Progressive Broadcasting Corporation
Ang Progressive Broadcasting Corporation (PBC) ay isang korporasyon ng mass media na nakarehistro sa Securities and Exchange Commission noong Oktubre 6, 1986. Mayroon itong prangkisa na ipinagkaloob ng Kongreso at ginagamit ng UNTV News and Rescue para magpatakbo ng istasyon ng telebisyon. Ang PBC ay nabigyan ng 25-taong prangkisa at pagkaraan ng limang taon para naman sa mga istasyon ng komersyal na radyo at telebisyon sa apat na rehiyon, kabilang ang Metro Manila. Ang prangkisang ito ay sinusugan para palawigin ang operasyon sa buong bansa. Noong Mayo 2016, inaprubahan ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang pagpapanibago ng nasabing prangkisa para sa isa pang 25 taon.Si Alfredo “Atom” L. Henares ang may-ari ng 70-porsiyento ng PBC. Siya ang chairman of the board at presidente. Ang kanyang ama, ang media personality na si Hilarion “Larry” Henares, ay chairman emeritus. Ang iba pang may mga sosyo sa korporasyon ay sina Joselito N. Pedero and Dennis T. Villareal.May iba't ibang negosyo si Henares mula real estate, electric powerplant, at palm oil manufacturing. Dati siyang kasal kay Victoria “Vicki” G. Belo, ang presidente at medical director ng Belo Medical Group, isang multi-milyong negosyo ng mga produkto at serbisyo na pampapaganda . Siya ay isa rin personalidad sa telebisyon.
Uri/klase ng negosyo
Pribado
Legal Form
Korporasyon
Mga sektor ng negosyo
brodkas at mass media
Indibidwal na may-ari
Si Alfredo L. Henares ay may iba't ibang interes sa negosyo mula sa real estate, electric powerplant, at palm oil manufacturing.

Joselito N. Pedero
Si Joselito N. Pedero ay vice chair ng Progressive Broadcasting Corporation. Siya ay kasapi din ng mga namumuhunan sa korporasyon.
Dennis T. Villareal
Si Dennis T. Villareal ay may mga interes sa power generation, water utilities, palm oil manufacturing, pagawaan ng papel at plastic, at real estate.
Iba pang mga istasyon ng telebisyon
Coming Soon
Iba pang mga Istasyon ng Radyo
Coming Soon
107.5 Wish (FM station)
Iba pang mga Ahensiya na Online
<https://www.untvweb.com/> https://www.untvweb.com/
Negosyo
Pangkalahatan na impormasyon
Taon ng pagkakatatag
1986
Tagapagtatag
Alfredo “Atom” L. Henares
Impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may relasyon sa tagapagtatag, lalo na mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng tagapagtatag sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon
Si Alfredo L. Henares, ang nagmamay-ari ng 70 porsiyentong equity share sa Progressive Broadcasting Corporation, ay may iba't ibang mga interes sa negosyo mula sa real estate, electric powerplant, at palm oil manufacturing.
Mga Empleyado
420 - Rank and file employees
Contact
UNTV-Breakthrough and Milestones Productions International, No. 907 BMPI Bldg. PhilAm EDSA, Quezon City, 1104 Philippines Telephone Number: +632-442-6244
Tax/ ID Number
000-491-433
Impormasyon tungkol sa pananalapi
Kita (datos ng pananalapi/opsiyonal)
1.04 Mil $ / 48.77 Mil P
Tubo mula sa operasyon ng negosyo (sa milyong dolyar)
0.05 Mil $ / 2.27 Mil P
Patalastas (bilang % ng buong pondo)
Missing Data
Namamahala
Lupon ng tagapagpaganap at interes ng lupon ng tagapagpaganap
Si Alfredo L. Henares ay Chairman at Presidente ng Progressive Broadcasting Corporation, treasurero at direktor ng Salcon Power Power Corporation, treasurero at direktor ng Salcon Philippines Incorporated, treasurero at direktor ng Salcon International Incorporated, Chairman ng SPC Island Power Corporation, treasurero at direktor ng SPC Properties & Development Corporation, treasurero at direktor ng SPEC Properties Incorporated, treasurero at direktor ng Western Panay Hydropower Corporation, treasurero at direktor ng SPC Electric Company Incorporated, treasurer at direktor ng SPC Light Company Incorporated, Chairman ng Bohol Light Company Incorporated, Chairman ng Bohol Water Utilities Incorporated, direktor-finance ng Vegoil Phils Incorporated, Chief Financial Officer at Executive Vice President ng Kepco SPC Power Corporation, Chairman ng SPC Malaya Power Corporation, at Chairman ng KV Holdings Incorporated (Philippines). Siya ay nasa Board of Directors ng SPC Power Corporation, Salcon Philippines Incorporated, Salcon International Incorporated, SPC Properties & Development Corporation, SPEC Properties Incorporated, Western Panay Hydropower Corporation, SPC Electric Company Incorporated, SPC Light Company Incorporated, at Isarog Pulp & Paper Company Incorporated.
Si Joselito N. Pedero ay Vice Chairman ng Progressive Broadcasting Corporation.
Si Dennis T. Villareal ay treasurero ng Progressive Broadcasting Corporation, tagapagtatag at Presidente at Chief Executive Officer ng SPC Power Corporation, Presidente at direktor ng mga sumusunod na korporasyon: Salcon Philippines Incorporated; Salcon International Incorporated, Salcon Island Power Corporation, Salcon Property and Development Corporation, SPEC Properties Incorporated, Salcon Technologies Incorporated, Mactan Electric Company Incorporated, Bohol Light Company Incorporated, Bohol Water Utilities Incorporated, Salmin Water Resources Incorporated, Western Panay Hydropower Corporation, Salcon Electric Company Incorporated, Rayfield Holdings Incorporated, Salcon Light Company Incorporated, Filipinas Palmoil Processing Incorporated, Filipinas Palmoil Plantations Incorporated, Filipinas Palmoil Properties Incorporated, Isarog Pulp and Paper Company Incorporated, Dentrade Incorporated, JAD Holdings Incorporated, at Interpid Holdings Incorporated, Vice-President at direktor ng Dowel Packaging Corporation, Rowel Industrial Corporation, at Rowel Plastic Corporation.
Si Manuelito F. Luzon ay Executive Vice President ng Progressive Broadcasting Corporation.
Si Lydia C. Abuel ay direktor ng Progressive Broadcasting Corporation.
Si Pierre M. Cantara ay Corporate Secretary ng Progressive Broadcasting Corporation.
Ibang mga maimpluwensyang tao at interes ng mga maimpluwensyang tao
Si Daniel Razon ay Presidente at Chief Executive Officer ng Breakthrough and Milestone Productions International, ang kumpanya na nagpapanatili at nagpapatakbo ng UNTV.
Si Eliseo Fernando “Bro. Eli” Soriano - pinuno ng mga miyembro ng Church of God International, kilala dito bilang “Ang Dating Daan” ang nagsasahimpapawid ng pang-relihiyong programa sa UNTV.
Si Victoria ""Vicki"" G. Belo ay dating asawa ni Alfredo L. Henares; siya ay Presidente at Medical Director ng Belo Medical Group, isang multimillion na negosyo ng mga produkto ng pampaganda. Siya ay isang personalidad din sa telebisyon.
Si Quark Henares ay anak nina Alfredo L. Henares at Victoria ""Vicki"" G. Belo; siya ay isang direktor sa pelikula.
Si Cristalle Henares ay anak nina Alfredo L. Henares at Victoria ""Vicki"" G. Belo; siya ay negosyante at nasa negosyon din ng mga produkto ng pampaganda.
Si Hilarion “Larry” Henares ay ama ni Alfredo L. Henares; siya ay isang filmmaker, educator, negosyante, at personalidad sa telebisyon, radyo at mga babasahin.
Karagdagang impormasyon
Mga Pangunahing Balita
Meta Data
Conversion rate on Dec. 31, 2015: P 46.86.
Audience share based on Nielsen’s National Urban TV Audience Measurement (TV, Jan-August 2016), Nielsen's Consumer and Media View (Print, Jan-August 2016), Audience share from Nielsen's Radio Audience Measurement (Radio, Jan-August 2016), Effective Measurement (2016)
Founding year based on date of incorporation as reflected in the Securities and Exchange Commission documents.
Pinanggagalingan ng impormasyon o datos
Financial Statement of Progressive Broadcasting Corporation (available upon request at SEC) (2016), Securities and Exchange Commission (SEC)
General Information Sheet of Progressive Broadcasting Corporation (available upon request at SEC) (2016), Securities and Exchange Commission (SEC)