Pagmamay-ari ng media
Ang pag-aari ng media sa Pilipinas ay puwedeng maging malakas na kapangyarihang maaaring pakinabangan ng iba pang mga negosyo ng may-ari. Dahil dito, puwedeng maapektuhan ang papel ng media na ihayag ang katotohanan mula sa mga may-kapangyarihan.
Ang koneksiyon ng negosyo at kapangyarihan ay nakaaapekto sa kalidad ng impormasyong nakukuha ng publiko. Kaya mahalagang alam ng publiko kung sino ang may-ari ng mga kompanya ng media.
Natuklasan ng VERA Files na kahit sinisingil ng media ang katapatan mula sa mga may-kapangyarihan, maraming media mismo ang tinatago kung sino ang may-ari ng kanilang kompanya.
Mga may-ari ng media