This is an automatically generated PDF version of the online resource philippines.mom-gmr.org/en/ retrieved on 2024/09/18 at 02:30
Global Media Registry (GMR) & VERA Files - all rights reserved, published under Creative Commons Attribution-NoDerivatives 4.0 International License.
VERA Files LOGO
Global Media Registry

TV na maraming palabas na pang-entertainment

Noong 2022, ang karaniwang Pinoy ay gumugugol ng halos tatlo’t kalahating oras sa panonood ng TV araw-araw. At kalahati ng populasyon ng Pilipinas ay nanonood ng TV para sa balita. Pero kahit 90% ng mga Pinoy ay may TV, 60% lang ang nanonood araw-araw.

Mula nang ipasara ang ABS-CBN noong 2020, ang karibal nitong GMA na ang nangunguna sa 225 estasyon ng TV. Sa mga nanonood ng TV sa Pilipinas, 42.68% ang nanood ng GMA at 10.47% sa isa pa nitong estasyon, ang GTV.

Ayon sa Nielsen Consumer and Media View, noong pangalawang quarter ng 2023, ang nangungunang apat na estasyon ng TV sa Pilipinas, bagamat nagpapalabas ng mga balita, ay naka-focus pa rin sa entertainment. At marami sa sampung nangungunang estasyon ng TV sa Pilipinas ay nagpapalabas ng musical-variety shows, drama at comedy programs o pelikula. 

Dahil sa kumakaunting nanonood ng TV, karamihan sa mga media outlet ay nagpapalabas na rin online para maabot ang lalo pang dumaraming gumagamit ng cellphone na pangunahing pinagkukunan ng balita at libangan. 

Tingnan sa baba ang pagkokompara ng mga nangungunang estasyon ng TV sa Pilipinas noong 2016 at mga may-ari ng media sa Pilipinas noong 2023:

TV Database
  • Project by
    VERA Files
  •  
    Global Media Registry
  • Funded by
    BMZ
  •  
    Logo of Embassy of the Federal Republic of Germany Manila