GMA Network Incorporated

Ang GMA Network Incorporated ay isa sa dalawang conglomerate na nangingibabaw sa buong media sa Pilipinas. Tulad ng pinakalapit nitong kakumpitensiya, ang ABS-CBN Corporation, ang network ay mayroon din cross-media na pagmamay-ari at may malakas na presensiya sa telebisyon, radyo, at online.Nag umpisa ang network bilang istasyon ng radyo na unang nag brodkas noong Marso 1, 1950. Pag-aari noon ng isang Amerikano, ang dating war correspondent na si Robert La Rue Stewart na kinalaunan ay nagtatag ng Republic Broadcasting System (RBS). Si Stewart ay nakilala sa telebisyon bilang “Uncle Bob.” Si Stewart ay nasangkot sa pulitika nang, noong 1961, ang kandidato sa pagka-pangulo na pinaniniwalaang kanyang sinusuportahan, ang noo'y Pangulong Carlos P. Garcia, ay natalo kay Diosdado Macapagal, na nagbabalang ipatapon siya.Si Steward ay host noon ng palabas na Uncle Bob’s Lucky 7 Club, at sa programang ito niya inihayag ang pag-alis niya sa bansa. Ang mga bata at kanilang mga magulang ay sumaklolo sa kanya kaya napilitan ang gobyerno na ipatigil ang pagpapahirap kay Stewart.Nang ipataw ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang martial law noong Setyembre 21, 1972 at ipasara ang mga media, ang RBS ni Stewart ay isa sa mga pinayagan na magpatuloy, ngunit kinailangan nitong humingi ng permiso sa gobyerno tuwing tatlong buwan. Nalulugi ang RBS noon at hindi nakatulong na ang Saligang Batas ng 1973 ay nililimitahan ang pagmamay-ari at pamamahala ng mass media sa mga mamamayan ng Pilipinas. Isinuko ni Stewart ang kontrol ng istasyon noong 1975 sa abugadong si Felipe Gozon, sa bayaw ni Gozon na si Menardo Jimenez, at kay Gilberto Duavit Sr., kaibigan ni Gozon at isa sa mga presidential assistants ni Marcos.Pinalitan ng tatlo ang pangalan ng RBS at ginawang GMA para sa Greater Manila Area, ang inisyal na sakop na lugar ng istasyon na kinalaunan ay pinalitan ng Global Media Arts.Sa ilalim ng pamumuno ng tatlo, ang network ay namayagpag at naging handa sa kumpitensya. Noong 2007, ibinukas sa publiko ang kumpanya pero pinanatili ng mga pamilya nina Gozon, Jimenez, at Duavit ang pagmamay-ari at kontrol ng network.Ang idineklarang kita ng network para sa 2015 ay P13.727 bilyon ($293 milyon).Ngayon si, Felipe Gozon ang umuupong chair at chief executive officer ng GMA Network Incorporated samantalang si Gilberto Duavit Jr., anak ni Duavit Sr., ang presidente at chief operating officer. Si Joel Marcelo Jimenez, ang ikalawang anak ni Menardo Jimenez, ay direktor ng network mula pa noong 2002.Ang GMA Network Incorporated ay bumubuo ng isang duopoly sa media ng Pilipinas kasama ang pinakamalapit na kakumpitensya, ang ABS-CBN Corporation; hawak ng dalawang higante ang 80.72 porsiyento ng mga manonood ng telebisyon sa Pilipinas. Ito ay kasosyo sa GMA News TV ng Zoe Broadcasting Network Incorporated, isang kumpanya ng media na pag-aari ng Kristiyanong pastor na si Eduardo Villanueva at kanyang pamilya.Ang pangunahing mga istasyon ng radyo ng GMA Network ay DZBB 594 sa AM at 97.1 sa FM.
Punong kompanya
Group Management Development, Incorporated; GMA Holdings, Incorporated
Uri/klase ng negosyo
Pribado
Legal Form
Korporasyon
Mga sektor ng negosyo
general contracting business, mass media, entertainment
Group Management Development, Incorporated
"General contracting business" ang sinasabi sa mga dokumento ng Group Management Development, Incorporated sa Securities and Exchange Commission, ito ay pag-aari ng pamilya Duavit.
GMA Holdings, Incorporated
Ang GMA Holdings, Incorporated ay nabuo bilang holding company noong Pebrero 15, 2006. Ang tanging trabaho nito ay ang mag-isyu ng Philippine Depositary Receipts (PDRs) kaugnay ng common shares ng GMA Network, Incorporated. Ang PDRs ay itinuturing ng Philippine Stock Exchange bilang security na nagkakaloob sa may hawak nito ng karapatan sa pagdadala o pagbenta ng share.
FLG Management & Development Corporation
Ang FLG Management & Development Corporation ay korporasyon na pag-aari ng pamilya Gozon na may interes din sa shipping, petroleum, real estate bukod sa mass media.
Iba pang mga istasyon ng telebisyon
TV-7 Metro Manila (GMA)
TV-27 Metro Manila (GNTV)
TV-5 San Nicolas, Ilocos Norte (GMA)
TV-27 San Nicolas, Ilocos Norte (GNTV)
TV-48 Bantay, Ilocos Sur (GMA)
TV-40 Bantay, Ilocos Sur (GNTV)
TV-7 Basco, Batanes (GMA)
TV-13 Aparri, Cagayan (GMA)
TV-26 Aparri, Cagayan (GNTV)
TV-7 Tuguegarao, Cagayan (GMA)
TV-27 Tuguegarao, Cagayan (GNTV)
TV-7 Santiago City, Isabela (GMA)
TV-5 Baler, Aurora (GMA)
TV-10 Olongapo (GMA)
TV-26 Olongapo (GNTV)
TV-28 Tarlac City (GNTV)
TV-12 Batangas (GMA)
TV-26 Batangas (GNTV)
TV-44 Jalajala, Rizal (GMA)
TV-13 San Jose, Occidental Mindoro (GMA)
TV-26 San Jose, Occidental Mindoro (GNTV)
TV-6 Brooke’s Point, Palawan (GMA)
TV-8 Coron, Palawan (GMA)
TV-12 Puerto Princesa, Palawan (GMA)
TV-27 Puerto Princesa, Palawan (GNTV)
TV-7 Tablas, Romblon (GMA)
TV-12 Legazpi, Albay (GMA)
RGMA TV-33 Legazpi (GMA)
TV-27 Legazpi, Albay (GNTV)
TV-8 Daet, Camarines Norte (GMA)
TV-7 Naga, Camarines Sur (GMA)
RGMA TV-44 Naga (GMA)
TV-28 Naga, Camarines Sur (GNTV)
TV-13 Virac, Catanduanes (GMA)
TV-7 Masbate (GMA)
TV-27 Masbate (GNTV)
TV-2 Juban, Sorsogon (GMA)
TV-7 Abra (GMA)
TV-10 Benguet (GMA)
TV-22 Benguet (GNTV)
TV-5 Mountain Province (GMA)
TV-2 Kalibo, Aklan (GMA)
TV-27 Kalibo, Aklan (GNTV)
TV-5 Roxas City, Capiz (GMA)
TV-27 Roxas City, Capiz (GNTV)
TV-6 Jordan, Guimaras (GMA)
TV-28 Iloilo (GNTV)
TV-13 Bacolod (GMA)
TV-48 Bacolod (GNTV)
TV-30 Murcia, Negros Occidental (GMA)
TV-10 Sipalay (GMA)
TV-11 Tagbilaran, Bohol (GMA)
TV-7 Cebu (GMA)
RGMA TV-51 Cebu (GMA)
TV-27 Cebu (GNTV)
TV-5 Dumaguete (GMA)
TV-28 Dumaguete (GNTV)
TV-8 Borongan (GMA)
TV-12 Ormoc, Leyte (GMA)
TV-10 Tacloban (GMA)
TV-26 Tacloban (GNTV)
TV-5 Calbayog City (GMA)
TV-26 Butuan (GMA)
TV-4 Dipolog (GMA)
TV-26 Dipolog (GNTV)
TV-3 Pagadian (GMA)
TV-26 Pagadian (GNTV)
TV-9 Zamboanga (GMA)
RGMA TV-45 Zamboanga (GMA)
TV-21 Zamboanga (GNTV)
TV-12 Mt. Kitanglad, Bukidnon (GMA)
TV-5 Ozamis, Misamis Occidental (GMA)
TV-22 Ozamis, Misamis Occidental (GNTV)
TV-11 Iligan City (GMA)
TV-35 Cagayan de Oro (GMA)
TV-43 Cagayan de Oro (GNTV)
TV-5 Davao (GMA)
TV-27 Davao (GNTV)
TV-12 Cotabato (GMA)
TV-27 Cotabato (GNTV)
TV-8 General Santos (GMA)
RGMA TV-32 General Santos (GMA)
TV-26 General Santos (GNTV)
TV-10 Surigao (GMA)
TV-27 Surigao (GNTV)
TV-2 Tandag (GMA)
TV-12 Jolo, Sulu (GMA)
TV-26 Jolo, Sulu (GNTV)
Iba pang mga Istasyon ng Radyo
Manila - Frequency (MHz) 97.1
Baguio - Frequency (MHz) 92.7
Dagupan - Frequency (MHz) 93.5
Legaspi - Frequency (MHz) 96.3
Lucena - Frequency (MHz) 91.1
Naga - Frequency (MHz) 101.5
Palawan - Frequency (MHz) 97.5
Tuguegarao - Frequency (MHz) 89.3
Bacolod - Frequency (MHz) 101.7
Cebu - Frequency (MHz) 99.5
Iloilo - Frequency (MHz) 93.5
Kalibo - Frequency (MHz) 92.9
Cagayan de Oro - Frequency (MHz) 100.7
Iligan - Frequency (MHz) 97.1 relay
Davao - Frequency (MHz) 103.5
General Santos - Frequency (MHz) 102.3
Manila - Frequency (KHz) 594 khz
Palawan - Frequency (KHz) 909
Cebu - Frequency (KHz) 999
Iloilo - Frequency (KHz) 1323
Davao - Frequency (KHz) 1125
Iba pang mga Ahensiya na Online
<www.iGMA.tv> www.iGMA.tv redirecting to <http://www.gmanetwork.com/entertainment/> http://www.gmanetwork.com/entertainment/
News website is <http://www.gmanetwork.com/news/> http://www.gmanetwork.com/news/
Negosyo sa media
TV, Music & Film Production
GMA New Media, Inc. (NMI) (100%)
Citynet Network Marketing and Productions, Inc. (100%)
GMA Network Films, Inc. (100%)
RGMA Marketing and Productions, Inc. (GMA Records) (100%)
Scenarios, Inc. (100%)
Script2010, Inc. (Script2010) (100%)
Alta Productions Group, Inc. (100%)
GMA Marketing & Productions, Inc. (GMPI) (100%)
Online publishing/advertising
Mediamerge Corporation (100%)
Digify, Inc. (Digify) (100%)
INQ7 Interactive, Inc. (50%)
Philippine Entertainment Portal, Inc. (PEP) (50%)
Sports betting and broadcasting
Gamespan, Inc. (50%)
Broadcasting
RGMA Network, Inc. (49%)
Negosyo
Real estate
Mont-Aire Realty and Development Corp. (49%)
Marketing
GMA Worldwide (Philippines), Inc. (100%)
Pangkalahatan na impormasyon
Taon ng pagkakatatag
1950
Tagapagtatag
Robert La Rue Stewart
Impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may relasyon sa tagapagtatag, lalo na mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng tagapagtatag sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon
Dating Amerikanong war correspondent, si Stewart ay kilala sa kanyang personalidad sa radyo at telebisyon na “Uncle Bob.”
Mga Empleyado
2,589 (including radio and other units, as of June 30, 2014)
Contact
GMA Network Center, EDSA corner Timog Avenue, Diliman, Quezon City, 1101 PhilippinesTelephone Number: +632-982-7777
Tax/ ID Number
000-917-916-000V
Impormasyon tungkol sa pananalapi
Kita (datos ng pananalapi/opsiyonal)
293 Mil $ / 13.73 Bil P
Tubo mula sa operasyon ng negosyo (sa milyong dolyar)
63.65 Mil $ / 2.98 Bil P
Patalastas (bilang % ng buong pondo)
264.61 Mil $ / 12.4 Bil P
Namamahala
Lupon ng tagapagpaganap at interes ng lupon ng tagapagpaganap
Si Felipe L. Gozon ang Chairman ng Board of Directors at Chief Executive Officer ng GMA Network, Incorporated, Senior Partner sa Law Firm ng Belo Gozon Elma Parel Asuncion & Lucila, Chairman at CEO ng GMA Marketing and Productions Incorporated at GMA New Media Incorporated, Chairman at Presidente ng FLG Management and Development Corporation, Chairman ng Alta Productions Group Incorporated, Citynet Network Marketing and Productions Incorporated, Mont-Aire Realty and Development Corporation, Philippine Entertainment Portal Incorporated, at RGMA Network Incorporated, Vice Chairman ng Malayan Savings and Mortgage Bank, direktor ng Gozon Development Corporation, Justitia Realty and Management Corporation, Antipolo Agri-Business and Land Development Corporation, Capitalex Holdings Incorporated, BGE Holdings Incorporated, Philippine Chamber of Commerce and Industry, Chamber of Commerce of the Philippine Islands at Presidente ng Lex Realty Incorporated, bukod pa sa ibang mga kumpanya. Siya rin ay Chairman ng Board of Trustees ng GMA Kapuso Foundation Incorporated, Kapwa Ko Mahal Ko Foundation Incorporated, at The Potter and Clay Christian School Foundation Incorporated, Chairman at Presidente ng Gozon Foundation, Trustee ng Bantayog ng mga Bayani Foundation, at Advisory Board Member ng Asian Television Awards.
Si Gilberto R. Duavit, Jr. ay Presidente at Chief Operating Officer ng GMA Network Incorporated, direktor ng GMA Network, Incorporated mula pa noong 1999, Chairman ng Executive Committee ng network, Chairman of the Board ng GMA Network Films Incorporated at GMA Worldwide Incorporated at Vice Chairman of the Board ng GMA Marketing and Productions Incorporated, Presidente at CEO ng GMA Holdings Incorporated, Scenarios Incorporated, RGMA Marketing and Productions Incorporated, Film Experts Incorporated, at Dual Management and Investments Incorporated, Presidente at direktor ng Group Management and Development Incorporated, Presidente at direktor ng MediaMerge Corporation, Citynet Network Marketing and Productions Incorporated, direktor ng RGMA Network Incorporated, GMA New Media Incorporated, Alta Productions Group Incorporated, Optima Digital Incorporated, at Mont-Aire Realty and Development Corporation, Presidente at Trustee ng GMA Kapuso Foundation Incorporated, Trustee ng Guronasyon Foundation Incorporated (dating LEAF) at trustee ng HERO Foundation.
Si Joel Marcelo G. Jimenez ay direktor ng GMA Network Incorporated mula pa noong 2002, Presidente at CEO ng Menarco Holdings at Chief Executive Officer ng Alta Productions Incorporated, direktor ng RGMA Network Incorporated, GMA New Media Incorporated, Scenarios Incorporated, at GMA Worldwide Incorporated, miyembro ng Board of Directors ng Malayan Savings and Mortgage Bank, at Unicapital Securities Incorporated, direktor ng Nuvoland Philippines, isang kumpanya ng real-estate development, at trustee ng GMA Kapuso Foundation Incorporated.
Si Gilberto M. Duavit, Sr. ay abogado at direktor ng GMA Network, Incorporated.
Si Felipe S. Yalong ay Executive Vice President and Chief Financial Officer ng GMA Network Incorporated, at pinuno ng Corporate Services Group nito. Siya ay nagsisilbing direktor ng kumpanya mula 2002, direktor at Corporate Treasurer ng GMA Holdings Incorporated, Scenarios Incorporated at GMA Network Films Incorporated; Direktor ng Unicapital Incorporated, Majalco Finance and Investments Incorporated at GMA Marketing and Productions Incorporated, Corporate Treasurer ng RGMA Network Incorporated, MediaMerge Corporation; Executive Vice President ng RGMA Marketing and Productions Incorporated, at Corporate Treasurer ng Board of Trustees ng GMA Kapuso Foundation Incorporated.
Si Anna Teresa M. Gozon-Abrogar ay anak ni Felipe L. Gozon. Siya ay direktor ng GMA Network, Incorporated mula pa noon taong 2000, junior partner sa Belo Gozon Elma Parel Asuncion & Lucila, Associate Professor sa University of the Philippines, College of Law, Programming Consultant sa Chairman at CEO ongf GMA Network Incorporated Presidente ng GMA Films Incorporated at GMA Worldwide Incorporated, at Trustee ng GMA Kapuso Foundation.
Si Laura J. Westfall ay director ng GMA Network, Incorporated mula pa noong taong 2000; humawak ng mga sumusunod na posisyon sa GMA Network, Incorporated: Senior Vice President ng Corporate and Strategic Planning at Senior Vice President ng Finance, Chairperson at Presidente ng GMA New Media, kasalukuyang may iba't ibang posisyon sa Majent Group of Companies, Board Member ng Coffee Bean and Tea Leaf Philippines, Bronzeoak Clean Energy Incorporated, at Museo Pambata.
hindi kabilang sa lupon ng tagapagpaganap at interes ng hindi kabilang sa lupon ng tagapagpaganap
Si Artemio V. Panganiban ay Independent Director ng GMA Network Incorporated mula 2007. SIya rin ay nagsilbi bilang punong mahistrado ng Pilipinas mula 2005 hanggang Disyembre 2006, at Independent Director ng mga sumusunod: First Philippine Holdings Corporation, Metro Pacific Investments Corporation, Manila Electric Company, Robinsons Land Corporation, GMA Holdings Incorporated, Philippine Long Distance Telephone Company, Petron Corporation, Bank of the Philippine Islands, at Asian Terminals. Siya rin ay regular na direktor ng Jollibee Foods Corporation, Senior Adviser ng Metropolitan Bank, Chairman ng Board of Advisers ng Metrobank Foundation, Adviser ng Double Dragon Properties, Chairman ng Board of the Foundation for Liberty and Prosperity, Presidente ng Manila Cathedral Basilica Foundation, Chairman Emeritus ng Philippine Dispute Resolution Center, Incorporated, at miyembro ng Advisory Board ng World Bank (Philippines) at ng Asian Institute of Management Corporate Governance Council. Isa siya sa mga kolumnista ng The Philippine Daily Inquirer.
Si Jaime C. Laya ay Independent Director ng GMA Network Incorporated mula 2007, Chairman at Presidente ng Philippine Trust Company (Philtrust Bank), Direktor ng Ayala Land Incorporated, Manila Water Company Incorporated, at Philippine AXA Life Insurance Company, Incorporated, Chairman ng Don Norberto Ty Foundation Incorporated at Escuela Taller de Filipinas Foundation Incorporated, Trustee ng St. Paul University - Quezon City, Cultural Center of the Philippines, Metropolitan Museum of Manila, Yuchengco Museum, Fundacion Santiago Incorporated, Ayala Foundation Incorporated, at iba pang mga foundations. Mayroon siyang lingguhang kolum sa Manila Bulletin.
Supervisory Board + Interests Supervisory Board
Missing Data
Ibang mga maimpluwensyang tao at interes ng mga maimpluwensyang tao
Missing Data
Karagdagang impormasyon
Mga Pangunahing Balita
Meta Data
GMA Network, Incorporated is a publicly listed corporation and is required by law to disclose all company details.
The Securities Regulation Code, Republic Act 8799, which was enacted into law in 2000, lays down stringent disclosure requirements for companies that wish to make a public offering or that are already publicly listed, including who its beneficial owners are.
The Securities and Exchange Commission’s Memorandum Circular No. 11, series of 2014, requires all publicly listed companies to post on their websites the following information, among other things:
1) Company profile, mission and vision, Board of Directors, organizational structure, shareholding structure, Articles of Incorporation and By-Laws;
2) The disclosures required by the SEC, including periodic reports, statement of beneficial ownership and the General Information Sheet;
3) Manual on Corporate Governance, Annual Corporate Governance Reports;
4) Company policies on whistleblowing, conflict of interest, insider trading, related party transactions, health and welfare of staff;
5)Investor relations programs and shares, including the total outstanding shares, exchanges where the shares are listed, and the top 20 shareholders of the company.
Conversion rate on Dec. 31, 2015: P 46.86 .
Audience share based on Nielsen’s National Urban TV Audience Measurement (TV, Jan-August 2016), Nielsen's Consumer and Media View (Print, Jan-August 2016), Audience share from Nielsen's Radio Audience Measurement (Radio, Jan-August 2016), Effective Measurement (2016)
Founding year based on date of incorporation as reflected in the Securities and Exchange Commission documents.
Pinanggagalingan ng impormasyon o datos
Financial Statement of GMA Holdings Incorporated (available upon request at SEC) (2016), Securities and Exchange Commission (SEC)
General Information Sheet of GMA Holdings Incorporated (available upon request at SEC) (2016), Securities and Exchange Commission (SEC)
Financial Statement of GMA Network Incorporated (available upon request at SEC) (2016), Securities and Exchange Commission (SEC)
General Information Sheet of GMA Network Incorporated (available upon request at SEC) (2016), Securities and Exchange Commission (SEC)