The Yap Family

Noong 2016, ang pamilya Yap ay isinama ng Forbes magazine sa 50 pinakamayaman sa Pilipinas, na may tinatayang yaman na $1.1 bilyon para sa ika-21 puwesto. Ang mga negosyo ng pamilya ay sumasaklaw sa iba't ibang industriya na sinimulang ipunin ni Emilio T. Yap noong siya ay bata pa.Ipinanganak sa Fujian province sa mainland China, nagpunta siya sa Pilipinas at nagsimulang magtrabaho bilang mangangalakas sa isang tindahan sa Dumaguete City. Noong ikalawang digmaang pandaigdig, siya ay lumipat mula Cebu patungong Maynila at naging master cutter sa isang pabrika ng T-shirt, na kinalaunan ay kanyang pinamahalaan. Sa pagtitinda ng mga puting T-shirt sa mga sundalong Hapon, nakaipon siya ng sapat na kapital para makapagsimula ng sariling negosyo. Siya ay naging mangangalakal ng sinulid, ballpoint pen, at mga relo. www.philstar.com/business-life/2014/04/14/1311830/emilio-yaps-rags-riches-sagaPagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig, pinasok ni Yap ang pamimili at pagtitinda ng mga surplus na sasakyan tulad ng mga trak at pang militar na jeep noong panahon ng giyera. Noong 1947, itinatag niya ang U.S. Automotive Company—ngayon ay nagpapa-upa ng real estate—at naging isa sa pinakamalaking mamimili ng surplus na mga sasakyan sa buong daigdig.Noong 1960, si Emilio ay pumasok sa pagbabarko at itinatag ang Philippine President Lines. Noong 1961, inimbita siya ng Swiss-Heswitang mayaman na negosyante na si Hans Menzi na mamuhunan sa Bulletin Publishing Corporation. Siya ang naging chairman nito noong 1984. Noong 1978, nakuha niya ang pinakamalaking parte sa Philippine Trust Company (Philtrust Bank) mula sa Arsobispado ng Maynila. Noong 1988, itinatag ng kanyang pamilya ang Euro-Med Laboratories. Noong 1997, nakuha ni Yap ang Manila Hotel, sa tulong ng isang kontrobersyal na desisyon ng Korte Suprema na sumipi ng probisyon mula sa Saligang Batas kaugnay ng national patrimony, bilang batayan sa pag-uutos sa gobyerno na igawad ang kontra sa pagbebenta ng otel sa isang lokal na negosyante kahit na natalo siya sa bidding laban sa isang kumpanya na Malaysian. Sa dakong huli, nag alok si Yap na pantayan ang mas mataas na alok ng kumpanyang Malaysian. Noong 2002, ang pamilya Yap ay nakakuha rin ng parte sa Centro Escolar University.Nang namayapa si Yap noong April 2014, ang kanyang pamilya ang namahala sa kanyang mga negosyo. Ang anak na si Basilio ang pumalit sa kanya bilang chairman of the board ng Manila Bulletin. Si Basilio rin ang chairman ng U.S. Automotive Company, ang pangunahing namumuhunan sa Manila Bulletin, at mga sangay nito—Cocusphil Development Corporation, Philtrust Realty Corporation, U.N. Properties Development Corporation, at Centro Escolar University. Siya rin ang chairman ng US Autoco Incorporated at ang sangay nito, ang Manila Prince Hotel Corporation.Ang ibang mga miyembro ng pamilya Yap, samantala, ay nakalista sa mga kumpanyang ito bilang mga miyembro ng board at pangunahing mamumuhunan.
Negosyo
Real estate
U.S. Automotive Company
pamilya at mga kaibigan
impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga ka-pamilya at kaibigan; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng ka-pamilya at kaibigan sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon
Si Basilio C. Yap ay Chairman of the Board ng Manila Bulletin Publishing Corporation. Siya ay kasalukuyang Chairman of the Board at Presidente ng U.S. Automotive Company, Incorporated, USAUTOCO Incorporated, Philtrust Realty Corporation, Manila Prince Hotel, Cocusphil Development Corporation, U.N. Properties Development Corporation at Seebreeze Enterprises Incorporated. Si Yap ay kasalukuyan din Chairman of the Board ng Centro Escolar University, Vice Chairman ng Philippine Trust Company (Philtrust Bank), Director ng Manila Hotel Corporation at Euro - Med Laboratories Philippines Incorporated
Karagdagang impormasyon
Mga Pangunahing Balita
Pinagkukunan/ Pinanggagalingan
MB Sec form17a part 1