Presidential Communications Operations Office (PCOO)

Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang tanggapan na namamahala sa pagpapakalat ng opisyal na komunikasyon ng pangulo ng Pilipinas.Ito rin ang tanggapan na nangangasiwa at namamahala sa mga media na pag-aari ng estado at may pananagutan sa akreditasyon at pagpapatotoo sa mga pinagsanayan ng mga dayuhang correspondent ng media.Executive Order (EO) No. 4, na pinirmahan ni dating Pangulong Benigno S. Aquino III noong Hukyo 30, 2010, ang nagtatag ng tanggapan. Pinalitan ng EO ang pangalan ng Office of the Press Secretary, binago ang ilang mga gawain, at nagtatag ng opisina para sa mga mensahe at estratehikong pagpaplano ng Malacañang. Para sa dibisyon ng telebisyon nito, ang PCOO ang namamahala sa pangunahing network ng telebisyon ng gobyerno, ang PTV-4 o People's Television Network Incorporated (PTNI), ang Radio Philippines Network or RPN 9 kung saan ang goberyno ay may 20-porsiyentong parte, at RTV Malacañang, ang opisyal na YouTube channel ng Office of the President.Bagaman ang gobyerno ang nananatiling may-ari ng Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC), ang himpilan ay tumatakbo na parang isang pribadong korporasyon; hindi ito kumukuha ng pinansiyal na suporta mula sa gobyerno at umaasa sa kinikita nito sa pagbobrodkas para sa sariling operasyon. Ang istasyon ng radyo na pinatatakbo ng estado, ang Radyo ng Bayan, ay nasa ilalim din ng PCOO.Sa isang pahayag noong Hunyo, sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar na gagawin ng kasalukuyang administrasyon na mas simple at higit na episiyente ang mga gawaing pang-komunikasyon. Papalitan nila ang pangalan ng PCOO at gagawing Presidential Communications Office o PCO at pagsasama-samahin ang mga kasalukuyang opisina na makikilalang Communication Group sa ilalim ng PCO.
Uri/klase ng negosyo
Pampubliko
Legal Form
Ahensya ng gobyerno
Mga sektor ng negosyo
Isang opisina sa ilalim ng ehekutibong sangay ng gobyerno
Iba pang mga istasyon ng telebisyon
PTV4
IBC13
CNN Philippines (through shares in Radio Philippines Network or RPN)
Iba pang mga Istasyon ng Radyo
MV's assignment
Negosyo
Pangkalahatan na impormasyon
Taon ng pagkakatatag
2010 as PCOO but 1935 as Office of the Executive Secretary
Tagapagtatag
Benigno S. Aquino III through Executive Order No. 4
Mga Empleyado
Missing Data
Contact
2nd Floor, New Executive, Malacañang Compound, Jose P Laurel Sr,San Miguel, Manila, Metro Manila Telephone Number: +632-734-7420
Impormasyon tungkol sa pananalapi
Kita (datos ng pananalapi/opsiyonal)
Missing Data
Tubo mula sa operasyon ng negosyo (sa milyong dolyar)
Missing Data
Patalastas (bilang % ng buong pondo)
Missing Data
Namamahala
Lupon ng tagapagpaganap at interes ng lupon ng tagapagpaganap
Board of Directors of People's Television Network, Incorporated:
Si Maria Cristina C. Mariano ay chair ng People's Television Network Incorporated at miyembro ng Board of Directors nito. Siya ang kumakatawan sa sektor ng gobyerno.
Si Veronica B. Jimenez ay Vice Chairperson at miyembro ng Board of Directors ng People's Television Network Incorporated. Siya ang kumakatawan sa pribadong sektor at sa industriya ng brodkas.
Si Albert D. Bocobo ang General Manager ng People's Television Network Incorporated at miyembro rin ng Board of Directors nito. Siya ay kumakatawan sa pribadong sektor.
Si Cindy Rachelle E. Igmat ay miyembro ng Board of Directors ng People's Television Network Incorporated at kumakatawan sa sektor ng gobyerno.
Si Josemaria E. Claro ay miyembro ng Board of Directors ng People's Television Network Incorporated at kumakatawan sa sektor ng edukasyon.
Board of Directors ng Intercontinental Broadcasting Corporation:
Si Jose B. Avellana, Jr. ay Chairman ng Intercontinental Broadcasting Corporation.
Si Manolito O. Cruz ay Presidente at CEO ng Intercontinental Broadcasting Corporation.
Si Jose Rafael Hernandez ay ingat-yaman ng Intercontinental Broadcasting Corporation.
Si Diosdado Marasigan ay Vice President for Special Concerns ng Intercontinental Broadcasting Corporation.
Jaime P. Alanis
Arturo M. Alejandrino
Ibang mga maimpluwensyang tao at interes ng mga maimpluwensyang tao
Si Rodrigo Duterte ang kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas.
Martin Andanar Si Martin Andanar ang kasalukuyang Presidential Communications Secretary ng administrasyong Duterte.
Karagdagang impormasyon
Mga Pangunahing Balita
Meta Data
Audience share based on Nielsen’s National Urban TV Audience Measurement (TV, Jan-August 2016), Nielsen's Consumer and Media View (Print, Jan-August 2016), Audience share from Nielsen's Radio Audience Measurement (Radio, Jan-August 2016), Effective Measurement (2016)
Pinanggagalingan ng impormasyon o datos
Financial Statement of Intercontinental Broadcasting Corporation (available upon request at SEC), Securities and Exchange Commission (SEC)
General Information Sheet of Intercontinental Broadcasting Corporation (available upon request at SEC) (2016), Securities and Exchange Commission (SEC)
Financial Statement of People's Television Network, Incorporated (available upon request at SEC) (2016), Securities and Exchange Commission (SEC)
General Information Sheet of People's Television Network, Incorporated (available upon request at SEC) (2016), Securities and Exchange Commission (SEC)