This is an automatically generated PDF version of the online resource philippines.mom-gmr.org/en/ retrieved on 2024/09/18 at 03:09
Global Media Registry (GMR) & VERA Files - all rights reserved, published under Creative Commons Attribution-NoDerivatives 4.0 International License.
VERA Files LOGO
Global Media Registry

Pag-aaral sa kasalukuyang Estado ng Pagkakaiba ng Media sa Pilipinas

Ang masiglang pagkakaiba ng media ay mahalaga sa lumalagong demokrasya. 

Ang media sa Pilipinas ay halo ng tradisyonal at umuusbong na media, kasama ang TV, radyo, diyaryo at ang laging lumalawak na internet. Kahit may ilang pagkakaiba, patuloy pa rin ang mga pagsubok sa mga nangununang media na pag-aari ng iilan lang na pamilya.Nakababahala ito sa pagbabalitang may pinapanigan, limitadong pananaw at manipulasyon ng opinyon ng publiko.

Ang paghahangad sa pagkakaiba ng media ay hindi lang basta mithiin kundi pangangailangan sa pagbabantay sa mga pagpapahalagang demokratiko, pag-aalaga sa mamamayang may-alam at pagpapayaman sa iba’t ibang pananaw. 

Ang mga patakaran sa pag-aari, pagko-kontrol at pamumuno sa media ay nakaaapekto sa tungkulin ng media na maghayag ng patas, napapanahon at mapagkakatiwalaang impormasyon para sa mamamayang may-alam at may-pakialam.

Ang 12 indikasyon ng mga panganib sa pagkakaiba ng media ay inaalam ang kalusugan ng media sa Pilipinas, sa pamamagitan ng pagtingin sa ekonomiya, batas at politika. Ang media ba sa Pilipinas ay pag-aari lang ng iilan sa bawat sektor at lahat ng mga sektor? Ano-ano ang mga pinakapanganib sa pagkakaiba ng media? Ang media ba sa Pilipinas ay may espasyo para sa pampublikong debate na pinakikinggan ang iba’t ibang pananaw, kahit ang mga pumupuna sa mga makapangyarihan?

Mga Palatandaan ng mga Panganib sa Pluralismo ng Media
Mga Importanteng Natuklasan
  • Project by
    VERA Files
  •  
    Global Media Registry
  • Funded by
    BMZ
  •  
    Logo of Embassy of the Federal Republic of Germany Manila