Development Corporation
Marilex Realty Development Corporation
pamilya at mga kaibigan
impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga ka-pamilya at kaibigan; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng ka-pamilya at kaibigan sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon
Si Marixi Rufino-Prieto ay chairperson ng Philippine Daily Inquirer. Noong 2008, siya ay naisama sa listahan ng Forbes Asia ng mga pinakamayamang Pilipino -- pang 40 at may net worth na $ 30 milyon.
Si Tessa Prieto-Valdes ay kolumnista ng lifestyle sa Philippine Daily Inquirer
Si Sandy Prieto-Romualdez ay presidente ng Philippine Daily Inquirer
Si Paolo Rufino Prieto ay presidentd ng Inquirer Interactive Incorporated, na nagpapatakbo ng inquirer.net.
Karagdagang impormasyon
Mga Pangunahing Balita
Coming Soon