This is an automatically generated PDF version of the online resource philippines.mom-gmr.org/en/ retrieved on 2023/11/28 at 22:50
Global Media Registry (GMR) & VERA Files - all rights reserved, published under Creative Commons Attribution-NoDerivatives 4.0 International License.
VERA Files LOGO
Global Media Registry

The Tieng Family

The Tieng Family

Ang magkakapatid na William, Wilson, at Willy Y. Tieng ay negosyanteng Filipino-Chinese na may interes sa mass media, industriya ng pelikula, industriya ng pagkain bilang distributor ng gamit pangkusina, security sourcing, real estate at casino.Pag-aari nila ang Solar Entertainment Corporation, isang korporasyon ng mass media na nagpapatakbo ng 10 network ng telebisyon: ETC, 2nd Avenue, JackTV, CT, Solar Sports, Basketball TV, NBA Premium, Shop TV, The Game Channel, at My Movie Channel. Mayroon din silang negosyo na film distribution at nagmamay-ari at nagpapatakbo ng Domestic Satellite Philippines Corporation (DOMSAT).Sila ay nasa likod ng mga pangunahing development project tulad ng Manila Bay reclamation at proyekto para muling idebelop ang Sangley Point sa Cavite, dating naval station ng Estados Unidos, na maging international airport at seaport.Ang magkakapatid na Tieng ay dating may-ari ng 34-porsiyento ng Radio Philippines Network (RPN) na nabili mula sa gobyerno bilang bahagi ng pagsasapribado ng RPN at Intercontinental Broadcasting Corporation noong 2011. Ibinenta nila ang mga share na ito kay Antonio Cabangon-Chua noong Agosto 2014.

mga kompanya o grupo ng media
Mga kompanya ng media
Facts

Negosyo

Mining

AbaCore Capital Holdings, Inc.

Real estate

All-Asia Resources and Reclamation Corporation

Finance

Solar Securities

Food

Federated Distributors, Inc.

E-gaming

iRipple Inc.

Satellite

Domestic Satellite Philippines Inc. (DOMSAT)

pamilya at mga kaibigan

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga ka-pamilya at kaibigan; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng ka-pamilya at kaibigan sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

William Y. Tieng

Si William Y. Tieng ay kapatid nina Wilson at Willy Y. Tieng at Chairman of the Board ng Solar Entertainment Corporation; naging Managing Director ng AbaCore Capital Holdings Incorporated mula noong Agosto 2, 2010, Chairman ng Board ng Federated Distributors Incorporated, Solar Entertainment Corporation, Solar Resources Incorporated at KLG International Incorporated, Vice Chairman ng Media Committee ng Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry, direktor ng AbaCore Capital Holdings Incorporated mula noong Hulyo 2008.

Karagdagang impormasyon

antas ng transparency, kung saan kusang ipinaaalam ng kompanya ang tungkol sa pagmamay-ari nito. Ang mga datos ay patuloy na isinasapanahon at madaling mapatutunayan.

maagap at komprehensibong pagpapa-alam kaugnay ng pagmamay-ari ng kompanya, ang datos ay patuloy na isinasapanahon at madaling mapatutunayan

4 ♥

Pinagkukunan/ Pinanggagalingan

Financial Statement of Solar Entertainment Corporation (available upon request at SEC) (2016), Securities and Exchange Commission (SEC)

  • Project by
    VERA Files
  •  
    Global Media Registry
  • Funded by
    BMZ